No student devices needed. Know more
10 questions
TAMA o MALI:
Alam ni Jesus ang Kaniyang dadanasing paghihirap sa krus, ganon din ang pagpapabaya at pagkakanulo sa Kaniya, sa kabila nito, ang kapakanan pa rin ng mga alagad ang nangingibabaw sa Kaniyang pag iisip.
TAMA
MALI
Alin ang MALI?
Sa gabing ito ay alam ni Jesus na handa na ang mga alagad sa maraming bagay na sasabihin Niya sa kanila.
Nagkaroon ng pagtatalu-talo sa gitna ng mga alagad sa huling gabi na ito na kasama nila si Jesus.
Nananatili pa rin sa isip ng mga alagad na Si Jesus ay uupo sa trono bilang hari ng Israel.
PILIIN ANG TAMA!
Nang pumasok ang mga alagad sa silid na pagdarausan ng hapunan, ang mga puso nila ay puno ng pagkagalit.
Ang bawat isa sa mga alagad ay nagkusang maghugas ng mga paa ni Jesus
Nakaugalian na sa isang kapistahan na hugasan ng isang may ari ng bahay ang paa ng bisita.
TAMA o MALI:
Hinugasan ni Hesus ang mga paa ng mga alagad, maliban kay Judas.
TAMA
MALI
Alin ang MALI?
Natatag sa isip ni Judas na wala siyang aasahang tatamuhin na pakinabang sa pagsunod kay Kristo .
Hindi naramdaman ni Judas ang kapangyarihan ng pag ibig na ipinahayag ng mga kilos ni Jesus tungo sa kaniya.
Ikinatisod ni Judas ang pagpapakababa ni Jesus nang hugasan Nito ang kaniyang paa.
Matapos hugasan ni Jesus ang mga paa ng mga alagad, bakit sinabi ni Jesus sa kanila na "Kayo'y malilinis na, ngunit hindi ang lahat"?
Marami sa mga alagad ay hindi napahinuhod
Hinugasan Ni Jesus ang paa ni Judas ngunit hindi nito isinuko ang puso sa Kaniya.
Hindi ipinasakop ni Pedro ang kaniyang sarili kay Jesus.
ALIN ANG MALI?
Si Pedro ay katulad din ni Judas na naging mapagmataas
Ang pagtanggi ni Pedro na hugasan ni Jesus ang kaniyang paa ay katunayan ng kaniyang pagpapakumbaba rito.
Ayaw mapalayo ni Pedro kay Jesus kaya nabago ang kaniyang isipan tungkol sa paghuhugas ng paa.
Ayon sa kabanata, ano ang kahalagahan ng palatuntunan ng paghuhugas ng paa?
Ito ay panahon na ang Banal na Espiritu ay naguudyok sa tao na magkaroon ng pagsisiyasat ng puso, ng pagsumbat ng kasalanan, at pagbibigay ng kasiguruhan ng kapatawaran ng kasalanan.
Sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo ay nababago ang takbo ng pag iisip at nahihiwalay sa mga bagay na makasarili.
Parehong TAMA
Piliin ang dalawang (2) TAMA
Ang palatuntunan ng paghuhugasan ng paa ay...
Gawain lamang ng mga alipin
Halimbawa ng di-makasariling paglilingkod na may karangalan
Dapat mauna bago ang pagtanggap ng Banal na Komunyon
Ano ang aral na natutuhan mo tungkol sa paghuhugasan ng paa? Ipaliwanag.
Explore all questions with a free account