No student devices needed. Know more
15 questions
Ano ang itinuturing na wikang opisyal at wikang panturo noong panahon ng Espanyol?
Tagalog
Ingles
Niponggo
Espanyol
Ito ang dalawang wika na ginamit ng mga bagong mananakop (Amerikano) sa mga kautusan at proklamasyon.
Ingles at Tagalog
Ingles at Espanyol
Ingles at Filipino
Ingles at Niponggo
Sa panahon naman ng mga Hapon, ano ang naging opisyal na mga wika?
Niponggo at Ingles
Niponggo at Espanyol
Niponggo at Tagalog
Niponggo at Filipino
Ayon sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897), ano ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas?
Ingles
Filipino
Pilipino
Tagalog
Ano ang tawag sa samahan na itinatag ni Pangulong Manuel Quezon para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika?
Surian ng Wikang Pilipino
Samahan ng Wikang Pambansa
Surian ng Wikang Pambansa
Samahan ng Wikang Pilipino
Ano na ang panibagong katawagan sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP)?
Komisyon sa Wikang Pambansa
Komisyon sa Wikang Filipino
Komisyon sa Wikang Pilipino
Komisyon sa Wikang Tagalog
Disyembre 30, 1937 nang lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa _ bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.
Ingles
Filipino
Pilipino
Tagalog
Sino ang tinaguriang Ama ng Balarilang Tagalog?
Emilio Aguinaldo
Manuel L. Quezon
Lope K. Santos
Ramon Magsaysay
Ano ang pamagat ng pinakatanyag na aklat na isinulat ni Lope K. Santos?
Ang Balarila ng Pilipinas
Ang Balarila ng Wikang Pambansa
Ang Balarila ng Wikang Pilipino
Ang Balarila ng Wikang Tagalog
Ano ang tawag sa isang grupo na nagnanais na gawing 'Tagalog' na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang?
purista
puristo
puresta
puresto
Ito ay ang unang petsa sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay sa Proklamasyon Blg. 12.
Pebrero 29 hanggang Marso 4
Marso 29 hanggang Abril 4
Abril 29 hanggang Mayo 4
Mayo 29 hanggang Hunyo 4
Sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing kailan?
Agosto 7 hanggang 13
Agosto 13 hanggang 19
Agosto 19 hanggang 25
Agosto 25 hanggang 30
Noong 1959, ipinalabas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging _.
Filipino
Tagalog
Pilipino
Sa Konstitusyon ng 1987, ito ay nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay _.
Tagalog
Filipino
Pilipino
Ito ay ang batas na nagsasabing Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas at ito'y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIII, Seksyon 6
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIII, Seksyon 7
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
Explore all questions with a free account