No student devices needed. Know more
10 questions
1. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
Karunungan
katarungan
kalayaan
katatagan
2. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga sa tahanan kung:
tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak
nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro
walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga paghuhusga
lahat ng nabanggit
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.
4. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.
Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang ang halaga ang nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon dito.
Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang kanyang gawain
Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas ng halaga.
Lahat ng nabanggit
5. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?
May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan para sa tao
Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas makapagpapayaman dito.
Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga birtud.
6. Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap na halagang moral maliban sa:
Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao
Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kanyang pag-araw-araw na buhay.
7. Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala siya na hindi na niya kailangan magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Renato.
Pambuhay na halaga
Pandamdam na halaga
ispiritwal na halaga
banal na halaga
8. Walang ibang hinangad si Charmaine kundi ang makamit ang kakuntentuhan sa buhay. Sa panahon na labis na ang kanyang pagkapagod sa trabaho, naglalaan siya ng panahon upang magbakasyon upang makapagpahinga. Lagi niyang binabantayan ang kanyang pagkain na kinakain upang masiguro na napananatili niyang malusog ang kanyang pangangatawan. Nasa anong anta sang halaga ni Charmaine?
Pambuhay na halaga
Pandamdam na halaga
ispiritwal na halaga
banal na halaga
9. Ayon kay _______ ay mayroong 3 uri ng pagpapahalaga ito ay ang mga
Scheler
Santo tomas de Aquino
Socrates
Sta Maria
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga (values)?
Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore
Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan
Explore all questions with a free account