No student devices needed. Know more
22 questions
A. Basahin ang mga tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
1. Ano ang tawag sa binubuo ng ama, ina at mga anak?
A. pamayanan
B. pamilya
C. paaralan
2. Maagang naulila sa ina si Bella kaya ang tatay na lamang niya ang kasama niya sa bahay. Anong uri ng pamilya mayroon sila?
A. two-parent family
B. single-parent family
C. extended family
3. Kasama nina Gabbie ang kanyang lolo at lola na naninirahan sa kanilang tahanan. Anong uri ng pamilya sila?
A. two-parent family
B. single-parent family
C. extended family
4. Kasamang namumuhay nina Mia at kanyang mga kapatid ang kanilang nanay at tatay. Anong uri ng pamilya mayroon sila?
A. two-parent-family
B. single parent family
C. extended family
5. Masayang namumuhay ang mag-asawang Don at Janice kasama ang dalawa nilang anak. Sila ba ay matatawag na isang pamilya?
A. Opo
B. Hindi po
C. Siguro po
6. Siya ang tumatayong pinuno o haligi ng tahanan. Naghahanap-buhay siya para matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Sino siya?
A. tatay
B. nanay
C. mga anak
7. Siya ang ilaw ng tahanan. Tagapag-alaga siya ng pamilya. Katulong din siya ng tatay sa pagtataguyod ng pamilya. Sino siya?
A. tatay
B. nanay
C. mga anak
8. Miyembro sila ng pamilya na nagbibigay saya sa kanilang magulang. Dapat nilang sundin, mahalin at igalang ang kanilang magulang. Sino sila?
A. tatay
B. nanay
C. mga anak
9. Ang pamilyang nagtutulungan at nagmamahalan ay pamilyang masaya. Sang-ayon ka ba rito?
A. Opo
B. Hindi po
C. Siguro po
10. Tingnan ang larawan. Anong katangian ng pamilya ang ipinakikita rito?
A. matapat
B. madasalin
C. matulungin
B. Piliin lamang ang mga nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pamilya (11 - 15).
Humahalik o nagmamano sa mga lolo at lola.
Nagdadabog kapag inuutusan ng magulang.
Tumutulong sa mga gawaing bahay.
Umaalis ng bahay nang walang paalam.
Sumasagot ng “po” at “opo” kapag nakikipag-usap sa nakatatanda.
C. Gawin sa papel o notebook. Picturan ang nagawa at i send sa guro.
Naintindihan ko po ang gagawin at magpapasa ako mamaya sa aking guro.
Hindi ko po naintindihan ang gagawin at magtatanong po ako sa guro.
D. Piliin ang Tama kung tama ang ginagawa ng bawat pamilya at Mali kung hindi.
21. Mahilig sa pagluluto ang pamilya Santos. Madalas ay namimigay pa sila ng kanilang inilutong pagkain sa kanilang mga kapitbahay.
Tama
Mali
22. Ang Pamilya Legaspi ay hindi nakikipag-usap at nakikipagkaibigan sa mga kapitbahay nilang mahihirap.
Tama
Mali
23. Laging naririnig na nagsisigawan at nag-aaway ang mga kasapi ng Pamilyang Basilio.
Tama
Mali
24. Kapag walang pasok sa paaralan at opisina ay sama-samang naglalaro at nagkakasayahan ang Pamilya Roses.
Tama
Mali
25. Mahilig magtanim ang pamilya Vera kaya naman napakaganda ng kanilang mga halaman sa kanilang bakuran.
Tama
Mali
E. Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung mali.
26. Madaling matatapos ang gawain sa tahanan kung nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamilya.
27. Masaya ang pamilyang nagsisigawan at palaging nag-aaway.
28. Masaya at tahimik ang lugar na tinitirhan ng pamilyang may mabuting pagsasamahan.
29. Pinadadalhan namin ng pagkain ang aming mga kapitbahay tuwing may kaunting handaan sa amin.
30. Iniiwasan at hindi binabati ang nakakasalubong na kapitbahay.
Explore all questions with a free account