No student devices needed. Know more
15 questions
1. May nalalapit na paligsahan sa inyong paaralan, marunong kang umawit, mag-arte,at gumuhit. Ano ang dapat mong gawin?
A. huwag sasabihin sa guro
B. sa susunod na lang sasali
C. sasali ako at mag eensayo
D. tumahimik at hindi kikibo
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita ang katatagan ng loob sa gitna ng pandemya?
A. Magiging makalat
B. Magiging tamad
C. Magiging malinis
D. Magiging palaaway
3. Ano ang dapat ipakita habang gumagawa ng isang gawain?
A. pagkatakot
B. pagbabalewala
C. pagmamayabang
D. pagtitiwala sa sarili
4. Bakit kailangang panatilihing malusog ang pangangatawan?
A. upang maging sakitin
B. upang manatiling walang sigla sa paggawa ng mga aralin
C. upang maging malusog at masigla
D. upang hindi maisagawa nang maayos ang mga gawaing bahay
5. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa sariling kaligtasan?
A. kapag sumusuway sa mga payo ng magulang
B. paglabas ng bahay kahit hindi pinapayagn
C. pagsunod sa mga Health Protocols at tagubilin ng magulang
D. pagbalewala sa mga panuntunan sa tahanan
6. Ang mga sumusunod na bata ay
nagpapakita ng paggamit at pagpapahalaga sa kakayahan MALIBAN kay ___________ na ...
A. Nagkusang magligpit ng mga nakakalat na laruan si Clarissa.
B. Nagmadaling bumangon si Fe at iniwang hindi nakaayos ang higaan.
C. Tumulong si Ian na magbantay at magbenta sa kanilang tindahan.
D. Nagpaturo si Emma sa nanay niya sa pagtatanim ng halaman.
7. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay
nagpapakita ng katatagan ng kalooban MALIBAN kay___________.
A. Si Coco na nakangiti lang kahit natatalo na sa larong chess.
B. Si Ivy na kahit takot na mapagalitan, inamin pa rin na siya ang nakabasag ng flower vase.
C. Hindi pinanghihinaan ng loob si Carmela kahit siya ay may
sakit. Masaya pa rin siyang nakikipag-usap sa mga dumadalaw.
D. Itinigil na ni Pia ang pagsagot sa mga aralin dahil nahihirapan at napapagod na siya.
8. Masasabing matatag ang iyong kalooban kung ____________.
A. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali
B. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa
C. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago
D. nagmukmok ka sa silid nang nahirapang magbasa
9. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagmamalasakit sa kapwa na may karamdaman?
A. Nagpapatugtog ako nang malakas na malakas kapag may
sakit ang aking kapatid upang siya’y sumaya.
B. Ibinibili ko ng malalaking sitsirya ang aking pinsan na may sakit upang mabusog siya.
C. Tinutulungan ko ang kapamilya ko na iabot ang mga pangangailangan nila kapag sila’y maysakit.
D. Inaaya ko na maglaro sa labas ang kaibigan
kong may sakit.
10. Habang lulan ka ng dyip patungong paaralan, may biglang pumara upang sumakay. Akay–akay ng ate ang kaniyang kapatid na pilay. Napansin mong hirap siyang sumakay. Ano ang gagawin mo?
A. Simangutan sapagkat sanhi sila ng pagtagal.
B. Maingat na tulungan ang kapatid sa pagsakay.
C. Pagmamasdan lámang ang magkapatid.
D. Tumalikod na kunwari ay hindi siya nakita.
11. Ito ay tumutukoy sa natatanging husay o galing ng isang batang katulad mo. Ito ang dahilan kung bakit naisasagawa o naisakikilos mo ang iba’t ibang gawain.
A. kabutihan
B. katatagan ng loob
C. paggalang
D. kakayahan
12. Ang pagkakaroon ng __________________ ay ang
kakayahang harapin ang anomang gawain o sitwasyon nang walang takot o alinlangan.
A. katatagan ng loob
B. kasiyahan
C. pagsunod sa mga alituntunin
D. pag aalaga
13. Ito ay tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng lipunan. Gayunpaman, napakahalaga nito.
A. pamahalaan
B. barangay
C. pamilya
D. pamayanan
Ito ay ginagawa sa iyong kapuwa sa mga panahong higit nilang kailangan ang túlong, pag-aalaga o pagkalinga.
A. paggalang
B. malasakit
C. kalusugan
D. kagandahan
15. Ito ay tumutukoy sa a pangkat ng mga tao na ang mga kasapi ay nakikilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng magkakamukhang kultura o di naman ay pamana
maging totoo man o maaaring hindi totoo.
A. pamilya
B. magkaibigan
C. pamayanan
D. pangkat etniko
Explore all questions with a free account