No student devices needed. Know more
10 questions
Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?
Naku, hindi ko kayo kilala.
Nay, nandito ang kaibigan niyo.
Pasok po kayo, tatawagin ko lang si nanay.
Isang umaga, binisita ni Shella ang klinika ni Dra. Acepcion. Paano niya ito babatiin?
Kumusta ka na Dra. Acepcion
Magandang umaga po, Dra. Acepcion.
Magpapakunsulta sana ako.
Inutusan ka ng iyong itay na bumili ng mantika sa tindahan. Ano ang isasagot mo?
Ayoko, itay.
Opo, itay.
Mamaya na may ginagawa pa ako.
Pinuntahan mo sa kanilang bahay si Ken, Ngunit kapatid niya ang nagbukas ng pintuan. Ano ang iyong sasabihin?
Nandiyan ba si Ken?
Hinahanap ko si Ken, nandyan ba siya?
Magandang umaga po, nandiyan po ba si Ken?
Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?
Maari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.
Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.
Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?
Sige na inay, payagan na po ninyo ako.
Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako payagan.
Opo, Inay gagawa na lang po ako ng aking takdang aralin.
Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng inyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?
Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.
Maari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?
Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.
Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?
Maraming salamat po, Ma'am.
Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.
Wala iyon, Ma'am
Lalabas na sana si Angie sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang kaniyang mga kamag-aral sa may pintuan. Ano ang nararapat niyang sabihin?
Padaan nga.
Makikiraan po sa inyo.
Huwag kayong humarang sa pintuan.
Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
Akin na muna ang iyong aklat.
Ipahiram mo sa akin ang aklat mo.
Maaari ko bang gamitin ang aklat mo?
Explore all questions with a free account