No student devices needed. Know more
10 questions
1. Kung ikaw si Don Juan na nakakita ng isang ermitanyong sugatan, ano ang gagawin mo?
A. bubuksan ang kalooban
B. hindi papansinin
C. tatanaw ng utang na loob
D. tutulungan ang matanda
2. Kung sakaling pagtangkaan ang iyong buhay. Ano ang iyong gagawin?
A. Magsusumbong sa mga pulis.
B. Maaaring aalis sa lugar.
C. Maghahanap ng kasama.
D. Iingatan ang sarili.
3. “Nang sila’y magpaalam ay lumuhod si Don Juan at hiniling na bendisyunan ng ermitanyong marangal.” Ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig na . . .
A. ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang mga kapatid
B. may itinatagong kakayahan at lakas sa pagpapanalangin
C. marunong magpasalamat at maging malapit sa Diyos
D.may angking talino at magaling sa pagdarasal
4. “Dapat laging manalangin sa Panginoon sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon, mapalapit ang loob mo sa Kaniya.” Ang pahayag na ito ay . . .
A. nag-uutos
B.nagmumungkahi
C. naglalahad
D. nangangatuwiran
5. Ano ang masamang maidulot ng pagkainggit sa buhay ng ibang tao?
A. Mawawalan ng kumpiyansa sa sarili at maiiba ang direksyon sa buhay.
B. Gagawing batayan sa paggawa ng ikapapahamak sa sarili.
C. Makagagawa nang hindi maganda sa iyong kapwa.
D. Mahihirapang maabot ang pangarap sa buhay.
6. Kung ikaw si Don Diego, ano ang gagawin mo kung mayroong nagsabi sa iyong saktan ang iyong sariling kapatid para sa pansariling kapakanan?
A. Susunod lamang ako kapag mayroong perang kapalit nito.
B. Hindi ako magdadalawang-isip na sundin ito para sa sariling kapakanan.
C. Susundin ko ito dahil gusto kong umangat ang aking buhay upang kaiinggitan ng lahat.
D. Hindi ko ito susundin dahil ang magkapatid ay kinakailangang magmahalan at magtulungan.
7. Ano ang naging bunga ng taong mainggitin sa kanilang kapatid?
A. Mabagal ang pag-unlad sa buhay.
B. Mapaganda ang kanilang buhay.
C.Mapahaba ang kanilang pasensiya.
D. Mapatibay ang kanilang pagmamahalan.
8. Ano kaya ang maimumungkahi mong gawin sa dalawang kapatid ni Don Juan sa kanilang masamang pag-uugali?
A.Dapat suklian nang kabutihan.
B. Dapat matakot sa isa’t isa
C. Dapat ituwid ang pagkakamali.
D. Dapat maging masaya.
9. Kung ikaw si Don Juan, ano ang gagawin mo sa sitwasyong nilakbay mong mag-isa ang bundok Tabor?
A. magdala ng tinapay
B. maghanap ng kasama
C. manalangin sa Diyos
D. aalis nang hindi magpaalam
10. “Sa pagod at mahabang paglalakbay ni Don Juan ay tiniis niya ito.” Maipapalagay na si Don Juan ay . . .
A. may ginintuang puso
B. matiisin
C. hindi napapagod
D. bukas ang loob
Explore all questions with a free account