No student devices needed. Know more
15 questions
1. Ang mga larawan ay nagpapakita ng pagsunod sa utos ng magulang at nakakatanda, maliban sa isa.
2. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng kusang loob na pagsunod sa magulang?
3. Inutusan si Lota ng kaniyang lola na tigilan na ang paglalaro at mag-aral na lamang. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Susundin ang utos.
B. Hindi papansinin ang utos.
C. Sisimangot dahil gusto pang maglaro.
4. Abala ang kuya mo sa kaniyang mga aralin. Inutusan ka niya na kumuha ng isang basong tubig. Susunod ka ba?
A. Hindi po. Kaya na niyang gawin.
B. Susunod po ako dahil nakita kong abala siya.
C. Magkukunwari akong hindi ko siya narinig
5. Ang batang sumusunod sa utos ng magulang at nakakatanda ay pinagpapala at kinalulugdan ng Diyos.
A. Tama
B. Mali
6. Ang mga larawan ay nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba, maliban sa isa.
7. Ang mga sumusunod ay hindi nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa, maliban sa isa.
8. Maayos na kinakausap ni Joel ang bago niyang kaklase na miyembro ng Iglesia ni Cristo.
A. Tama
B. Mali
9. Tahimik na naglalakad ang magkaibigang Joy at Cecille nang makitang nagdarasal ang kaklaseng Muslim.
A. Tama
B. Mali
10. Hindi isinali nina Jill at Jam si Berto dahil iba ang paniniwala nito.
A. Tama
B. Mali
11. Masayang nag-uusap ang mga bata ukol sa kanilang relihiyon.
A. Tama
B. Mali
12. Tuwing araw ng inyong pagsamba, lahat ng kasapi ng inyong pamilya ay dumadalo sa pagdarasal. Dumating ang iyong mga kalaro at niyaya ka nilang maglaro. Ano ang pipiliin mong gawin?
A. Sasama sa mga kalaro saka na lamang dadalo sa pagdarasal.
B. Sasabihin sa mga kalaro na hindi makakasama dahil kailangang magdasal kasama ang pamilya.
C. Pipilitin ang mga kalaro na sumama sa iyong pagdarasal.
13. Paano mo igagalang ang paniniwala at gawaing panrelihiyon ng iyong kapwa?
A. Pagiging tahimik sa lahat ng bahay dalanginan.
B. Pagtanggap sa kanila bilang kaibigan.
C. Lahat ng nabanggit
14. Ang paggalang at pagtanggap sa paniniwala at pagkakaiba-iba ng relihiyon ng bawat isa ay susi sa ______________.
A. pagkakaunawaan
B. pagkakaroon ng kapayapaan
C. Lahat ng nabanggit
15. Ang batang may ________________ sa paniniwala ng iba ay kinalulugdan ng Diyos at kapwa.
A. pagkamasunurin
B. paggalang
C. pagkamatapat
Explore all questions with a free account