No student devices needed. Know more
25 questions
Ang mga pahayag ay tunay na pagkakatulad ng pagsasalarawan sa bapor tabo sa bansang Pilipinas maliban sa isa.
Ang mabagal na pag-usad
Ang paghahati ng makapangyarihan sa wala, ng mayaman sa mahirap
Ang pagkakasadlak sa putik
Ang wagas na pagsasalba sa kapangitang taglay sa pamamagitan ng laki nito at pagkukulay
Siya ang tanging seryoso at tunay na abala sa bahay ng kapitan Heneral sa kabanatang pinamagatang Los Banos
Don Custodio
Padre Camorra
Ben Zayb
Kalihim
Ano ang panukala ni Simoun upang paluwagin ang daan sa Ilog Pasig?
magpaggawa ng tulay
lakihan ang mga daungan
sapilitang paggawa
ubusin ang kaban ng bayan
Siya ang gurong pinakabumibilib sa kakayahan ni Placido bilang isang mag-aaral sa Batangas
Padre Millon
Padre Valerio
Padre Fernandez
Padre Florentino
Ito ang estratehiyang ginagawa ni Padre Millon upang hindi mahalata na wala siyang alam sa kanyang itinuturo.
Ang pagbibitaw ng mga masasakit na salita bago magsimula at matapos ang klase at pagmamalaki nito sa kanyang kakayahan at pangmamaliit naman sa kakayahan ng kanyang mag-aaral lalo na yaong mga Indio.
Ang pananatiling sentro ng kapangyarihan sa klase lalo na sa Pilosopiya kung saan makikita ang mataas na plataporma na kanyang kinaluluklukan.
Ang pakikihalubilo sa mga mag-aaral upang makuha ang loob nito nang sa gayon ay madali sa kanya upang alipustain ang mga ito.
Ang pagpapakabisa sa mga mag-aaral ng mga leksyong hindi pa naituturo na parang ponograpo na kapag nagkamali ay may kabawasang kapalit. Maging ang pamamahiya sa mga ito upang hindi na magtanong.
Ano ang nais itatag o ipatayo nina Isagani at Basilio kasama ng kanilang mayayamang kamag-aral?
Akademya ng Wikang Ingles
Akademya ng Wikang Tagalog
Akademya ng Wikang Intsik
Akademya ng Wikang Kastila
Ayon kay Isagani kapag nagmumungkahi raw ang mga nakatatanda ang iniisip agad nila ay ukol sa _________________________.
kabutihan
kasamaaan
balakid
kahihinatnan
Ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom ng maraming ___________________ ang sanhi ng kawalang sigla ng mga tao.
tsokolate
serbesa
tubig
kape
Ito ang alamat na ibinahagi ni Padre Florentino sa mga kaumpukan niya sa itaas na kubyerta?
Donya Geronima
Malapad na Bato
San Nicolas
Yungib
Magkano ang huling halaga ng buwis sa lupa na ibinabayad ni Kabesang Tales sa pamahalaan?
sampung piso
limang piso
tatlumpung piso
labinlimang piso
Kinulata ng mga gwardia sibil ang kutsero ng sinasakyang kalesa ni Basilio. Ang salitang kinulata ay nangangahulugang?
binaril
kinulong
itinali
hinampas
Nagbalik si Simoun upang ibagsak ang masamang pamahalaan sa pamamagitan ng _______________________.
pagdanak ng dugo
reporma
paniniil sa mga Espanyol
pakikiayon
Anong paksa ang pinakapinagtalunan nina Basilio at Simoun sa kagubatan?
Ang usapin patungkol sa paghihiganti ng mga api.
Ang usapin patungkol sa pagnanais ng ilang kabataan na makapagpatayo ng isang akademya.
Angusapin patrungkol pangingibang bansa ng mga kabataan sa halip na mapakinabangan ng sariling bayan.
Ang pagiging makabayan na unti-unting sinisira ng samahang kinabibilangan ni Basilio.
Matapos ng nangyari kay Kabesang Tales, ano naman ang nangyari sa kalusugan ni Tandang Selo?
Nabingi
Nabulag
Napipi
Namatay
Sinong Hermana ang pinaglilingkuran o pinangangatulungan ni Juli upang matubos niya si Kabesang Tales?
Hermana Juana
Hermana Bali
Hermana Penchang
Hermana Tika
Anong gamit ang ipinang-akit ni Simoun kay Kabesang Tales upang makuha ang agnos ni Maria Clara?
rebintador
gulok
riple
rebolber
Siya ay isang manunulat na may kolum na "El Grito de la Integridad"
Ben Zayb
Maria Ressa
Buena Tinta
Isagani
Isang Indio na naging isang ganap na pari, siya rin ang tumatayong guardian o amain ni Isagani.
Padre Camorra
Padre Sibyla
Padre Florentino
Padre Fernandez
Ang lahat ay mga nagsilbing pilato sa kinasadlakang buhay ni Kabesang Tales maliban sa isa..
Simoun
Hermana Penchang
Uldog
Tulisan
Siya ang nagsaad ng pahayag na;
Ang isang sanggol kapag hindi umiyak ay hindi pasususuhin at ang isang bata kapag hindi humungi ay hindi bibigyan .
Simoun
Basilio
Isagani
Senyor Pasta
Ito ang pinakamalaking pabor na naibigay ni Macaraig sa samahang kanyang kinabibilangan.
Ang pagkakaroon niya ng malakas na kapit sa mga kamag-anak niyang mataas ang possisyon sa pamahalaan at simbahan.
Ang pagiging mahusay niya sa pakikipagdebate na higit pa ang kagalingan kina Pecson at Sandoval na higit na nagagamit niya upang sa gayon ay sagutin ang ilang mga katanungan ng mga reverendos at illustrimos na kontra sa pagpapatayo ng akademya.
Ang pagpapatira niya sa mga kasapi sa isa sa kanyang mga bahay para gawing himpilan maging ang paggamit sa kanyang impluwensya bilang mayamang mag-aaral upang hindi tuluyang ibasura ang kanilang nais.
Ang pagkagiliw sa kanya ng maraming propesor dahil sa angkin niyang talino at kakayahan sa pangangastila, dagdag pa ang angkin niyang kakisigan at galing sa literatura.
Ito ang kwentong nasambit ng kutserong si Sinong kay Basilio na repleksyon ng kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng pamahalaan at simbahan.
Ang Lupain ng Abaka
Bernardo Carpio
Polo Y Servicio
La Segunda Trinidad El Coreo
Ito ang unang kursong nais ni Kapitan Tiago para kay Basilio.
Medisina
Pamamahayag
Abogasya
Arkitekto
Ito ang dahilan kung bakit kahit na nakararanas ng hirap at baluktot na sistema ay patuloy pa ring nagtitiis na mag-aral si Placido Penitente.
May ilan pa rin siyang mga propesor sa UST na kinagigiliwan
Iniraraos lamang ng kanyang ina ang kanyang pag-aaral kaya yaon ang nag-iisa niyang dahilan upang sumulong pa.
Nangako siya sa kanyang kasintahan na siya ay magtatapos para sa kanilang kinabukasan.
Nanghihinayang siya sa kanyang nasimulan lalo na't malaki ang bilib sa kanya ng mga propesor niya sa Batangas.
Siya ang nagsaad ng pahayag na;
Kahit isang hibla ng buhok ng aking mga mahal sa buhay ay hindi ko na maibabalik pa kaya hindi ko maisip ang halaga ng paghihiganti.
Simoun
Basilio
Isagani
Tandang Selo
Explore all questions with a free account