Other

9th

grade

Image

Parabula ng Asarol

0
plays

4 questions

Show Answers
See Preview
  • 1. Open Ended
    3 minutes
    1 pt

    Ang Parabula ng Asarol


    Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili niya bakit nagpapakahirap siya.


    May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masadong responsibilidad.


    Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.


    Pagkatapos niyang umalis sa bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang nanibago.


    Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang gagawin niya doon. Nanghihinayang siyang itapon yon sapagkat ito ay matalim at makintab dahil sa dalas nang gamit niya.


    Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya.


    Ang magsasaka ay nagpumilit matupad ang mga kinakailangan para maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing mapaadaan sila sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa templo.


    Dumaan ang pito hanggang walong tao, naramdaman niyang tila hindi siya masaya at malayang monghe Pagkatapos niyang magpakabanal.


    Naisip niyang mayroong sagabal at iyon ang nagpapabigat sa kaniyang kalooban.


    Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon niya sa lawa.

    Pagkatapos lumubog ang asarol. tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang,

    "Nanalo ako, Nagwagi ako.


    Nang oras na yon ay dumaraan ang hari ang batalyon nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong,

    "Ano ang iyong napanalunan? Bakit ka napakasaya?"


    "Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang.


    Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal.


    Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.


    Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ng karaniwang tao ay ang napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay materyal at ito ay ang tunay na nagwagi.

  • 2. Open Ended
    3 minutes
    1 pt

    Sino ang pangunahing tauhan sa parabula?

  • 3. Open Ended
    3 minutes
    1 pt

    Ano ang nakakapagpasaya sa magsasaka bago siya mag monghe.

  • Answer choices
    Tags
    Answer choices
    Tags

    Explore all questions with a free account

    Already have an account?