No student devices needed. Know more
15 questions
Naging malaganap noong Gitnang Panahon ang paggamit ng salapi at ang pagpapalitan nito na naging daan sa sistema ng pagbabangko. Ano ang naging kahalagahan ng sistema ng pagbabangko sa mga mangangalakal?
Sumigla ang kalakalan
Naging ligtas ang paglilipat ng salapi
Dumami ang salapi ng mga mangangalakal
Nagkaroon ng maraming uri ng salapi ang mga mangangalakal
Noong ika-25 ng Disyembre taong 800 ay kinoronahan si Charlemagne bilang Emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Ano ang naging bunga ng pagkakatatag ng Imperyong ito?
Bumagsak ang pamumuno ng Simbahan
Dumami ang kalabang barbaro ang Rome
Binuhay muli nito ang Imperyong Romano
Sinikap bawiin ng mga obispo ang pamumuno kay Charlemagne
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng mga monghe noong Gitnang Panahon?
Sila ang nagsisilbing tagapagdasal ng mga tao
Sila ang tagapagpalaganap ng relihiyon sa utos ng Papa
Sila ang tagapag-ingat ng mga itinayong Simbahan
Sila ang naging pinuno ng mga pamayanan
Malaking bahagi ng mga mamamayan noong Panahong Medieval ay nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng mga tao?
Baron
Lord
Vassal
Serf
Isang magandang ala-ala ng Piyudalismo ang sistemang Kabalyero o Knighthood na kung saan ay itinuro sa kanila ang mga kagandahang asal. Ano ano ang mga kaasalang ito?
1. Katapangan 2. Kahinahunan 3. Maginoo 4. Marangal
1, 2 at 3
2, 3 at 4
1, 3 at 4
1, 2, 3 at 4
"Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo". Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksiyon
Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
Mahalagang anyo ng yaman sa Europe ang lupa. Ang hari ang pangunahing nagmamay-ari ng lupain ngunit ibinahagi ito sa mga tinaguriang “dugong bughaw” noong Gitnang Panahon. Bakit ito ginawa?
Dahil hindi kayang ipagtanggol ng Hari ang kanyang lupain
Dahil nagrerebelde ang mga mamamayan laban sa kanila
Dahil labis na malaki ang lupain upang maging kanyang pag-aari
Dahil malaki ang tiwala ng hari sa mga panginoon ng lupa
Naging matagumpay ang Simbahan na makapagtatag ng mabisang organisasyon noong Gitnang Panahon sa Europe. Sino ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahan noong Gitnang Panahon?
Papa
Kardinal
Obispo
Obispo ng Roma
Dumating ang panahon na ang Imperyong Romano ay unti-unting humina at tuluyang bumagsak. Anong isyung politikal ang nakaapekto dito?
Paglubha ng krisis pangkabuhayan
Pagsalakay ng mga Barbaro sa Rome
Kakulangan ng mga tapat at may kakayahang pinuno
Pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayang Romano
Dahil sa panawagan ng Simbahan sa pamumuno ni Papa Urban II ay nailunsad ang Krusada ng mga relihiyosong European laban sa mga Turkong Muslim. Bakit inilunsad ng simbahan ang Krusada?
Dahil nais ipalaganap ng Simbahan ang Kristiyanismo sa mga Muslim
Dahil nais bawiin ng Simbahan ang Jerusalem na isang banal na lugar sa mga Kristiyano sa kamay ng mga Turkong Muslim
Dahil nais palawakin ng Simbahan ang kanyang nasasakupan
Dahil maraming European ang nabihag ng mga Muslim na nais nilang palayain
Ano ang naging halaga ng pagkakatatag ng Holy Roman Empire noong Gitnang Panahon sa aspektong kultural?
Ito ang nagbago ng kultura ng mga Romano
Ito ang nagsilbing tagapangalaga ng kulturang Greco-Roman
Ito ang nagsama-sama ng mga kultura ng Europe at Asia
Ito ang nagsilbing tulay sa pagpasok ng kulturang Silangan sa Europe
Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan sa Papacy?
Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng Vatican.
itinuturing ang Papa bilang AMA ng mga Kristiyano na siya ring tawag hanggang sa kasalukuyan
Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval
Ano ang kahalagahan ng manor sa isang serf noong Gitnang Panahon?
Dito nakatira ang hari
Dito nagtatanim ang mga serf
Dito matatagpuan ang sentro ng lupain
Dito matatagpuan ang tahanan ng mga serf
Bakit sinasabing kaawa-awa ang buhay ng mga serf sa Panahong Medieval?
Dahil walang tiyak na tahanan ang mga serf
Dahil lahat ng kanilang ani ay para sa basalyo
Dahil pinarurusahan sila araw-araw ng panginoon ng lupa
Dahil wlang maaaring gawin ang mga serf na hindi nalalaman ng kaniyang panginoon
"Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo". Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksiyon
Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
Explore all questions with a free account