No student devices needed. Know more
10 questions
Alin sa mga sektor ng manggagawa ang nakakaranas ng higit na HINDI pantay na oportunidad at laging nakararanas ng pang-aabuso?
Agrikultura
Industriya
Service
Informal
Alin sa mga sumusunod and nagsasaad ng katotohanan tungkol sa ugat ng unemployment sa ating bansa?
Maraming Pilipino ang hindi marunong bumasa at sumulat
Malaking bahagdan ng populasyon ng bansa ay mga bata, matatanda at mga ina
Kaunti lamang ang nalilikhang trabaho taon-taon at nagbago ang mga kakailanganing kasanayan ng mga kompanya
Mabagal magtrabaho ang mga Pilipino at sila ay walang kasanayang teknikal at bokasyonal
Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kanilang pinapasukang kumpanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
Pag-eempleyo sa isang manggagawa na may usapang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan
Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang maggagawa sa loob ng mas mahabang panahon
Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsasagawa ng isang trabaho o serbisyo
Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensya o individual na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon
Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa pagggawa kaugnay ng paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng job mismatch. Bakit ito nangyari?
Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan
Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya
Hindi makasabay ang mga college graduates sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng kompanya
Bakit umiiral ang mura at flexible na labor sa ating bansa?
Upang makabuo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino
Upang maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa
Upang maibaba ang presyo ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang kalakalan
Ito ay paraan ng mga namumuhunan para makaiwas sa krisis na dulot ng labis na produksyon na nararanasan ng iba’t ibang bansa
Bakit tinututulan ng marami ang sistemang kontraktuwalisasyon?
Dahil nakukuha lamang ng mga manggagawa ang sahod pagkatapos ng kanilang kontrata
Dahil sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
Dahil nababawasan ang oras ng pagtatrabaho
Dahil hindi nakukuha ng mga manggagawa ang mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga regular
Isang uri ng pagtatrabaho na kung saan ang sub-contractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya
Job-Contracting
Apprentice Learners
Labor-only Contracting
Contractual Project Based Worker
Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa
Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa
. “Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino
Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM).
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang?
Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan
Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila
Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa
Explore all questions with a free account