No student devices needed. Know more
15 questions
Ang taong labas sa iyong sarili. At ang mga taong nakapaligid sa atin na handang umalalay at tumulong sa oras ng pangangailangan, ay tinatawag na _______
kapwa
pakikipagkapwa
kaibigan
kaaway
Ito ay ang paraan ng ating pakikisama, pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.
kapwa
pakikipagkapwa
kaibigan
kaaway
Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _______________ .
kakayahan ng isang taong umunawa.
pagmamalasakit sa may kapansanan.
pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan.
pagtulong at pakikiramay sa kapwa.
Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
Anong pagpapahalaga ang taglay mo kung ikaw ay naglilingkod nang walang hinihintay na kapalit at handang ibahagi ang sarili mo sa iba?
pakikiisa at pakikinig
katarungan at paggalang
pagkalinga at pagbibigay
pagmamalasakit at pagmamahal
Alin sa mga sumusunod ang dalawang birtud na magpapatatag ng pakikipagkapwa?
kayabangan at inggit
paggalang at pakikiisa
katarungan at pagmamahal
komunikasyon at pagtutulungan
Anong kakayahan ng tao ang ipinapakita na marunong mamuhay sa lipunan at makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa?
mag-isip
panlipunan
magmahal
magpasya
Anong aspekto ng pagkatao ang nagbibigay ng kaalaman at kakayahan na maging kabahagi ng isang makatao at makatarungang lipunan?
intelektwal
panlipunan
pampolitikal
pangkabuhayan
Si Arlyn ay nag-aaral ng mabuti at nakikinig sa kaniyang mga guro. Anong aspekto ang kaniyang napauunlad sa sitwasyong ito?
Aspektong Intelektwal
Aspektong Panlipunan
Aspektong Politikal
Aspektong Pangkabuhayan
Likas kay Iska ang tumulong sa kapwa ng hindi naghihintay ng kapalit. Anong aspekto ang nalilinang sa kaniyang pagkatao sa gawaing ito?
Aspektong Intelektwal
Aspektong Panlipunan
Aspektong Politikal
Aspektong Pangkabuhayan
Sa hirap ng buhay na pinagdadaanan ni Chito kailangan niyang magtinda sa palengke pagkatapos ng kaniyang klase. Iniipon niya rin ang kaniyang baon upang makabili siya ng mga gamit sa eskwela. Anong aspekto ng pagkato ang kaniyang nalilinang sa sitwasyong ito?
Aspektong Intelektwal
Aspektong Panlipunan
Aspektong Politikal
Aspektong Pangkabuhayan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katagang, “no man is an island”?
Walang tao ay isang isla.
Walang tao ang kayang mag-isa
Kakayanin ng isang tao ang mabuhay ng mag-isa.
Walang tao ang nabubuhay ng para sa sarili lamang.
Mayroon kayong isang proyektong sa klase at nagpatawag ang lider ng inyong pangkat. Lahat ay nakikinig at nakikiisa sa plano ng inyong pangkat. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ng bawat isa?
katarungan
Paggalang
pagkalinga
pagmamahal
Anong kuwento ang nagpapakita ng mabuti at makabuluhang pakikipagkapwa?
Ang Alibughang Anak
Ang Nawawalang Tupa
Ang Mabuting Samaritano
Si Malakas at si Maganda
Aling aspekto ng pagkatao ang tinutukoy sa Pagpapaunlad at Pagpapatatag ng Pananampalataya sa Diyos.
Aspektong Ispiritwal
Aspektong Pangkabuhayan
Aspektong Panlipunan
Aspektong Pampolitikal
Explore all questions with a free account