No student devices needed. Know more
10 questions
1. Ang kasunduang ito ay nabunyag noong Disyembre 10, 1898 dahilan upang magsimula ang tensiyon sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano.
A. Kasunduan sa Biak-na-Bato
B. Kasunduang Bates
C. Treaty of Paris
D. Treaty of Tordesillas
2. Ano ang motibo ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Palawakin ang kanilang “political empire” sa Pilipinas at patayuan ng mga
base militar
B. Palaganapin ang relihiyong Protestantismo
C. Ipatupad ang pang-ekonomiyang interes ng America sa bansa bilang
mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap
D. Lahat ng nabanggit.
3. Anong pangyayari ang naganap noong Pebrero 4, 1899 na siyang sinasabing simula ng Digmaang Pilipino – Amerikano?
A. Nagpaputok ang Amerikanong si William Walter Grayson sa mga Pilipino
habang nagpapatrolya sa panulukan ng Calle Sociego at Calle Silencio, Sta. Mesa.
B. Dinakip ng mga Amerikanong sundalo si Emilio Aguinaldo.
C. Lumusob ang mga mandirigmang Pilipino sa himpilan ng mga Amerikano
sa bayan ng Balangiga, Samar.
D. Nabunyag ang Treaty of Paris na nilagdaan ng mga Amerikano at mga
Espanyol.
4. Siya ay tinaguriang “Bayani ng Tirad Pass” dahil sa kaniyang ginawang pagharang sa mga Amerikano upang makalayo at makatakas si Emilio Aguinaldo.
A. Marcelo H. Del Pilar
B. Gregorio Del Pilar
C. Miguel Malvar
D. Macario Sakay
5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magbigay paliwanag sa pangyayaring naganap sa Balangiga noong Setyembre 28, 1901?
A. Lumusob ang mga sundalong Amerikano sa kuta ng mga Pilipino na
siyang ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano.
B. Gumanti ang mga Pilipino at sila ay nagsagawa ng kontra-opensiba
dahilan upang lalong magalit ang mga Amerikano.
C. Lihim na umatake ang mga Pilipino sa himpilan ng mga Amerikano na
siyang ikinasawi ng apatnapung sundalo sa panig ng mga Amerikano.
D. Ninakaw ng mga Amerikano ang kampana ng simbahan ng Balangiga na
nagsisilbing war booty ng mga Pilipino.
6. Ang kasunduang ito ay isinagawa sa pagitan ng mga Amerikano at ng mga Muslim upang mapadali ang pananakop nila sa bansa.
A. Kasunduang Bates
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduang Smith
D. Kasunduan sa Tordesillas
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng Kasunduang Bates?
A. Kikilalanin ng Estados Unidos ang soberanya ng arkipelago ng Sulu.
B. Igagalang ng mga Amerikano ang relihiyon at mga tradisyon ng mga
Muslim.
C. Kikilalanin ng mga Muslim ang kapangyarihan ng mga Amerikano.
D. Magbabayad ng buwis ang mga Amerikano sa mga Muslim.
8. Bakit nakipagkasundo ang mga Amerikano sa mga Muslim sa Jolo, Sulu?
Tayahin
A. upang mapadali ang kanilang pagpaparami ng mga hilaw na sangkap
B. upang marami silang maging kaibigan
C. upang mapalawak ang kanilang relihiyong Islam
D. upang mapadali ang pananakop ng mga Amerikano sa kupuluan ng
Pilipinas
9. Sang-ayon ka ba sa pakikipagkasundo ng mga Muslim sa mga Amerikano?
A. Oo, dahil pangkapayapaan naman ang kasunduang ito.
B. Oo, dahil sa kasunduang ito hindi napasama ang mga Muslim sa mga
labanan.
C. Hindi, dahil ginamit lamang ang kasunduan bilang estratehiya ng
pananakop ng mga Amerikano.
D. Hindi, dahil mga Muslim lang ang nakipagkasundo.
10. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng mga epekto ng pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano maliban sa isa.
A. Maraming mga Pilipino ang nagtago sa kabundukan at nagtayo ng sarili
nilang pamahalaan.
B. May mga Pilipino ang piniling magsulat ng mga talinhaga sa wikang
Tagalog laban sa mga Amerikano.
C. May mga Pilipino ding aktibong nagsulat sa mga pahayagan upang
maiparating sa pamahalaang Amerikano ang mga hinaing ng mga
Pilipino.
D. May mga humingi ng tulong sa pandaigdigang organisasyon upang
maiparating ang hinaing ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.
Explore all questions with a free account