No student devices needed. Know more
28 questions
1. Ang sanaysay ay nahahati sa iba’t ibang mga kabanata.
TAMA
MALI
2. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
TAMA
MALI
3. Ang larawan ng buhay ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
TAMA
MALI
4. Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
TAMA
MALI
5. Hindi kinakailangan ng kasanayan sa pagsusulat ng sanaysay.
TAMA
MALI
6. "Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano binigyan-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng pangungusap?
A. nagtataglay ng talinghaga
B. maraming taglay na kahulugan
C. taglay ang literal na kahulugan
D. wala sa nabanggit
7. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?
A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan
B. may mga talinghaga o nakatagong mensahe
C. nagpapahayag ng damdamin
D. nagpapahayag ng kabayanihan
8. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang Panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______.
A. amo
B. bathala
C. Diyos
D. siga
9. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?
A. elemento ng kalikasan
B. edukasyon at katotohanan
C. kabutihan ng puso
D. kamangmangan at kahangalan
10. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong nag-uusap. Ang marunong na si __________ at si ____________.
A. Socrates at Plato
B. Plato at Glaucon
C. Socrates at Glaucon
D. Glaucon at Pluto
11. _________________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
A. Batay sa
B. Sa ganang akin
C. Sa palagay ng
D. Sa tingin ng
12. _________________ maraming Pilipino, ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
A. Batay sa
B. Ayon sa
C. Pinaniniwalaan ko
D. Sa tingin ng
13. _________________, ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
A. Batay sa
B. Sa ganang akin
C. Sa palagay ng
D. Sa tingin ng
14. _________________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
A. Ayon sa
B. Sa ganang akin
C. Sa palagay ng
D. Sa tingin ng
15. _________________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.
A. Ayon sa
B. Sa ganang akin
C. Sa palagay ng
D. Batay sa
16. _________________ tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal mo ang isang nilalang, ipaglalaban mo ito.”
A. Ayon sa
B. Sa ganang akin
C. Sa palagay ng
D. Batay sa
17. _________________ Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga alagang hayop, nagpanukala ang bayan na “aso mo, itali mo.”
A. Alinsunod sa
B. Sa paniniwala ko
C. Sa palagay ng
D. Batay sa
18. _________________ _, kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang hadlang upang makamit niya ang tagumpay sa buhay.
A. Alinsunod sa
B. Sa paniniwala ko
C. Sa palagay ng
D. Batay sa
19. _________________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
A. Alinsunod sa
B. Sa paniniwala ko
C. Inaakala ng
D. Batay sa
20. _________________, kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang kinagagalawan o kinabibilangan.
A. Alinsunod sa
B. Sa tingin ko
C. Inaakala ng
D. Batay sa
21. Naglabas ang nanay _____ walong baso ng tubig para sa mga bata.
A. nang
B. ng
22. Kinuha ___ bombero ang balde sa kusina.
A. nang
B. ng
23. Ang silid-aralan ____ mga bata ay binaha.
A. nang
B. ng
24. Kinuha ____ masunuring bata ang basura at iniligay sa nararapat nitong kalagyan.
A. nang
B. ng
25. Inalis ___ matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.
A. nang
B. ng
26. Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay _____ bigay sa ibang tao.
A. nang
B. ng
27. Sobra ___ pagkamasungit ni Alysa.
A. nang
B. ng
28. Nag-aral ____ tahimik ang magkapatid.
A. nang
B. ng
Explore all questions with a free account