No student devices needed. Know more
10 questions
1. Ang mga pangyayari o mga suliranin na pinag-uusapan sa bawat sulok ng ating bansa.
A. Headline News
B. Contemporary Issues
C. Social Issues
D. Sociological Imagination
2. Ang mga halimbawa nito ay ang mga lumang sulat, larawan o guhit, mga lumang kagamitan, mga dokumento, mga talambuhay at mga ulat ng mga pinuno ng bayan.
A. primaryang sanggunian
B. pinagmulang sanggunian
C. sekondaryang sanggunian
D. mga balita
3. Ito ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin na bumuo ng kasunduan kung sila ay magdedesisyon para sa kanilang kapayapaan at ikakaayos ng kanilang pamayanan.
A. lipunan
B. kultura
C. bansa
D. pamayanan
4. Ipinahayag niya na ang lipunan ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo ng mga tao sa kapangyarihan na nagdudulot ng hindi pagkakapantay–pantay sa antas ng pamumuhay ng tao.
A. Charles Cooley
B. Karl Marx
C. Edward Mooney
D. Isabel Panopio
5. Ang sumusunod ay kabilang sa institusyong panlipunan maliban sa isa:
A. pamahalaan
B. pamilihan
C. paaralan
D. pamilya
6. Tukuyin kung alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gampanin sa lipunan.
A. Kailangang magbayad ng buwis ang mga manggagawang may mataas na sweldo.
B. Ang bawat isang mamamayan ay dapat sumunod sa batas.
C. Lahat ay dapat nakaasa sa gobyerno at sa tulong na ibibigay nito.
D. Bumuo ng samahan na mag-aaklas sa pamahalaan.
7. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan.
A. pagpapahalaga
B. norms
C. kultura
D. lipunan
8. Isa sa mga uri ng kultura ay ang mga bagay na may kahulugan sa pamumuhay ng isang lipunan. Karaniwang halimbawa nito ay palayok, banga, mga orihinal na isinulat, ano ang tawag sa mga ito?
A. materyal
B. hindi materyal
C. kagamitan
D. antigo
9. Mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng kultura sapagkat ito ay sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan. Nagkakaroon ng pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay sapagkat iba-iba ang kultura na kinagisnan ng bawat nilalang.
A. Tama ang dalawang pahayag.
B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang dalawang pahayag.
10. Ang pangkalahatang batayan ng kilos ng samahan o grupo ng mga tao na may kaukulang parusa sa sino man ang lalabag ay tinatawag na ________________.
A. mores
B. norms
C. folkways
D. values
Explore all questions with a free account