No student devices needed. Know more
5 questions
Sa panahon ng Qin, sapilitang pinagtrabaho ang isang milyong katao upang maipatayo ang Great Wall of China. Ano kaya ang dahilan bakit ipinatayo ito ng emperor?
upang maging magandang atraksyon sa mga turistang pumupunta sa kanilang nayon
upang maging pananggalang sa mga kaaway at hindi sila madaling masalakay ng mga ito
upang hindi sila pasukin ng tubig tuwing umuulan ng malakas o may bagyong darating
upang magsilbing hangganan na sakop na teritoryo ng kabihasnang Tsino
Ang papel ay isa ding mahalagang pamana ng kabihasnang Tsino, ano ang kahalagahan ng pagkakaimbento nito noong panahon ng dinastiyang Han?
Ginamit nila ito upang maisulat at mapaunlad ang kanilang sining
Ginamit nila ito upang maitala ang nais nilang patakaran sa ibang lugar
Ginamit nila ito upang maitala ang mga aral at kasaysayan ng Tsino.
Ginamit nila ito upang maisulat ang mga batas na nais nilang ipatupad.
Ang wheel barrow, magnetic compass, pamantayan ng bigat at sukat, paggawa ng unang mapa, kalendaryo, geometry at iba pa na nagkaroon ng pakinabang hanggang sa kasalukuyan. Bakit kaya dapat nating pasalamatan ang mga sinaunang kabihasnan sa mga pamanang kanilang naiambag?
dahil ang mga ito ang nagsilbing daan upang lalong mapagbuti ang kalidad ng mga pamana ng kabihasnan
dahil mayaman ang sinaunang kabihasnan sa likas na pinagkukunan ng pangangailangan sa araw araw
dahil masisipag at mapamaraan ang mga sinaunang tao noon na matutularan ng bagong henerasyon
dahil sa angking katalinuhan ng mga tao noon, nakaisip sila ng paraan para mapadali ang mga gawain
Maraming pamanang naiwan ang mga sinaunang kabihasnan na nagkaroon ng kahalagahan sa bawat isa. Bakit mahalaga ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan?
dahil ito ay nakatulong sa pagbabago sa pamumuno ng mga lider noon
dahil ito ang naging dahilan ng pagbabago ng kanilang paniniwala at kulturang kinagisnan
dahil ito ang nagsilbing ispirituwal na batayan nila upang magkaroon ng direksyon ang kanilang buhay
dahil ito ay nagsilbing pamantayan nila sa pang-araw-araw nilang pamumuhay upang mapaunlad ang kanilang buhay
May mga pamana ang mga sinaunang kabihasnan na naluluma at maaaring masira dahil sa katagalan, ano sa palagay mo ang maari mong gawin upang mapanatili ang mga pamanang naiwan ng mga sinaunang kabihasnan nang sa ganun ay makita at maalala ng susunod pang henerasyon?
Ipreserba ang mga larawan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan sa internet upang madaling makita ito.
Lumikha ng mga awitin tungkol sa mga kapakinabangan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan.
Bumili ng mga luma o antigo at idispley ito sa loob ng bahay upang makita ng mga susunod na henerasyon.
Ituro ito sa mga nakababatang kapatid nang sa ganun ay lagi nilang maalala ang mga pamana ng kabihasnan.
Explore all questions with a free account