No student devices needed. Know more
12 questions
Sino ang tumulong kay Basilio na sunugin at ilibing ang kaniyang nanay na si Sisa?
Crisostomo Ibarra
Elias
Maria Clara
Alferez
Matapos mamatay ang kaniyang nanay, paano naisipan ni Basilio wakasan ang kaniyang buhay?
Nais niya magpasagasa sa isang rumaragasang karwahe
Nais niya magpasungag sa sungay ng isang galit na kalabaw
Nais niya lumusong sa ilog hanggang siya'y lumubog at malunod
Nais niya maghanap ng halamang may lason sa gubat upang matapos na ang lahat
Bakit tinanggap ni Don Santiago Delos Santos si Basilio sa kaniyang tahanan?
Nais niyang magkaroon ng alalay sa loob ng bahay
Nais niyang bigyan si Basilio ng magandang buhay
Nais niyang maging ganap na propesyonal si Basilio upang makatulong sa lipunan
Nais niyang magkaroon ng tagapagmana ng kaniyang mga kayamanan
Bakit pinag-aral ni Don Santiago Delos Santos si Basilio ng medisina?
Nais niya magkaroon ng panahon na malayo ito sa bahay at magtuloy sa bisyong opyo si Kapitan Tiago
Nais niya magkaroon ng alalay at personal na doktor kapag humina na ang kaniyang katawan
Nais niya magtayo si Basilio ng klinika sa kaniyang tahanan
Nais niya gumawa ng paraan si Basilio makakuha si Kapitan Tiago ng libreng gamot
Sa paaralang ito pinag-aral ni Don Santiago Delos Santos si Basilio:
San Juan de Letran
Unibersidad ng Santo Tomas
Ateneo de Municipal
Escuela de Contaduría
Noong pinag-aral si Basilio ni Don Santiago Delos Santos, bakit hindi naging maganda ang kaniyang karanasan mula sa paaralan?
May diskriminasyon ang mga guro sa mga Pilipinong estudyante
Pinagtatawanan siya ng mga kaklase sapagkat luma ang kaniyang damit at wala siyang saplot sa paa
Hinihingan siya ng pera palagi ng kaniyang mga kaklaseng Mestizo
Ayaw siya papasukin sa silid-aralan sapagkat palagi siyang nahuhuli sa klase
Palagi siya pinagkukwentuhan ng mga guro dahil sa kaniyang nakaraan
Bakit inilipat si Basilio ni Don Santiago Delos Santos na mag-aral na lamang sa Ateneo Municipal?
May sama ng loob si Kapitan Tiago sa mga prayle
Masyado mataas ang singil sa unang paaralan ni Basilio
Masyado mahigpit sa paaralan kaya't hindi natututo si Basilio
Galit si Kapitan Tiago sapagkat umuuwi lagi si Basilio na may sugat ang mga binti mula sa mga hagupit ng guro
Ano ang pinagkaiingatang regalo ni Juli mula kay Basilio?
Isang agnos na pinambayad ng ginamot ni Basilio na ketongin
Isang krus na may mga diamante at gawa sa pilak
Isang kuwintas na may laketang may larawan nilang magkasintahan
Isang mamahaling panyo na gawa sa mamahaling seda at may burdang ginto
Ano ang palaging unang ginagawa ni Basilio tuwing umuuwi siya sa bayan ng San Diego?
Binibisita niya ang libingan ng ina
Binibisita niya ang kaniyang kasintahan si Juli
Binibisita niya sa kumbento si Maria Clara
Binibisita niya ang bahay ni Kapitan Tiago
Paanong nakilala ni Basilio si Simoun bilang si Crisostomo Ibarra?
Nakita niyang naghuhukay ito sa libingan ng ninuno ni Crisostomo Ibarra
Nakita niya ang mga pagod na mata ni Simoun nang hubarin nito ang salamin
Narinig niya itong kinakausap ang namatay na kamag-anak habang naghuhukay
Narinig niyang bumubulong si Simoun ang nabanggit ang tunay niyang pagkatao
Nang makulong si Basilio nang isabit sa kaso ng mga estudyanteng lumalaban sa gobiyerno, bakit hindi siya agad nakalabas ng kulungan?
Sinadya ni Simoun mapiit si Basilio sa bilangguan upang maranasan nito ang kaniyang naranasan
Tumanggi si Kapitan Tiago na bayaran ang kaniyang piyansa
Iniwan na siya ni Juli na maaari sanang nakapag-ipon upang makalaya siya
Tumanggi ang kaniyang mga kaklase na pahiramin siya ng pera
Bakit nagdesisyon si Basilio na tuluyan nang sumunod sa mga plano ni Simoun?
Namatay ang kaniyang kasintahan dahil sa isang madilim na kadahilanan
Malaki na ang utang niya kay Simoun at hindi na siya maaaring umatras
Nais niya ipaghiganti ang kaniyang nanay na minaltrato dati ng mga prayle
Nais niya pumanig kay Simoun na magiging may kapagyarihan kapag nagtagumpay ang rebolusyon
Explore all questions with a free account