No student devices needed. Know more
10 questions
Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Isang malayang pagpili.Hindi maaaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito.
Maaaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa.
Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
Bolunterismo
Dignidad
Pakikilahok
Pananagutan
Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
Upang magamapanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
Pananagutan
Tungkulin
Dignidad
Karapatan
Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
Mas higit niyang nakikilala ang kanyang sarili.
Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
Sa Bolunterismo,kung hindi mo ito gagawin,hindi ka apektado,kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.Ang pahayag na ito ay:
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.
Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin.Ito dapat ay manggaling sa puso.
Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
Tuwing eleksyon ay sinisiguro ni Rochelle na bumoto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kanyang mga kapit-bahay.
Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kaniyang barangay dahil inalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura.Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
Impormasyon
Konsultasyon
Sama-samang Pagkilos
Pagsuporta
Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Pagmamahal, Malasakit,at Talento
Panahon, Talento,at Kayamanan
Talento, Panahon,at Pagkakaisa
Kayamanan, Talento,at Bayanihan
Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Pagkakaisa
Kabutihang Panlahat
Pag-unlad
Pagtataguyod ng Pananagutan
Explore all questions with a free account