No student devices needed. Know more
10 questions
Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa at pagkamalikhain.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakikilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mappatibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahaon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura.Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
Mula sa pagkabata,si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit,si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.Alin sa mga pahayag ang tama?
Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili.
Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
Sino sa mga sumusunod ang hindi nakakatulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.
Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa,sa kaniyang pamilya,sa lipunan na kamiyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
Lahat ng nabanggit.
Ano ang obheto ng paggawa?
Kalipunan ng mga gawain,resources,instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,ugnayan at pakikisangkot sa ating kapuwa.
Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
Explore all questions with a free account