No student devices needed. Know more
10 questions
Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?
Karapatan
Isip at kilos-loob
Kalayaan
Dignidad
Ang karapatan ay kapangyarihang moral.Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
Ang moral ang nagpapanatili ng buhay pamayanan.
May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Ano ang buod ng talata?
Ayon kay Scheler,kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan,pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao.Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.
Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.
Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng.Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
Nagsimula ng soup kitchen si Fr.Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.
Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?
Si Aling Crystal,75 taong gulang,ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma.Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket,isang damit at isang bulsa.Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security,naglalakad siya ng higit sa isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing).
Karapatan sa pribadong ari-arian.
Karapatan sa buhay.
Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar.
Karapatang maghanapbuhay.
Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?
Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul,Syria,patungong Greece upang takas an ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.
Karapatang mabuhay.
Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon).
Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas.
Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan,sa bahay,sa trabaho,sa pamilya,sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay,ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal,ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon.(Pacem in Terris)
Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
Kailangang gamitin nag lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na nagtataguyod ng paglabag sa karapatansa buhay.
Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa ibaba?
· Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
· Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
· Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
· Pag-iwas sa eskandalo
Karapatan sa buhay.
Karapatang magpakasal.
Karapatang pumunta sa ibang lugar.
Karapatang maghanapbuhay.
Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay.
Karapatan sa pribadong ari-arian.
Karapatang maghanapbuhay.
Karapatang pumunta sa ibang lugar.
Explore all questions with a free account