No student devices needed. Know more
10 questions
Bakit kailangang malaman ang tiyak na lokasyon at sukat ng bawat bansa? (Pumili ng 2 sagot)
Upang mapangalagaan ang mga yamang-likas ng bansa
Upang matiyak ang teritoryo o nasasakupan ng bawat bansa
Upang magkaroon ng address ang mga naninirahan sa bansa
Upang malaman kung sino ang mayaman at mahirap na bansa
Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa? (Pumili ng 3 sagot)
Maraming magagandang tanawin ang matatagpuan sa Pilipinas
Marami ang nais sumakop sa Pilipinas dahil sa taglay nitong likas na yaman
Angkop ang klima ng bansa para sa ibat-ibang produkto at kabuhayan ng mga tao
Marami sa mga likas na yaman ng bansa ang nagbibigay hanap-buhay sa mga Pilipino
Ang mga sumusunod ay HINDI magandang dulot ng lokasyon ng Pilipinas sa Asya man o sa mundo. (Pumili ng 2 sagot)
Kabilang ang Pilipinas sa kinaroroonan ng "Coral Triangle"
May mga dayuhang turista ang nais manirahan sa ating bansa
Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nag-aagawan sa ilang teritoryo
Madaling makapasok ang mga kontrabando sa lawak ng ating pantalan at dalampasigan
Alin sa mga sumusunod ang MABUTING dulot ng lokasyon ng Pilipinas? (Pumili ng 2 sagot)
May bahagi ng teritoryo ang pinag-aagawan ng ibang mga bansa
Mayaman ang bansa sa mga produktong agrikultural at pangingisda
Kaakit-akit ang lokasyon ng bansa para sa mga gawaing pangterorista
Istratehiko ang kinaroroonan ng bansa sa Timog-Silangang Asya para sa tanggulang lakas pandagat at panghimpapawid
Anu-ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo? (Pumili ng 3 sagot)
Mayamang produktong agrikultural at pangisdaan
Maraming magagandang tanawin, dagat at bundok na dinarayo ng mga turista
Pagiging kabilang ng Pilipinas sa tinaguriang “Pacific Ring of Fire / Earthquake Belt”
Nagsisilbing daanan at daungan ng mga sasakyang pandagat para sa rutang pangkalakalan at militar sa Pacific
Angkop ang pagiging bansang tropikal ng Pilipinas sa gawaing pang-agrikultura tulad ng pagsasaka, pangingisda at paghahayupan.
Tama
Mali
Dinarayo ng mga turista ang magagandang tanawin sa ating bansa gaya ng Boracay, Bulkang Mayon, El Nido, at iba pa.
Tama
Mali
Kinatatakutan ang Pilipinas dahil sa pinag-aagawang teritoryo nito sa mga karatig-bansa.
Tama
Mali
Ang lokasyon ng Pilipinas ay di angkop sa istratehikong militar kaya madali tayong sakupin ng ibang bansa.
Tama
Mali
Nagsisilbing hantungan ang ating bansa ng mga rutang pangkalakalan sa Pasipiko dahilan upang bumagal at tumamlay ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.
Tama
Mali
Explore all questions with a free account