No student devices needed. Know more
50 questions
Paano makatutulong ang wastong pagbasa at pagsunod sa mga antas ng dynamics sa isang mag-aawit o kompositor?
upang maipahayag ng mang-aawit ang wastong damdamin na ng musika sa pamamagitan ng paglakas o paghina ng tunog.
upang maipahayag ng mang-aawit ang wastong damdamin na nais ipahayag ng kompositor sa pamamagitan ng bilis o bagal ng musika.
upang maipahayag ng mang-aawit ang wastong damdamin ng msuika sa pamamagitan ng pagsaliw ng iba't ibang tunog.
upang maipahayag ng mang-aawit ang wastong damdamin na nais ipahayag ng kompositor sa pamamagitan ng kapal o nipis ng tunog.
Bakit kailangang hinaan ng higit ang pagtugtog o pag-awit sa tuwing makikita sa piyesa ng musika ang simbulong ito?
Ang simbulong ito ay Pianissimo na ang kahulugan ay hindi gaanong malakas.
Ang simbulong ito ay Pianissimo na ang kahulugan ay hindi gaanong mahina.
Ang simbulong ito ay Pianissimo na ang kahulugan ay mahina.
Ang simbulong ito ay Pianissimo na ang kahulugan ay higit na mahina.
Paano tinutugtog o inaawit ang musikang may simbulong forte?
malakas
higit na malakas
malakas na malakas
hindi gaanong mahina.
Paano nakapaghahayag ng damdamin ang mga simbulo ng Tempo sa musika?
Ito ay tumutukoy sa lakas o hina ng pagtugtog o pag-awit.
Ito ay tumutukoy sa bilis o bagal ng pagtugtog o pag-awit.
Ito ay tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog ng musika.
Ito ay tumutukoy sa bilang ng kumpas sa bawat sukat ng awit.
Bakit moderato ang Tempo ng Japanese Folk Song na Sakura?
Ang Moderato ay nangangahulugang hindi gaanong mabilis, hindi gaanong mabagal, at katamtaman lamang.
Ang Moderato ay nangangahulugang pabilis ng pabilis (gradually becoming fast).
Ang Moderato ay nangangahulugang napakabagal (very slow, broad).
Ang Moderato ay nangangahulugang mabagal (slow).
Paano nasusukat ang tempo ng musika?
Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng isang metronome.
Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng pagbilang ng kumpas sa dalawang minuto.
Ang bilang ng beat ng isang awit ay makikita sa kaliwang-itaas na bahagi ng isang likhang-awitin.
Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng pagbilang ng kumpas sa tatlong minuto.
Anong elemento ng musika ang nagsasaad kung gaano karami ang tunog o melody na naririnig sa isang awit?
Texture
Harmony
Tempo
Dynamics
Sa paanong paraan kadalasang inilalarawan ang texture ng musika?
manipis o makapal
marami o kaunti
mabilis o mabagal
malakas o mahina
Paano malalaman kung manipis ang texture ng musika?
Manipis ang texture ng musika kung ito ay binubuo ng isang tunog mula sa iisang boses o instrumento.
Manipis ang texture ng musika kung ito ay binubuo ng apat na tunog mula sa iisang boses o instrumento.
Manipis ang texture ng musika kung ito ay binubuo ng tatlong tunog mula sa iisang boses o instrumento.
Kapag ang musikang naririnig ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tinig o tunog, ang texture ay manipis.
Anong elemento ng musika ang tumutuon sa maayos at magandang pagsasama-sama ng mga note kapag ang mga ito ay tinutugtog o inaawit?
harmony
texture
tempo
dynamics
Paano nabubuo ang chord?
Kapag ang isang note o tono ay tinugtog o inawit, tayo ay nakabubuo ng chord.
Kapag ang dalawa o higit pang mga note o tono ay sunud-sunod na tinugtog o inawit, tayo ay nakabubuo ng chord.
Kapag ang isa o higit pang mga note o tono ay sabay na tinugtog o inawit, tayo ay nakabubuo ng chord.
Kapag ang dalawa o higit pang mga note o tono ay sabay na tinugtog o inawit, tayo ay nakabubuo ng chord.
Alin sa mga sumusunod ang C Chord sa staff?
Paano nabubuo ang simpleng chord na tinatawag na triad?
Ito ay binubuo ng root, thirds, at fifths.
Ito ay binubuo ng root, dominant, at super tonic.
Ito ay binubuo ng root, dominant, at leading tone.
Ito ay binubuo ng root, dominant, at fifths.
Paano napapansin ang monophonic texture?
Ito ay napapansin sa nipis o kapal ng tunog.
Ang monophonic texture ay napapansin sa mga komposisyon na may iisang himig ng musika na pamboses o pang-instrumento.
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang linya ng musika.
Ito ay tumutuon sa patung-patong na tunog na naririnig sa isang musika o awitin.
Paano inaawit ang mga Oyayi?
mabilis na mabilis
mabilis
mabagal
unti-unting bumibilis
Ito ay uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad, at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot.
mobile art
dream catcher
3D art
found object
Paano ginagamit ang mobile art?
Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan o maging sa mga paaralan.
Ito ay maaaring isabit sa mga pintuan.
Maaari itong gamiting laruan ng sanggol na nakasabit sa kuna.
Lahat nang nabanggit.
Bakit mahalaga ang paggawa ng mga palayok, paso, at tapayan?
Ito ay nakatutulong sa pang-araw-araw na ikinabubuhay ng mga tao,
Ito ay isang sining ng ating lahi.
Ang pagtangkilik dito ay pagdugtong sa buhay na tradisyon ng katutubong sining.
Lahat nang nabanggit.
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng palayok.
A. Pagmamasa sa luwad hanggang makamit ang katamtamang lambot nito gamit ang kamay o sa tulong ng alagang hayop tulad ng kalabaw.
B. Paghuhurno o pagsusunog ng palayok.
C. Pagbungkal ng magandang uri ng luwad at paghahanda sa lupa.
D. Paghuhugis ng palayok.
C, B, D, A
C, A, D, B
C, D, A, B
D, A, B, C
Ano ang pangunahing kagamitan sa paggawa ng paper bead?
tanso o pilak
mga tuyong dahon o halaman
anumang recycled materials
pinulupot na papel na may iba't ibang kulay at hugis
Saan makikita ang mga sinaunang gintong alahas ng Pilipinas na natagpuan dantaon na ang nakalipas?
Marikina Museum
Quezon City Museum
National Museum
Ayala Museum at Metropolitan Museum
Sa paggawa ng mga pansariling palamuti, anong kakahayan ang mahalagang taglayin ng isang batang katulad mo?
pagkamalikhain
pagkamatiyaga
tiwala sa sarili
lahat nang nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga pansariling palamuti, maliban sa isa.
hikaw
pulseras
palayok
kuwintas
Anong uri ng lupa ang ginagamit sa paggawa ng palayok?
buhaghag
buhangin
loam
luwad
Paano magiging makabuluhan ang paggawa ng mobile art?
Lagyan ng diwa tulad ng pangangalaga sa kalikasan.
Lagyan ng diwa tulad ng pagpapahayag ng yaman ng kultura.
Lagyan ng diwa tulad ng pagsasalaysay ng isang kuwento.
Lahat nang nabanggit.
Ito ay nagsisilbing gabay upang makapili ng aktibidad na makatutulong sa iyo upang makamit ang iyong layuning pangkalusugan.
Philippine Physical Activity Pyramid
Philippine Physical Movement Guide
Philippine Physical Fitness Test
Philippine Physical Exercise Pyramid
Bakit mahalagang sundin at gawing gabay sa pang-araw-araw na gawain ang PPAP o Philippine Physical Activity Pyramid?
Sa tulong ng PPAP, makakamit ang ating layuning pangkalusugan.
Sa PPAP, madaling makikita kung aling aktibidad ang kailangang gawin nang madalas.
Sa PPAP, madaling makikita kung aling aktibidad ang kailangang bawasan ng oras.
Lahat nang nabanggit.
Bakit mahalaga ang pagsasayaw?
Ito ay magandang uri ng ehersisyo.
Isa itong paraan upang maipakita ang emosyon at pakiramdam.
Maraming tao na pagsasayaw ang hanapbuhay.
Lahat nang nabanggit.
Paano isinasagawa ang pangunahing galaw sa sayaw na tinatawag na Hayon-hayon?
Ilagay ang isang braso sa harap at isang braso sa likod sa may baywang. Gawin ito ng salitan.
Ilagay ang kanan o kaliwang paa sa harap ng kaliwa (o kanan) habang bahagyang nakayuko.
Yumuko sa iyong kapareha at sa mga manonood.
I-tap ang sahig sa pamamagitan ng iyong balls of the feet.
Anu-ano ang mga mahahalagang bagay na kailangang tandaan kapag ikaw ay lilikha ng isang sayaw?
Tema, Musika, Ritmo, Kuwento, Bilang ng mananayaw, Formation, Kasuotan, Props/Materyales
Tema, Musika, Ritmo, Kuwento, Bilang ng mananayaw, Formation, Kasuotan, Props/Materyales, salapi
Tema, Musika, Ritmo, Kuwento, Bilang ng mananayaw, Formation, Kasuotan, Props/Materyales, sasabihin ng iba
Tema, Musika, Ritmo, Kuwento, Bilang ng mananayaw, Formation, Kasuotan, Props/Materyales, grade
Alin sa mga sumusunod ang higit na katutulong sa paglikha ng mga galaw sa sayaw?
husay sa paggalaw
ritmo
tekstura
mga nauna nang natutunang galaw
Ito ay tumutukoy sa sining ng paglikha ng mga galaw at pattern para sa sayaw na itatanghal ng mga mananayaw.
choreographer
musicology
lithography
choreography
Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan upang makaiwas sa pinsala habang nagsasayaw?
Alamin ang limitasyon ng iyong katawan.
Magsuot ng tamang damit at sapatos.
Ugaliing magsimula sa isang warm-up o stretching exercise upang ihanda ang iyong katawan.
Lahat nang nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit upang magsalaysay ng kuwento sa isang sayaw?
galaw ng katawan
ekspresyon ng mukha
pagiging magaling kaysa iba
musika
Aling pangungusap ang hindi dapat maglarawan ng iyong saloobin habang nagsasagwa ng isang aktibidad?
Nakikinig akong mabuti sa panuto ng guro.
Nagtatanong ako ng paglilinaw.
Hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang ideya ng iba.
Nagagamit ko nang mabuti ang espasyo.
Bakit dapat nating alamin ang tamang pangunang lunas sa iba't ibang pinsala at kondisyon?
upang maiwasang lumala ang tinamong pinsala ng isang taong naaksidente
upang maging handa tayo para sating sarili
dahil hindi natin masasabi ang kung kailan mangyayari ang sakuna
dahil hindi natin alam kung sino sa atin ang maaksidente
Bakit napakahalaga na tayo ay may kaalaman sa pangunang lunas?
upang maging handa sa anumang mangyayari
upang malaman natin ang pansariling kalagayan
upang mailarawan ang kabutihang dulot nito sa ating sarili
sapagkat kailangang mabuhay sa sarili
Ito ay ang pagbibigay ng pangunang tulong at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman habang hinihintay ang pagdating ng doktor.
first-aid
first-aid kit
first treatment
first record
Ano ang dapat mong gawin kapag may nakita kang tao na biktima ng aksidente o sakuna?
Tutulungan ko siya.
Magtatanong ako kung anong ginagawa niya.
Hahayaan ko na lang muna siya.
Hindi ko siya papansinin.
Paano matitiyak kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o karamdaman?
Suriin ang lugar.
Siguraduhin na walang dagdag na kapahamakan na idudulot ang paglapit at paglapat ng lunas sa biktima.
Alamin muna kung ano ang karamdaman ng pasyente.
Lahat ng sagot ay tama.
Ano ang dapat na unang isaalang-alang sa pagsasagawa ng pangunang lunas?
Unang isaalang-alang ang kakayahang tumulong.
Unang isaalang-alang ang pangyayaring naganap sa biktima ng pinsala o karamdaman.
Unang isaalang-alang ang mga datos tungkol sabiktima ng pinsala o karamdaman.
Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima ng pinsala o karamdaman
Paano isinasagawa ang pangunang lunas sa sugat o wound?
Umupo ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo at pisilin ang malambot na bahagi ng ilong sa ibaba ng bony bridge.
Hugasan gamit ang sabon sa palibot nito at tubig at linisang mabuti upang matanggal ang dumi.
Kung may malay ang pasyente, tanungin kung san bahagi sya nakagat.
Tanggalin ang karayom na iniwan ng bubuyog o ibang insekto sa pamamagitan ng marahang pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng isang bagay.
Tukuyin kung anong pinsala o kondisyon ang dapat lapatan ng tinutukoy na pangunang lunas:
Lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa nose bridge.
sugat
balinguyngoy
kagat ng insekto
kagat ng hayop
Naglalaro sina Cielo at Mar Jane. Napansin ni Cielo na nagdurugo ang ilong ni Mar Jane. Ano ang dapat niyang gawin?
Pigain ang sugat upang matanggal ang kamandag hanggat makakaya ng biktima.
Tanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng isang bagay.
Lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa nose bridge.
Ubuka ang bibig upang makahinga.
Piliin ang dalawang paraan ng pangunang lunas sa bahagyang paso na di-nagkakaroon ng paltos (1st degree).
A. Huwag papuputukin ang paltos.
B. Kapag pumutok ang paltos, maingat na hugasan sa sabon at malinis na tubig.
C. Pahiran o agad ilubog sa malamig na tubig ang napasong bahagi o padaanan ng malamig na tubig galing sa gripo ng 15-20 minuto.
D. Kapag may burn ointment, pahiran ang bahaging napaso at kung wala naman maaaring balutan ng ilang piraso ng bahaging gitna ng katawan (stem) ng saging.
D at B
C at A
C at B
C at D
Paano dapat bigyang lunas ang pagkalason sa pagkain? Tukuyin ang mga pamamaraan at pillin ang isang hindi kasama dito.
Uminom ng maraming tubig, sabaw, o juice.
Uminom ng ORS.
Huwag uminom ng mga gamot na kontra-diarrhea kung hindi madalas ang pagdumi.
Hindi kailangang dalhin sa ospital.
Pagsunud-sunurin ang paraan ng pangunang lunas sa pagkawala ng malay.
A. Pahigain na ang ulo aymas mababa kaysa kinalalagyan ng mga paa.
B. Paupuin ang may karamdaman sa isang silya at ibaba ang ulo sa pagitan ng mga tuhod.
C. Tumawag ng manggagamot o dalhin sa ospital.
D. Suriin ang pulso at paghinga kung malakas.
B,A,D,C
C,B,A,D
D,C,B,A
A,D,C,B
Tukuyin ang pinsala o kondisyon sa sumusunod na pangunang lunas:
Masahihin ang namamanhid na kalamnan.
pulikat
pagkatanggal ng buto sa kinalalagyan o puwesto
kawalang malay
pagkalason sa pagkain
Namimitas ng mga rosas sa hardin si Krizelle kasama ang kanyang kapatid na si Sofia. Biglang narinig ni Krizelle ang hagulhol ni Sofia, nakagat na pa la ng bubuyog ang kanyang kapatid. Kung ikaw si Krizelle, paano mo lalapatan ng first aid ang iyong kapatid?
Hugasan ang bahagi ng katawan ni Sofia na nakagat ng insekto gamit ang sabon at tubig.
Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng gasa.
Diinan ang harap ng tainga.
Kapag hindi pa rin humihinto ang pagdurugo, dalhin kaagad ang biktima sa ospital.
Bakit kailangan nating sundin ang mga panuntunan ng pangunang lunas?
upang matiyak natin na tama ang pagtulong na gagawin
upang ipaalam sa lahat na tayo ay magaling
upang magyabang
upang humingi ng kabayaran
Explore all questions with a free account