No student devices needed. Know more
10 questions
Bilang isang bata, alin sa mga ito ang maaari mong gawin habang pinapatupad ang enhanced community quarantine?
Sumama sa “tree planting activity”
Linisin ang kanal malapit sa bahay
Gumawa ng “craft” mula sa bote
Alin sa mga ito ang HINDI KABILANG sa mga paraan upang makatulong ang iyong pamilya sa pagbawas ng paggamit ng plastik?
Pagdadala ng ecobag kapag mamimili
Pagdadala ng sariling “tumbler” o lalagyan ng tubig
Paggamit ng plastik na kutsara at tinidor kapag kakain sa labas
Paggamit ng sariling “straw” na gawa sa metal o kawayan kapag bibili ng milktea
Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?
Labis na pagpuputol ng mga puno
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan
Aling bahagi ng ating katawan ang masisira dahil sa paglanghap ng usok mula sa sasakyan at pagsisiga?
Baga (Lungs)
Bato (Kidney)
Tiyan (Stomach)
Habang namamasyal sa isang parke, nakita mo ang isang gripo ng bukas kahit wala namang gumagamit. Ano ang dapat mong gawin?
Hayaan lamang na bukas ito
Maghintay ng “Kuya” o “Ate” na magsasara ng gripo
Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin
Pagkakain mo ng paborito mong kendi, napansin mong walang basurahan sa paligid. Ano ang dapat mong gawin sa balot ng kendi?
Itago muna sa bulsa o kaya sa bag
Itapon nang walang ibang nakakakita
Humanap ng kanal at doon itapon ang balot ng kendi
Batay sa larawan, ano ang HINDI dapat natin gawin sa ating mga basura?
Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok
Pagsamahin ang mga bagay na pwedeng i-recycle
Isama ang balot ng sitsirya at kendi sa lalagyanan ng mga nabubulok
Sino/Sino-sino sa mga mangingisda ang gumagamit ng tamang paraan sa panghuhuli ng isda?
Alin sa mga ito ang (mga) epekto ng HINDI pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan?
Alin sa mga larawang ito ang nagpapakita ng gawaing nakakatulong sa pangangalaga sa kapaligiran?
Explore all questions with a free account