No student devices needed. Know more
22 questions
Ano pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks?
Labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
Kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
Pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
Pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagpapatunay na ang ekonomiks ay ay isang agham panlipunan?
Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?
Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kayat nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan sa pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na ito?
globalisasyon
makro-ekonomiks
maykro-ekonomiks
kapitalismo
Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng dahilan ng kakapusan MALIBAN sa isa. Ano ito?
Dahil sa hindi matapos-tapos na kagustuhan at pangangailangan ng mga tao.
Dahil sa mga limitadong pinagkukunang yaman sa loob ng bansa.
Dahil sa hindi tamang paggamit sa mga likas na yaman na meron ang isang bansa.
Dahil sa mga taong responsable sa paggamit ng bagay na alam nilang maaaring maubos din.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon.
Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang kinakaharap.
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng palatandaan ng konsepto ng kakapusan MALIBAN sa isa. Ano ito?
Ang yaman ng bansa ay dapat gamitin ng tama sapagkat ito ay may limitasyon lamang.
Ang mga yamang mineral ng bansa ay pinag-aaralan ng pamahalaan kung paano gagamitin sapagkat ito ay hindi napapalitan.
Ang malaking parte ng kagubatan sa Pilipinas ay unti-unti nang nakakalbo na ikinababahala ng pamahalaan.
Maraming nagrereklamong mamamayan sa hindi makatarungang pagtatago ng produkto ng mga negosyante dahilan upang magkulang ang bilihin sa merkado.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks?
Labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
Kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
Pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
Pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
Tunay nga bang napakalaking suliranin kapag hindi nasolusyunan ang kakapusan ng bansa?
Oo, sapagkat maaaring maging dahilan ito ng lalong paghirap ng bawat mamamayan.
Oo, sapagkat hindi na alam ng pamahalaan ang gagawin.
Hindi, sapagkat walang kinalaman ito sa bansa.
Hindi, sapagkat ito ay natural lamang na nagyayari.
Alin sa mga sumusunod na panukat ang ginagamit upang malaman kung ano ang kalagayan at kayang bilhin ng iyong pera?
Consumer Price Index
Purchasing Power of Peso
Antas ng Implasyon
Gross National Income
Upang malaman ang kabuaang kita ng halaga pinagsasama-sama ang kita ng tatlong sector ng bansa. Ano ang tawag natin sa kabuaang kita ng bawat bansa?
Consumer Price Index
Purchasing Power of Peso
Antas ng Implasyon
Gross National Income
Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
Mataas na pasahod sa mga manggagawa.
Masiglang pakikipagnegosasyon ng bansa sa ibang bansa.
Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa mga proyekto ng bansa.
Si Mrs. Lim, isang Japanese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at Japan dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
Sa Gross Domestic Product ng Japan dahil mamayan siya nito.
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
Alin sa mga sumusunod ang ginagamit upang malaman kung nagkakaroon ba ng pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga bilihin?
Consumer Price Index
Purchasing Power of Peso
Antas ng Implasyon
Gross National Income
Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod na sector ang gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon , kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na sektor
Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na sektor
Ang sektor na ito ay binubuo ng mga uri ng hanapbuhay at mga tao na kumikita na hindi nakukuwenta at nakatala sa pamahalaan. Anong sektor ito?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Ang sektor ng ekonomiya na ang pangunahing gawain ay pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Explore all questions with a free account