No student devices needed. Know more
30 questions
Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang?
pampulitika
panrelihiyon
panlipunan
pampamilya
Sino ang unang naging guro ni Rizal?
kanyang Ina
Manuel Burgos
Magin Ferrando
Justiano Aquino
Sino ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere?
Paciano Rizal
Ferdinand Blumentrit
Maximo Viola
Valentin Ventura
Ano ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere?
The Roots
Iliad and Odyssey
Ebony and Ivory
Uncle Tom’s Cabin
Ano ang ibig sabihin ng Noli Me Tangere?
Ang Paghihiganti
Erehe at Pilibustero
Huwag mo Akong Salangin
Huwag mo Akong Lapitan
“ Wala nang nalalabi sa akin ngayon kundi ang kumbento o ang kamatayan” Batay sa pahayag ang nagsasalita ay?
nawawalan ng pag-asa
nagdurusa
nagluluksa
naghihiganti
“Ang karunungan ay para sa mga tao, ngunit iyan ay natatamo ng mga may puso” ang pahayag ay may layuning?
nanghuhusga
nagpapayo
nangangaral
nagpapahiwatig
“Nang dahil sa pag-ibig ay dapat ko bang kalimutan ang alaala ng aking ina? Ang karangalan ng aking ama sa turing” ang pahayag na ito ay nagmumula kay?
Tiya Isabel
Pia Alba
Maria Clara
Andeng
“ Ang mga gwardia sibil ay hindi nakagugunita sa mga api” masasabi na ang mga gwardia sibil ay?
matapang
masunusrin
mahigpit
malupit
“ Kilalanin ninyo ang inyong kaharap! Hindi ito probinsyana o kolunya ng sundalo” anong katangian ng tauhan ang pinakikita sa pahayag?
mapagmataas
mapaglinlang
mapagkumbaba
malupit
“Mga ginoo, may kaugalian sa Alemanya, kapag dumalo sa isang pagtitipon ang isang walang kakilala at walang magpkilala sa kaniya sa iba, siya mismo ang nagsasabi ng pangalan at nagpapakilala sa sarili” Ang nagsasalita ay si?
Tinyente Guevarra
Kapitan Tiyago
Don Tiburcio
Crisostomo Ibarra
“Ang pag-iwas sa punglo ay di nangangahulugan ng karuwagan.” Ano ang ipinahiwatig ng pahayag?
Di dapat humawak ng baril ang mga tao.
Hindi duwag ang pag-iwas sa gulo.
Kung ayaw mong tamaan ng bala,iwasan mo ito
Ang taong duwag ay laging umiiwas sa gulo
Isang prayleng Franciscano na walang pakundangan sa kanyang mga kilos, pagsasalita at panunuligsa sa mga Pilipino.
Padre Sibyla
Padre Damaso
Padre Salvi
Padre Florentino
Malakas ang hampas ng murang katawan ni Crispin sa bawat baitang ng hagdan habang hinihila ito pababa ng Sakristan Mayor. - Mula sa pahayag na ito ano kaya ang maaring mangyari kay Crispin?
Mababaliw si Crispin
Walang mangayayari kay Cripin
Maaring ikamatay ni Crispin
Mawawala sa hangin si Crispin
Ano ang tunay na nagpahamak kay Crisostomo Ibarra?
Ang pag-aaral sa ibang bansa
Ang liham kay Maria Clara
Pakikipagsabwatan kay Elias
Pagpapatayo ng paaralan
“Makakabuti sa atin ang tumuligsa kaysa walang saysay na pagpuri” Ang tuligsa ay may kasalungat na kahulugang?
tumugon
kumalaban
sumalungat
pumuri
“Makakabuti sa atin ang tumuligsa kaysa walang saysay na pagpuri” Ang pahayag ay nangangahulugang?
maging matapat sa pagpayo
maging totoo sa pagsasalita
tuglisain ang mga kalaban
nakakabuti ang pagpuri
“Sila ang nagmulat sa aking mga mata, ang nagpakita ng kabulukan at pumipilit na maging salarin, magiging totohanang Filibustero” Anong uri ng tunggalian ang ipinakikita sa pahayayag?
Tao vs Sarili
Tao vs Lipunan
Tao vs Tao
Tao vs Kalikasan
Kumalat ang balitang si Crisostomo Ibarra ang lider ng gagawing pag-aaklas. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang?
paglaban
paglusob
tulisan
paghihimagsik
“Mamamatay akong di man nakita ang pagbubukang-liwayway sa aking Inang-Bayan.” Ano ang nais ipahiwatig ng may salungguhit?
pag-asa
kasaganaan
katahimikan
sikat ng araw
“Mamamatay akong di man nakita ang pagbubukang-liwayway sa aking Inang-Bayan.” Ang pahayag na ito ay nagmula kay?
Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Elias
Sisa
Aling pangyayari sa ibaba ay may katotohanan sa kabanata 53 na may pamagat na Ang Sinumpa.
Natuklasan ni Elias ang katotohanan sa ninuno ni Crisostomo Ibarra
Pinagmumura at sinisi ng lahat ng mga kaanak ng mga
bilanggo si Crisostomo Ibarra.
Nag-uusap si Elias at Crisosotomo Ibarra para sa mga pagbabagong hinihinhi ng mga sawimpalad.
Napatawan si Crisostomo Ibarra ng ekskumonyon dahil sa nangyaring sa pananakit kay Padre damaso
Sa palagay mo anong uri ng lipunang umiiral sa panahon ng pananakop ng mga Kastila?
kahirapan
kamangmangan
kaguluhan
kawalan ng hustisya
Matapos kong pag-aralan ang aralin, nakadama ako ng ___________.
pagmamalaki sa katapangan ng ating ninuno
pagpapasalamat dahil hindi ako nadamay sa pangyayari
pagkainis dahil sa kamangmangan ng mga Pilipino noon
paghihimagsik laban sa mga mapang-aping dayuhan.
Sa araw ng panghuhugos ang taong natamaan ng malaking bato sa ulo ay si?
Padre Salvi
Taong Madilaw
Elias
Crisostomo Ibarra
Bakit sa palagay mo na laging sinusunod o hindi makatanggi si Kapitan Tiyago sa anumang utos ni Padre Damaso?
Naging Pari rin si Kapitan Tiyago
Dahil alipin siya ng mga Pari
Natatakot siyang mapahamak ang kanyang buhay
Ayaw niyang mawala ang kanyang kapangyarihan
Napapayuko ang mga dalagang nakakasalubong ni Donya Victorina sa halip na tumingin sa kanya nang may paghanga.- Mahihinuha sa pahayag na ang mga dalaga ay?
May lihim na may pagkutya sa ayos ng donya
Nahihiyang makasalubong ang donya
Natatakot makita ng donya ang ayos nila
Nagsasawalang kibo sa kinikilos ng donya
Ang Noli Me Tangere ay kauna-unahang nobelang isinulat ni Jose Rizal na may katumbas na salita sa Filipino na?
Ang Mga Sawimpalad
Sikat ng Liwanag
Ang Naghihimagsik
Huwag Mo Akong Salingin
Si Elias ay may layunin na ipaghiganti ang kanyang mga kaanak. Sa iyong palagay ano ang maidudulot sa buhay ng taong naghihiganti?
Nawawala sa tamang landas
Nagkakaroon ng kapayapaan sa puso
Nagkaroon ng patas na hustisya
Nabibigo sa hangarin sa buhay
Siya ay isang pilay at bungal na kastila na nakarating sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran, napangasawa niya ang isang Pilipinang si Donya Victorina.
Don Rafael
Alfonso Linares
Don Tiburcio de Espadaña
Alperes
Explore all questions with a free account