No student devices needed. Know more
20 questions
Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
pamamahala ng negosyo.
pakikipagkalakalan.
pamamahala ng tahanan.
pagtitipid.
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ________.
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay __________.
may hangganan din.
kaunti lamang kayat madaling tugunan.
parami nang parami at walang katapusan.
kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat _________.
lumiliit ang sukat ng daigdig
nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.
nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na
luhong pangkatawan.
pangunahing pangangailangan.
hilig-pantao.
sekundaryong pangangailangan
Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?
Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid.
Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yamn sa iba’t ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
produksyon
alokasyon
imbensyon
kalkulasyon
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kayat nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
May mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks tulad ng istatistiks, ekwasyon at pormula sa matematiks, logic o mapanuring pagiisip, at paggamit ng mga datos o pruweba. Lahat ng mga dahilang nakatala sa ibaba ay tama, maliban sa isa. Alin ang hindi tamang dahilan kung bakit may mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks?
Upang magkaroon ng batayan ang mga mungkahing solusyon o mga kongklusyon hinggil sa mga suliraning pang-ekonomiya at
pangkaunlaran.
Maganda sa paningin ang mga drowing at ilustrasyon.
Nailalarawan at naipaliliwanag na mas higit ang mga konsepto kaya
nakatutulong sa mag-aaral sa pag-unawa ng mga ito.
Naipakikita ang mga puntos ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
datos kayat nagiging kawili-wili ang pagsusuri ng mga ito.
Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
trade off
opportunity cost
marginal thinking
incentives
Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
trade off
opportunity cost
marginal thinking
incentives
Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
trade off
opportunity cost
marginal thinking
incentives
Bagay o halaga na iniaalok sa pagpili ng isang produkto/bagay.
trade off
opportunity cost
marginal thinking
incentives
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?
Kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng bigas, asukal, arina, langis at iba pang pangunahing pagkain.
kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili.
kapag maraming nagkakasakit na mamamayan sanhi ng gutom
kapag maraming nabibili sa tindahan.
Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga gawain o programa para sa konserbasyon sa mga likas na yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa programa.
pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.
pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon.
pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop(endangered species)
patuloy na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan para sa komersiyo.
Explore all questions with a free account