No student devices needed. Know more
14 questions
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang paraang ito ang pinakalimit na gamitin.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Ang Dibisyon ng mga Karapatang Sibil sa Kagawaran ng Katarungan ang nagpapatupad ng mga pambansang batas sa diskriminasyon. Isang di-katanggap-tanggap na halimbawa ng diskriminasyon sa trabaho ay ang ginawa ng isang kompanyang Amerikano na nangako ng magandang hanapbuhay at magandang kabayaran sa mga Mehikano. Patakas silang naipasok ng kompanya ang mga Mehikano sa Amerika sa loob ng isang walang laman na trak at nang makarating sa Amerika, tinakot ang mga manggagawa, at binalaan na sila ay papatayin kung sila ay magbalak umalis.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Kumalat ang COVID 19 sa buong mundo noong 2020. Dahil dito, milyon-milyong mga tao ang namatay sa buong mundo. Nailagay rin tayo sa lockdown kaya naman marami ding nagsara na negosyo at nawalan ng trabaho.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Ang tiktok at youtube ay parehong website na maaari kang maglagay ng video. Pareho ring maaari kang maging sikat sa paggamit ng mga ito. Kaya lamang, mas mahahabang video ang maaari mong ilagay sa youtube kaysa sa tiktok. Sa tiktok ay limitado lamang sa 10 minuto samantalang sa youtube ay maaaring umabot ng 12 oras.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
May limang simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19. Una, hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Ikalawa, iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. Ikatlo, takpan ang iyong bibig sa pag-ubo at pagbahing. Ikaapat, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. Huli, Manatili sa bahay kung ikaw ay masakit.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Ang komunikasyon ay mahalaga sa ating mga tao upang magkaunawaan. Isang halimbawa ng komunikasyon ay ang pagsulat ng liham. Noon pa man nagsusulat na ng liham sa mga dahon ang mga tao. Ikaw, nagsusulat ka pa ba ng liham?
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Anong uri ng pagpapahayag ito?
Isang senyales daw na mas matalino ang isang tao kapag mas makalat ang lamesa nito sa trabaho. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, mas lumalabas daw kasi na mas malikhain at mas madiskarte ang mga magugulo ang lamesa kaysa sa mga organisado.
Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagsasalungatan
Sanhi at Bunga
Pagsusuri
Pagbibigay ng Halimbawa
Bumuo ng 2-3 pangungusap batay sa ibinigay na uri ng pagpapahayag at paksa.
URI NG PAGPAPAHAYAG: Sanhi at Bunga
PAKSA: pagkakaroon ng mababang marka
Bumuo ng 2-3 pangungusap batay sa ibinigay na uri ng pagpapahayag at paksa.
URI NG PAGPAPAHAYAG: Pagbibigay ng Halimbawa
PAKSA: gawain o aktibidad para sa mental health ng mga estudyante
Bumuo ng 2-3 pangungusap batay sa ibinigay na uri ng pagpapahayag at paksa.
URI NG PAGPAPAHAYAG: Paghahambing at Pagsasalungatan
PAKSA: online at f2f na klase
Explore all questions with a free account