No student devices needed. Know more
10 questions
Ano ang ang pangunahing himig ng maikling kuwentong “Ang Aginaldo ng mga Mago”?
Mapagmahal
Pagtatakwil
Mapanakit
Nagbabanta
Saan naganap ang mga pangyayari sa maikling kuwentong “Ang Aginaldo ng mga Mago” ?
sa Boston
sa tindahan
sa tahanan ng Dillingham-Young
sa pinagtatrabahuhan ni Jim
Kailan naisagawa ang mga pangyayari sa maikling kuwentong “Ang Aginaldo ng mga Mago”?
Bagong Taon
Pasko
Noche Buena
Kaarawan ni Della
Ano ang nais ipahawatig ng pahayag sa ibaba ukol kay Della?
"Ang mga baryang matitipid na isa at dalawa sa pamamagitan ng pakikipagtawaran sa tindero at sa maggugulay at sa magkakarne hanggang mapahiya dahil sa maling bintang at pagiging kuripot dahil sa pahiwatig nito ng pakikipagtawaran."
Madali lang para kay Della ang mag-ipon ng pera.
Kaibigan ni Della ang tindero, maggugulay, at magkakarne.
Nabantugang kuripot si Della sa harap ng madla dahil sa kaniyang mga gawi.
Tinitiis ni Della ang kahihiyan sa pakikipagtawaran para lamang makapag-ipon.
Magkano ang halaga ng perang kailangan ni Della upang mabili ang regalo para kay Jim?
$11.87
$1.87
$0.87
$3.87
Sa wakas ng maikling kuwentong “Ang Aginaldo ng mga Mago” ay nalaman ng mga mambabasa na ibinenta ni Jim ang kanyang relo upang ipambili ng suklay, samantalang ibinenta naman ni Della ang kaniyang buhok upang ipambili ng relo. Ano ang pangunahing kaisipan na ipinapahiwatig ng ganitong panyayari?
Mahalagang isaalang-alang ang presyo kapag nagreregalo.
Kapag mahal mo ang isang tao ay kaya mong ibigay ang lahat.
Kailangang pag-isipan ng mabuti kapag nagbibigay ng aginaldo.
Ang mag-asawa ay dapat nagbibigayan.
Ngayon, may dalawang mahalagang pag-aari mayroon ang Dillingham Youngs na kanilang ipinagmamalaki. Ang isa ay ang gintong relo ni Jim na ibinigay ng kanyang ama na pag-aari ng ama ng kanyang ama. Ang pangalawa ay ang buhok ni Della.
Ayon sa pahayag sa itaas, ano ang dalawang mahalagang kayamanan ng mga tauhan?
Gintong Relo
Buhok
Bahay
Gintong Relo at Buhok
Anong tayutay ang itinatampok ng pahayag sa ibaba?
“At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon.”
Pagwawangis
Pagbibigay-katauhan
Pagmamalabis
Pagtutulad
“Nagpapakita ito ng moral na pagninilay na ang buhay ay puno ng buntong-hininga, pagsinghot dahil sa pag-iyak at mga ngiti, datapwa’t ang nangingibabaw ay ang pag-iyak.”
Batay sa pahayag sa itaas, ano ang kahulugan ng salitang buntong-hininga?
Isiping mabuti o nang mataimtim
Huminga nang malalim na parang naghihinagpis
Dumaloy nang mabilis
Sariling palagay
Anong damdamin ang namamayani sa pahayag sa ibaba?
“Tumayo siya sa may bintana at sinulyapan ang abuhing pusa na naglalakad sa abuhing bakod sa abuhing likuran ng bahay. Kinabukasan ay Araw ng Pasko, at siya ay mayroon lamang 1.87 na dolyar upang makabili ng pang-aginaldo kay Jim.”
Naiinis
Naawa
Nalulungkot
Natatakot
Explore all questions with a free account