No student devices needed. Know more
20 questions
Bakit kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa?
Dahil tungkulin niya ang maging isang makatarungan
Dahil siya ay tao at namumuhay sa lipunan ng mga tao
Ito ang pinag-uutos ng batas
Ito ang pinag-uutos ng magulang
Ang pagkakaisa ay maaring magbunga ng kapayapaan. Ang pahayag ba ay
tama o mali?
Mali, dahil mahirap na isantabi ang personal na adhikain sa buhay.
Tama, kung matutulungan ang mahihirap na umangat sa buhay.
Mali, imposible na magkaisa ang mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng
paniniwala at prinsipyo.
Tama, kung ang lahat ay kikilos tungo sa kabutihang panlahat.
Ang pandaraya sa negosyo ay nagdudulot ng kawalan ng katarungan.
Mali, natural lamang ang ganitong gawain sa negosyo.
Mali, dahil hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa pandaraya.
Tama, basta sumusunod lamang sa umiiral na batas.
Tama, dahil hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.
Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
Kapayapaan
Pagsunod sa batas
Paggalang sa karapatan
Paggalang sa opinyon
Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang aksyon?
Ang pagkulong sa mga nahuling kargador ng droga.
Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aaral na hindi
nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
Ang pagsang-ayon sa maling pasya ng kaibigan
Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
Alin ang indikasyon ng hindi makatarungang ugnayan sa kapwa?
Nagbibigay hadlang sa pag-unlad ng iba
Pinanghihimasukan ang buhay ng iba.
May paglabag sa karapatan ng iba.
Lahat ng nabanggit
Anong bahagi o sangay ng lipunan ang may pananagutan sa pagpapanatili
ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan?
Simbahan
Pamahalaan
Paaralan
Pamilya
“Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang
kahulugan nito.
Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at
ipinagkatiwala ito sa kanya.
Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na
gusto niyang gawin.
Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa
kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng bansa.
Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
Si Jay ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa
sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang
kanilang bahay.
Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang takdang pagtatasa.
Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
Ang ilang mag-aaral ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangang
isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin nila sa
pagkakataong ito?
Bumuo ng iskedyul
Gumawa ng prayoritisasyon
Magtakda ng tunguhin
Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
“Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na
kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang
makaambag sa kaunlaran ng bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap
na ito?
Gamitin ang oras upang tuklasin ang kanyang gawin sa
pagpapaunlad sa bansa.
Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at
kakayahan para sa bansa.
Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
Sa pagtakda ng tunguhin dapat ito ay SMART.
Strong, Measurable,
Attainable, Realistic,
Time-bound
Specific, Measurable,
Attainable, Realistic,
Time-bound
Specific, Measurable,
Attainable, Resident,
Time-bound
Specific, Memorable,
Attainable, Realistic,
Time-bound
Ang mga sumusunod ay indikasyon ng pagpabukas-bukas maliban sa ___
Paghahanap ng dahilan na iwanan ang isang gawaing nasa mataas na
prayoridad.
Pagpapaliban ng isang gawain dahil hindi pa ito gustong gawin.
Pagtatapos ng gawain kahit malayo pa ang dedlayn.
Paggawa ng mga bagay na hindi kasinghalaga sa mga nakalista sa iyong
prayoridad.
Ito ay pagtitiyaga na maabot o makamit ang mithiin o layunin sa buhay na
may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
Pagpupunyagi
Pagsisikap
Katatagan
Kasipagan
i
Si Nira ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain
at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kaya ang
palatandaan ng kasipagan ang taglay ni Nira?
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
Hindi umiiwas sa anomang gawain.
Hindi umiiwas sa anomang gawain.
Hindi nagrereklamo sa paggawa.
Bakit kailangang mag-impok ang tao.
Para sa mga hangarin sa buhay.
Para makatipid
Para sa pagreretiro.
Para sa proteksyon sa buhay.
Bakit dapat pahalagahan ang ating mga naipon?
Sapagkat hindi napupulot ang pera.
Sapagkat hindi
mapipitas ang pera sa mga puno,
Ang pera ay
pinagpapaguran upang kitain ito.
Lahat ng nabanggit
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong
layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na ______
pagtitiyaga, pagtitiis, pagtitipid
at determinasyon.
pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan
at determinasyon.
pagtitiwala, pagtitiis, kasipagan
at determinasyon.
pagtitiyaga, pagtitiis, pagpapatuloy
at determinasyon.
Ayon kay Francisco Colayco, “kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na
isang obligasyon”. Ito ay nangangahulugang...
Kailangang may determinasyon sa pag-iimpok.
Opsiyonal lamang ang pag-iimpok.
Tungkulin ng bawat isa ang mag-impok.
Gawing tradisyon ang pag-iimpok.
Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng birtud na ito?
Ito ay nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana.
Gamitin ang birtud na ito upang higit na makapagbigay sa iba.
Magtipid upang guminhawa ang sariling buhay.
Kapag ang tao’y marunong magtipid, marunong din siyang magbigay
lalong-lalo na sa mga nangangailangan.