No student devices needed. Know more
8 questions
Tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pakikipagsapalaran, kabayanihan at katapangan ng bayaning tauhan na nagtataglay ng mga di-kapani-paniwalang kakayahan ngunit nakapag-iiwan ng aral at magandang halimbawa sa mambabasa. Alin ito?
EPIKO
AWIT o KORIDO
BALLAD
SONETO
Uri ng tula na sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata, ngunit hindi sa paraang padula. Ang mga halimbawa nito ay Balagtasan, Duplo, atbp. Ano ito?
Karunungan Bayan
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Tulang Pandulaan
Anong uri ng Tulang Pandulaan/Pantanghalan ang isa sa pinakamatandang uri ng dula? Ang tema nito ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay.
Komedya
Melodrama
Parsa
Trahedya
"Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo." Ito ay halimbawa ng ________.
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Kasabihan
Ito au mga tulang maaring totoo o hindi totoo at ang mga paksa ay hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe at prinsesa. Ano ito?
AWIT o KORIDO
SONETO
ODA
AWITING BAYAN
"iSANG PRINSESA, NAKAUPO SA TASA" Anong uri ng karunungang bayan ito?
Sawikain
Salawikain
Kasabihan
Bugtong
Anong Elemento ng tula ang tumutukoy sa mga patulang salita na ginagamit upang ang dalawang bagay o larawan ay mapagtulad upang gawing kawili-wili at makahulugan ang pananalita? Halimbawa nito ay simili at metapora.
Matalinghagang Paglalarawan
Tayutay
Tono
Tema
Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa isang karanasan. Kabilang dito ang Awiting Bayan, SOneto, Oda, atbp. Ano ito?
Tulang Pasalaysay
Tulang Liriko o Pandamdamin
Tulang Pandulaan
Tulang Patnigan
Explore all questions with a free account