No student devices needed. Know more
10 questions
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
_____1. Saan nagtatapos ang moral na kilos ayon sa yugto ng makataong kilos?
labingdalawang yugto?
a. Unang Yugto
b. Ikawalong Yugto
c. Ikaanim na Yugto
d. ikalabindalawang Yugto
_____2. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ano ang dapat isaalang alang sa pagbuo ng pagpapasya upang maging Mabuti ang kalalabasan ng isang kilos?
a. Yugto ng makataong kilos
b. Paghingi ng payo
c. Pagninilay
d. Sapat na panahon
_____3. Alin sa mga sumusunod na yugto ng makataong kilos ang nagpapakita ng malayang pagpapasiya sa kanyang kilos.
a. Paghuhusga ng paraan
b. Praktikal na paghuhusga
c. Pagninilay
d. Paggamit
_____4. Si Karen ay mag-aaral sa ikasampong baitang. Siya ay magaling magluto kaya’t Tech Voc ang nais niya sa Senior High School, ngunit gusto ng kanyang mga magulang na siya ay makapagtapos sa kursong doktor. Kaya naman ipinaliwanag ni karen sa kanyang magulang ang gusto niyang kunin na dahil sa hilig niya ang paagluluto. Nasa anong yugto ng makataong kilos si karen?
a. Unang Yugto
b. Ikawalong Yugto
c. Ikaanim na Yugto
d. Ikalabindalwang Yugto
_____5. Batay sa sitwasyon sa bilang 4, ano ang unang hakbang na dapat gawin ni Karen upang maka gawa ng moral na Pagpapasiya sa pagpili ng kursong kukunin sa Senior High School?
a. Dinggin ang kalooban
b. Umasa at magtiwal sa tulong ng Diyos
c. Mangalap ng patunay
d. Isaisip ang posibilidad
_____6. Gamit ang halimbawa sa bilang 4, kailangan ni karen na timbangin sa dalawang pagpipilian ang kagustuhan niya ng kumuha ng Tech Voc o ang Kagustuhan ng kanyang magulang ang makapagtapos sa kursong doctor. Anong yugto ang kilos ni karen?
a. Paghuhusga sa nais makamtan
b. Paghuhusga sa paraan
c. bunga
d. paggamit
_____7. Sino sa mga sumusunod ang nagpakita ng mabuting kilos sa kabila ng mga tukso o maling nagaganap sa kanyang paligid?
a. Si Aling Nita ay nakatanggap ng ayuda mula sa kanilang barangay noong may Ehance Community Qauratin.sa halip na gamitin sa kanilang pangunahing pangangailangan ito ay ginamit sa masamang bisyo.
b. Hindi nakasali sa bibigyan ng ayuda si Ben kaya pinagsalitaan niya ng masama ang taga DSWD.
c. Dahil sa pandemniya, 16 taong gulang pa lang si Andrew at hindi siya makalabans ng bahay kaya ginugol niya ang kanyang oras sa pag-aaral.
d. Kahit may panganib sa labas dahil sa pandemya lumalabas pa din ng walang face mask at face shield si Ian.
_____8. Nagkaroon kang problema sa pinapasukan mong trabaho dahil siniraan ka ng iyong kaibigan kaya naman ikaw ay nagalit sa iyong kaibigan at sinugod mo siya at sinampal. Anong moral na pagpapasiya ang dapat ginawa mo?
a. Magkalap ng patunay.
b. Isaisip ang mga posibilidad
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Tingnan ang kalooban
_____9. Nahihirapan sa pagsagot ng takdang aralin si karla dahil kulang siya sa gadget. May naiipon na siyang pambili ng Cellphone upang magamit niya sa kanyang pag-aaral ngunit alam niya na mas kailangan ng kanyang ina na bumuli ng gamot dahil may sakit ito. Ano ang dapat gawin ni karla upang maging makatao ang kanyang kilos?
a. Uunahin bilihin ang cellphone kaysa gamot ng aking Ina.
b. Hihintayin ko na humingi ang aking Ina na pambili ng gamot
c. Itatago ko lang ang aking pera upang may ipon ako
d. Bibilihin ko ang gamot ng aking ina sapagkat mahalaga ang kanyang buhay kaysa gadget.ban
_____10. Pumunta sa bahay ni Karen ang kanyang kaibigan at humihingi ng tulong at payo kay Karen sa pagkat may pinag dadaanan problema ang kanyang kaibigan dahil naghiwalay ang mga magulang nito. Nais niyang maglayas sa kanilang bahay. Anong hakbang ng Moral na pagpapasiya ang ginawa ng kaibigan ni Karen?
a. Magkalap ng patunay.
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Isaisip ang mga posibilidad
d. Tingnan ang kalooban
Explore all questions with a free account