No student devices needed. Know more
5 questions
May awitin tungkol sa pag-ibig, sa pagkakaibigan, tagumpay at kabiguan. Ano ang pinahihiwatig nito?
Ang awitin ay may kani-kaniyang pinatutungkulan.
Ang awitin ay pare-pareho lamang.
Hindi maganda ang alin mang awitin.
Ang awitin ay ginawa lamang upang makapaglibang.
Ang isang awitin ay binubuo ng mga taludtod na naglalahad ng kuwento, karanasan, at aral. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang bawat awitin ay may mensahe sa mga tao.
Nilalagyan lamang ng kuwento ang isang awitin upang magkakaroon ng pagkakaiba.
Pampaganda lamang ang kuwento sa awitin.
Ang kuwento sa isang awtin ay ginawa lamang upang magandang mapakinggan.
Ano ang mensahe o gustong sabihin ng “Makati March” sa bawat tao nananinirahan sa Lungsod Makati?
Mas mayaman ang Lungsod Makati kaysa ibang lugar.
Mahalin natin ang ating lungsod, ang Lungsod Makati.
Dapat mainggit ang ibang tao sa Lungsod Makati.
Hindi dapat mahalin ang Lungsod Makati.
Tuwing flag ceremony sa paaralan ay inaawit ang NCR Hymn at Makati March. Napansin mo na ang iyong kamag-aral ay hindi umaawit. Nahihiya siya na awitin ang mga ito. Dapat bang ikahiya ang pag-awit ng NCR Hymn at Makati March?
Opo, dahil hindi na uso ang awitin ngayon.
Opo, dahil mahirap makabisado ang mga awitin.
Hindi po, dahil ito ay awitin ng pagkilala at pagmamahal sa lungsod at rehiyon na kinabibilangan.
Hindi po, dahil maganda naman ang kaniyang boses.
Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong paggalang sa pag-awit ng NCR Hymn at Makati March?
Umawit nang pasigaw upang mas marinig ng iyong guro ang iyong pag-awit.
Umawit nang may katamtamang lakas, tumayo nang tuwid, at huwag makipaglaro sa kaklase habang tinutugtog ang NCR Hymn at Makati March.
Makisabay lamang sa pag-awit ng iyong mga kamag-aral.
Huwag na lang umawit upang hindi magkamali.
Explore all questions with a free account