10 questions
Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush
B. Pagbataok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na marking nakuha
Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay
magdadala ng isang maling bunga.
Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay
ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang ____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na
nakikita niya bilang tama.
A. Isip
B. Kalayaan
C. Kilos – loob
D. Dignidad
Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos - loob
Masipag at matalinong mag – aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli.
Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng
kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba
si Ali kung bakit nasa kaniya nag paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya nag tama bilang isang mag – aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari – sari store. Ngunit walang barya
na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang
tindahan. Ang tinder ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Takot
B. Karahasan
C. Kamangmangan
D. Masidhing damdamin
Tama o Mali. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ito ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa .
Tama
Mali
Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
Kusang-loob.
Di kusang-loob.
Walang kusang-loob.
Dating may kusang - loob.
Tama o Mali. Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao sa ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan.
Tama
Mali
May apat na elemento sa prosesong ito: 1) paglalayon, 2) pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin, 3) pagpili ng pinakamalapit na paraan, at 4) pagsasakilos ng paraan.
Tama
Mali