No student devices needed. Know more
25 questions
Anong uri ng panitikan ang akdang "Ang Kalupi" ?
tula
sanaysay
nobela
maikling kuwento
Sino ang sumulat ng akdang "Ang Kalupi"?
Andres Bonifacio
Benjamin Pascual
Jose Rizal
Emilio Jacinto
Sa akdang "Kalupi", sino ang pangunahing tauhan na inikutan ng kuwento?
Aling Marta
Aling Godyang
Andres, ang batang lalaki
pulis sa pamilihang bayan ng Tondo
Ano ang okasyon kaya namili si Aling Marta sa pamilihan?
kaarawan ng kaniyang anak
magtatapos sa hayskul ang anak na babae
maysakit ang asawa
wala na silang mauulam sa araw na iyon
Alin sa sumusunod ang suliranin o tunggalian ng pangunahing tauhan sa binasang akda?
nawawala ang kaniyang kalupi
naiwan niya ang kalupi sa bahay
kulang ang dala niyang pera para makabili
nahulog ang pera sa malapit na kanal
Alin sa sumusunod ang maaaring dahilan kaya naisip ni Aling Marta na ang batang bumangga sa kaniya ang dumukot o kumuha ng kaniyang kalupi?
dahil ito lamang ang bumangga sa kaniya
dahil ang hitsura nito ay parang sa isang taong walang pera
dahil inisip niyang binangga siya nito bilang bahagi ng modus na makapagnakaw
lahat ng nabanggit ay tama
"Ikaw ang dumukot ng kalupi ko, ano?! Huwag kang magkaila!"
Alin sa sumusunod ang inilalahad ng pangungusap na nasa itaas?
Natitiyak na niya na ang bata talaga ang nagnakaw.
Nag-aalinlangan siya kung ang bata ang nagnakaw.
Nagbabakasakali siya na ang bata ang nagnakaw.
Nagtatanong siya kung ang bata ang nagnakaw.
Alin sa sumusunod ang maaaring dahilan kaya nagpasyang tumakas ang batang lalaki kay Aling Marta?
dahil makukuha na ng pulis ang ebidensiya ng kaniyang pagnanakaw
dahil hindi na niya matiis ang pananakit ni Aling Marta sa kaniya
dahil nalalaman niyang wala naman siyang kasalanan
wala sa nabanggit ang tama
Ano ang nalaman ni Aling Marta nang makauwi na siya sa kanilang bahay?
nalaman ng asawa ang nangyari kaya nagalit ito sa kaniya
naiwan pala niya ang kalupi sa bahay
ang kumuha ng kaniyang pitaka ay ang kaniyang anak
wala sa nabanggit ang tama
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kaisipan o aral ng maikling kuwentong "Ang Kalupi"?
Nasa huli ang pagsisisi.
Huwag nating husgahan ang ating kapwa batay sa panlabas nitong kaanyuan.
Maging matapat sa lahat ng pagkakataon.
Maging maingat sa ating mga gamit.
Elemento ng maikling kuwento na nagbibigay ng kawilihan sa mambabasa sapagkat dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan sa kuwento.
simula
tunggalian
kasukdulan
kakalasan
Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliraning kanyang kakaharapin.
simula
tunggalian
kasukdulan
kakalasan
Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t
ito ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito unti-unting mabibigyan ng solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
simula
tunggalian
kasukdulan
kakalasan
Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay daan sa wakas
simula
tunggalian
kasukdulan
kakalasan
Ang kinahinatnang pangyayari sa kuwento na maaring masaya o malungkot.
simula
tunggalian
kakalasan
wakas
Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba:
Pangarap kong maging isang mahusay na manggagamot, matutupad lamang ito kung ______________________________.
Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba:
Ang ating bayan ay tiyak na uunlad kapag ________________________.
Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba:
Bilang mag-aaral tayo ay maging matapat sapagkat________________.
Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba:
Simulan na natin ang pag-aaral nang mabuti bago _______________.
Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba:
Hindi natin dapat iasa ang ating pag-unlad sa ating pinuno lamang kung gayon,____________________
Punan ang patlang ng angkop na retorikal na pang-ugnay upang
mabuo ang diwa ng mga pahayag.
Ang pakikipagtulungan ng bawat isa ay kailangan ________ malampasan ang kasalukuyang problema ng bansa.
palibhasa
upang
kung
at
Punan ang patlang ng angkop na retorikal na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng mga pahayag.
Hindi pinapayagan ang lahat na lumabas ng bahay ________ delikado ang lumalaganap na sakit na Covid-19.
palibhasa
sapagkat
at
kung
Punan ang patlang ng angkop na retorikal na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng mga pahayag.
Walang pinipiling edad ang maaaring magkaroon ng covid 19 bata man ________ matanda.
o
at
kung
kapag
Punan ang patlang ng angkop na retorikal na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng mga pahayag.
Sa kanyang sipag ________ tiyaga ay naging maunlad ang kanyang pamumuhay.
at
o
kung
kapag
Punan ang patlang ng angkop na retorikal na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng mga pahayag.
Kinagigiliwan siya ng marami _________ ay marunong siyang makisama.
kung
palibhasa
kaya
kapag