No student devices needed. Know more
20 questions
Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na kasabihan ang nagpapatunay dito?
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.
Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal.
Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda
Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.
Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana?
Pagtulong
Pagmamahal
Pakipagkapwa
Pananampalataya
Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano sa sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
Pagiging maalalahanin sa ibang tao
Huwag makinig sa payo ng mga magulang
Maging magalang sa nakatatanda at panauhin
Umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala
Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Dahil;
may bukas na komunikasyon ang pamilya
may respeto ang bawat miyembro ng pamilya
may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya
pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa’t isa
Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
pagtanaw ng utang na loob sa ina
pagpapakita ng pagkamatulungin
pagiging maalalahanin sa kaniyang ina
resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi lamang sa kanilang mahahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pamilyang Yabut?
mababait ang pamilya Yabut
umiiral sa kanila ang pagkamatulungin
may pantay-pantay na pakikitungo sa kapwa
likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapwa
Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
hinahatid sa eskwelahan
laging binibigyan ng pera ang anak
pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
pagiging disiplinado
pagiging matatag sa sarili
walang anumang alitan ang bawat isa
may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon
Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
paghamon sa anak na magtagumpay
pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng pagrespeto sa mga kasapi ng pamilya maliban sa _______________.
Pagmamano sa mga nakatatanda
Pagpilit sa kasapi na maging katulad ng iyong pag-iisip, kilos o paniniwala
Pagsasabi ng "po" at "opo"
Paggalang sa desisyon o kagustuhan ng bawat kasapi
Kinikilala sa Asya na ang mga Pilipino ay isa sa mga lahing may mataimtim at matatag na pananalig sa Panginoon. Anong birtud ang umiiral sa pahayag na ito?
Madasalin
Pagbibigayan
Paggalang
Respeto
Nakagagalit at kung minsan ay gumuguho ang mundo natin kung nasasaktan tayo ng mga taong mahalaga sa atin, ngunit sa kabila ng sakit ay pinipili natin na magpatawad at bigyan sila ng ikalawang pagkakataon. Anong birtud ang umiiral sa pahayag na ito?
Paggalang
Pagmamahal
Pagsuporta
Pag-unawa
Lumaki si Lucas na hindi niya parating nakasama ang kaniyang mga magulang dahil sa trabaho nila. Ang lagi niyang kasama ay ang kaniyang Lola. Halos ito na ang nagpalaki sa kaniya, kaya gagawin niya ang lahat para sa kaniya. Anong katangian ang ipinapakita ni Lucas sa kaniyang Lola?
naaawa siya sa kaniyang lola.
pagpapakita ng pagkamatulungin
labis na pagmamahal para sa kaniyang lola
sinusuklian niya ng kabutihan ang ginawa ng lola
Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong katangian ang pinapairal ng doktor?
matulungin sa kapwa
isang mabait na doktor
may malasakit sa mga nangangailangan
umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa
Anumang pagsubok ay kayang lagpasan kung ang pamilya ay hawak-kamay itong haharapin. Anong birtud ang pinapairal sa pahayag na ito?
Kapit-bisig
Karunungan
Madasalin
Pagsasakripisyo
Tuwing humaharap sa isang sakuna ang bansa, umiiral ang pagtutulungan. Nagaabot ng tulong at donasyon ang pamilya at iba’t ibang ahensiya upang masolusyunan ang problema. Anong birtud ang umiiral sa pahayag na ito?
Maingat na Pagpapasya
Pagbabayanihan
Pananampalataya
Pagpapatawad
Ang mga sumusunod ay ang 3P's na dapat taglayin at papairalin ng mga kasapi ng isang pamilya maliban sa ______________.
Pagmamahal
Pagsusumikap
Pananampalataya
Pagtutulungan
Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang;
Maging matatag ang pamilya.
Maayos ang pagtrato sa bawat isa.
Mapanatili ang respeto sa isa’t isa.
Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.
Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
Pagiging matatag
Pagiging madasalin
Pagiging masayahin
Pagiging displinado
Explore all questions with a free account