No student devices needed. Know more
50 questions
Ito ay hango sa salitang Griyego na "rhetor" na kapwa nangangahulugang "Guro" at "Mananalumpati". Ano ito?
Retorika
Wika
Tayutay
Balarila
Ito ay isang sining na maaaring maipakita sa gamit ang wika, maaaring sa parrang pasulat o pasalita. Ano ito?
Balarila
Sayusay
Tayutay
Pagsasalingwika
Alin ang pangungusap na nagpapakita wastong paggamit ng salitang "nang"?
Ang mga tao ay nagsimulang mag- ingay nang dumating ang mga ayuda.
Binili ni Rosa ang nais na damit nang kanyang ina.
Pinalo nang batang babae ang kanyang kalarong lalaki.
Ang kalsada ay nililinis nang mga tao.
Alin ang pangungusap na wasto ang pagkakagamit ng salitang "pahirin"?
Marie, pahirin mo ang luha sa iyong mga mata.
Luz, dapat ay pahirin mo ng langis ang buo mong katawan.
Pahirin natin ng pulbo ang mukha ni Ana.
Ayaw kong pahirin ng lipstick ang aking mga labi.
Alin ang pangungusap ang nagpapakita ng wastong paggamit ng salitang "kung"?
Nais kung ipabatid sa iyo ang aking nadarama.
Gusto kung makapunta sa iba't - ibang lugar sa Pilipinas.
Alam kung ikaw ay may pagtingin din sa akin.
Kung malapit ka lang sana, ako na mismo ang syang pupunta sa iyo.
Alin ang ang pangungusap na nagpapakita ng wastong paggamit ng salitang "daw"?
Ayaw daw ni Marissa na nahuhuli sa klase.
Madami daw ang tao sa palengke kahapon.
Rey! Ang sabi mo daw kay Juan ay hindi ako magtatagumpay sa buhay.
Huwag daw tayong sasagot sa kahit sinong nakatatanda sa atin.
Alin ang pangungusap na nagpapakita ng wastong paggamit ng salitang "punasan"?
Nena, maaari mo bang punasan ang salamin?
Sana ay magawang punasan ni Mario ang putik sa kanyang sapatos bago pumasok sa paaralan.
Punasan mo naman ang dumi sa iyong mukha bago ka lumabas ng bahay.
Punasan na natin ang mga alikabok sa mga upuan upang magamit na ang mga ito.
Ito isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ano ito?
Pangungusap
Panaguri
Retorika
Tayutay
Ito ang bahagi ng pangunngusap na nagbibigay ng impormasyong tungkol sa simuno. Ano ito?
Parirala
Sugnay
Simuno
Panaguri
Ito ay tinatawag na "subject" sa Ingles. Ano ito?
Panaguri
Pandiwa
Simuno
Pangungusap
Ano ang uri ng pangungusap ang tinutukoy sa pangungusap?
Ano ang iyon ulam?
Paturol
Patanong
Pautos
Padamdam
Ano ang uri ng pangungusap ang tinutukoy sa pangungusap?
Ako ay mahilig maglakad sa tabing- dagat.
Paturol
Patanong
Pautos
Padamdam
Ano ang uri ng pangungusap ang tinutukoy sa pangungusap?
Tulong! Tulungan po ninyo ako!
Paturol
Patanong
Pautos
Padamdam
Ano ang uri ng pangungusap ang tinutukoy sa pangungusap?
Pakikuha mo naman ako ng isang basong tubig.
Paturol
Patanong
Pautos o Pakiusap
Padamdam
Ano ang uri ng pangungusap ang tinutukoy sa pangungusap?
Linisin mo ang mga ikinalat mo sa kwarto.
Paturol
Patanong
Pautos o Pakiusap
Padamdam
Ito ay tinatawag na verb o action words sa Ingles. Ano ito?
Pang- abay
Simuno
Pangngalan
Pandiwa
Ano ang kayarian ng pangungusap sa ibaba?
- Ako ay may lobo.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapang- pangungusap
Ano ang kayarian ng pangungusap sa ibaba?
- Ako ay may lobo ngunit ito ay lumipad sa langit.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapang- pangungusap
Ano ang kayarian ng pangungusap sa ibaba?
- Kung ako sayo, hindi ako bibili ng lobo.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapang- pangungusap
Ito ay ayos ng pangungusap na kung saan nasa unahan ang simuno at ang kasunod ay ang panaguri. Ano ayos ito ng pangungusap?
Karaniwang ayos
Di- karaniwang ayos
Maayos
Wala sa ayos
Ano ang maaaring kahulugan ng salawikaing sa ibaba?
- Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.
Ano man ang iyong pangarap simula ng ikaw pa ay bata mananatili ito sa iyo hanggang sa pagtanda.
Ang mga ginagawa mo ng bata, mabuti man ito o masama ay maaring madala niya hanggang sa siya ay tumanda.
Ang pagkakaroon ng pag- iisip na gaya ng sa bata ay nadadala hanggang sa pagtanda.
Ang mga pasaning problema simula bata pa lamang ay dala hanggang sa pagtanda.
Ano ang maaaring kahulugan ng salawikaing sa ibaba?
- Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Mas maigi ng makipag biruan ka sa lasing kaysa sa bagong gising sapagkat karaniwang masungit ang mga bagong gising lalo na't kung siya ay puyat o naistorbo ang kanyang pagtulog.
Palabiro ang mga lasing di gaya ng mga bagong gising na bugnutin.
HIndi marunong umunawa ng biro ag mga taong kagigising lang kaya't kung gusto mo sumaya makipagbiruan ka na lang sa mga lasing.
Pangit ka- bonding ang mga bagong gising
Ano ang nais ipakahulugan ng sawikain na nakasaluungguhit sa ibaba?
- Matalas ang ulo ng aking kaklaseng si Roland.
Matapang
Matalino
Mayabang
Matalim
Ano ang nais ipakahulugan ng sawikain na nakasaluungguhit sa ibaba?
- Masaya ang naging pag- iisang dibdib nina Rowell at Zarlin.
Operasyon
Kasal
Pag- uusap
Pagtatanan
Ano ang nais ipakahullugan ng kasabihan na nasa ibaba?
- Ako ang nagbayo, iba ang nagsaing.
Madami ang tamad sa mundo
Ikaw ang nagpagod ngunit hindi ikaw ang nakinabang
Ikaw ang naghirap ngunit di ka makakapagluto
Mahirap magtiwala
Anong tayutay ang tinutukoy ng pangungusap sa ibaba?
- Ang kanyang kutis ay niyebe.
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagpapalit- tawag
Anong tayutay ang tinutukoy ng pangungusap sa ibaba?
- Ang kanyang kagandahan ay tulad ng rosas sa aming hardin.
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagpapalit- tawag
Anong tayutay ang tinutukoy ng pangungusap sa ibaba?
- Bumaha ng luha ang pamilya ni Marissa na siya ay makapasa sa Board Exam.
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagpapalit- tawag
Anong tayutay ang tinutukoy ng pangungusap sa ibaba?
- Ang galing mo naman, wala ka man lang kahit isang tamang sagot.
Pag- uyam
Pagtanggi
Paghihimig
Tanong Retorikal
Ito ay sinasadyang paglayo sa paggamit ng pangkaraniwang salita upang maging kaakit- akit, maharaya at mabisa ang pagpapahayag.
Retorika
Pagsasalingwika
Tayutay
Balarila
Ito ay sining ng paglilipat sa ibang wika ng diwa o mensaheng isinasaad ng orihinal na taksto. Ano ito?
Balarila
Retorika
Tayutay
Pagsasalingwika
Ang sansali- bawat- sansalita ay tinatawag sa Ingles na ano?
Word- to- word
Word- for- word
Word- is- word
Word- from- word
Ano ang sansalita- bawat- sansalita na pagsasalin ng wikang nasa ibaba?
- Mother bought us bread.
Nanay binili kami tinapay
Si nanay ay bumili ng tinapay para samin.
Bumili si nanay ng tinapay namin.
Ang nanay ay bumili para sa amin ng tinapay.
TAMA o MALI.
Ang isang tagapagsalin ay marapat lamang na may sapat na kaalaman dalawang wikang gagamitin sa pagsasalin.
TAMA
MALI
TAMA o MALI.
Ang isang tagapagsalin ay dapat na mayroon kaalaman sa kultura ng dalawang bansa na kaugnay sa pagsasalin.
TAMA
MALI
Sino ang aliping Griyego na nagsalin ng Odyssey ng patula sa wikang Latin na may orihinal na wikang nakasulat sa salitang Griyego?
Homer
Andronicus
Savory
Iliad
Ito ay tinuturing na may pinaka malayang anyo ng pagsasalin. Ano ito?
Adaptasyon
Malaya
Matapat
Komunikatibong Salin
Ito ay tinatawag na pang- uri sa Ingles. Ano ito?
Verb
Adjective
Adverb
Noun
Anong tayutay ang tinutukoy ng pangungusap sa ibaba?
- Ang biglaang pag kring ng telepono ni Ginang Reyes ang gumulat sa klase.
Pag- uyam
Pagwawangis
Paghihimig
Pagpapalit- saklaw
Ito ay tumutukoy sa mga pahayag na nagbibigay- gabay sa mga tao. Ito ay mga pahayag na nanggaling sa mga kilalang tao. Ano ito?
Salawikain
Sawikain
Idyoma
Kasabihan
Ito ay metodo ng pagsasalin na kung saan ay pinagtutuunan ang aesthetic value. Ano ito?
Saling Semantiko
Malaya
Komunikatibong salin
Matapat
Tinatawag din itong sayusay, ano ito?
Retorika
Balarila
Tayutay
Pagsasalingwika
Ito ay nagdudulot ng kawastuhan sa oahayag o pangungusap. Ano ito?
Tayutay
Retorika
Balarila
Pagsasalingwika
Ang salitang balarila ay tinatawag na ______ sa wikang Ingles. Ano ito?
Clause
Verb
Grammar
Sentences
Ito ay uri ng pagpapahayag na kung saan ang hangarin nito ay pagsunud- sunurin ang mga pangyayari upang makagawa ng isang buong salaysay.
Deskriptibo
Naratibo
Ekspositori
Argumentatibo
Alin ang buong simuno sa pangungusap.
- Ang mga kabataan ay nagwawalis kalsada upang mapanatili ang kaalinisan sa lugar.
Ang mga kabataan
Kabataan
Kalsada
Nagwawalis
Alin ang buong panaguri sa pangungusap?
- Ang aking nanay ay naglalaba sa ilog
Aking nanay
Ang aking nanay
Naglalaba
Ay naglalaba sa ilog
Alin ang pang- uri sa pangungusap?
- Ang kanyang mukha ay maaliwalas sapagkat siya'y wala ng problema.
Ang kanyang mukha
Wala ng problema
Maaliwalas
Ay maaliwalas sapagkat siya'y wala ng problema
TAMA o MALI
Ang pangungusap ay binubuo ng simuno at panguri.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Ang wastong gamit ng mga salita ay mayroong kaugnayan sa balarila.
TAMA
MALI
Explore all questions with a free account