10 questions
1. Sino ang nagsisilbing haligi ng pamilya
Ina
Ama
Nakakatandang anak
Kuya
2. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
b. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
3. . Ano ang implikasyon ng pangungusap?
“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”
a. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at tungkulin nito.
b. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran.
c. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya; hindi kailangang sumabay sa mga pagbabagong ito ang pamilya.
d. Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na ng pamahalaan ang pangangalaga sa mga karapatan nito.
4. “Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang __________
a. Mabuting nilalang
b. Panlipunang nilalang
c. Makabuluhang nilalang
d. Pampamilyang nilalang
5. Ayon kay Esteban (1989), ang isang pamilya sa isang munting lipunan. Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang __________
a. Makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan
b. Mag-aral at ng makapag trabaho nng maayos para umunlad ang buhay.
c. Magpatulong sa iba upang matugunan ang pangangailangan
d. Manghingi sa kapwa pamilya at sa lipunan sa araw-araw na pangngailangan
6. Nagsimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan sa loob ng _______
a. Paaralan
b. Simbahan
c. Pamilya
d. Lipunan
7. Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa bago ang debosyon sa pamilya. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging ____________
a. Maka-tao
b. Maka-Diyos
c. Maka-sarili
d. Maka-bayan
8. Ang pagiging bukas palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing ___________
a. Panlipunan
b. Pangkabuhayan
c. Pang-kaunlaran
d. Pang-paaralan
9. Ang pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang ay tinatawag na _________
a. Political intention
b. Political dimention
c. Political program
d. Political dynasty
10. Tungkulin ng pamilya na sikaping maging pantay ang turing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay.
Alin sa mga ito ang tinutukoy ng pangungusap?
a. Respituhin
b. Kalabanin
c. Pagtutulungan
d. Indibidwal ng pagsisikap