No student devices needed. Know more
47 questions
Ito ay sang sangay ng panitikan kung saan naging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao.
A. karunungang bayan
B. alamat
C. kuwentong bayan
D. nobela
Ano ang ibig ipagkahulugan ng "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
A. Gantihan mo ng kasamaan ang ginawa sa iyo.
B. Hindi masakit kapag tinamaan ka ng tinapay.
C. Kabutihan pa rin ang isukli kahit kasamaan ang ginawa sa iyo ng iyong kapw
D. Ang mabuti ay mabuti at ang masama ay masama.
Nagkatotoo ang tinuran mo sa kaniya. Ikaw ay ______.
A. nagdilang aso
B. nagdilang kalabaw
C. nagdilang pusa
D. nagdilang anghel
Ano ang ibig ipabatid ng kasabihang ito? “Ang anumang pagpapasiya ay ikapitong beses isipin.”
A. Pitong beses na mag-isip
B. Bilangin ang iniisip
C. Pag-isipan ng pag-isipan
D. Pag-isipang mabuti ang kapasyahan
Maliit na parang sibat, sandata ng pantas. Ano ang tinutukoy ng palaisipan?
A. sibat
B. tulos
C. panulat
D. pantusok
Ano ang hinuha na maaring kalabasan kapag mapula ang lubugan ng araw?
A. Mapula ang langit.
B. Mas mahaba ang gabi kaysa sa araw.
C. Mas mahaba ang araw kaysa sa gabi.
D. May darating kalamidad tulad ng bagyo
Ang pangunahing kaisipan ay kadalasang makikita sa bahagi ng ____.
A. gitnang talata
B. hulihan ng talata
C. unahan o hulihang talata
D. lahat ng binanggit
Anong uri ng pagkakahulugan ang pahayag na, “Siya ay nasa banig ng karamdaman."
A. denotatibo
B. konotatibo
C. koloboratibo
D. elaboratibo
Ano ang pagkakahulugan ng lipad ng saranggola?
A. Pag-abot ng iyong pangarap
B. Pagbagsak ng iyong pangarap
C. Kung gaano kataas ang hinahangad sa pangarap, ganun din kapag bumagsak
D. Ayos lang ang buhay kahit di nakamit ang pangarap
Sa awiting” Ang Bayan ko” na gumamit ng salitang ibon ito ay sumisimbolo sa _________________.
A. kulungan
B. pagkakaisa
C. kapatawaran
D. kalayaan
Iba’t ibang Pilipino ang makikinig sa iyo sa lokal na komprehensiya kung kayat upang madali ka nilang maunawaan ay dapat gumamit ka ng _______ .
A. balbal
B. kolokyal
C. pambansa
D. pampanitikan
Dumalo ka sa isang pandaigdigang palihan at ikaw ay isa sa tagapagsalita kung kayat nararapat gamitin ay wikang _______ .
A. Balbal
B. Kolokyal
C. pambansa
D. wikang pandaigdigan
Para sa tanong na ito: Punan ng angkop na ekspresyon ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito.
______ DepEd Secretary patuloy na naghahanda ang Kagawaran ng Edukasyon sa limited face to face.
A. Batay sa
B. Ayon kay
C. Akala niya
D. Baka sakali
Para sa tanong na ito: Punan ng angkop na ekspresyon ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito.
_______ ulat na napakinggan ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayan na nagkakaroon ng bagong variant ng COVID19.
A. Batay sa
B. Ayon kay
C. Akala niya
D. Baka sakali
Para sa tanong na ito: Punan ng angkop na ekspresyon ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito.
Kung _________ mo ay sasang-ayon siya ng ganun na lamang ay nagkakamali ka..
A. batay sa
B. ayon kay
C. sa akala
D. baka sakali
Sa pagsasalaysay ng isang kuwento ang simpleng balangkas na dapat mong isagawa sa pagkakasunod-sunod ay ________ .
A. wakas, gitna at simula
B. gitna, wakas at simula
C. simula, gitna at wakas
D. wakas, simula at gitna
Alin sa mga pangyayari ang maaaring maging bunga ng paglala o patuloy na pagtaas ng mga namamatay dahil sa COVID19.
A. Takot magpabakuna ang mga Pilipino.
B. Mahigpit na pagsunod sa health protocol.
C. Pakikiisa sa oplan bakuna laban sa COVID19.
D. Pagsunod sa social distancing.
Nagsasalikupan ang malalaking sanga kung kayat nayuyungyungan ang liwanag. Higante ang mga puno na kayang-kayang takpan ang buo mong katawan para magtago. Kailangan mong mag-ingat sa lugar na ito dahil maraming nananahang mababangis na hayop. Ang lugar na inilalarawan ay isang _____.
A. lungsod
B. kabayanan
C. komunidad
D. kagubatan
Makikita mo dito ang isang transportasyon na parang uod kumilos. Matataas na gusali ng iba’t-ibang komersiyo. Masikip sapagkat siksikan ang mga tao.
A. lungsod ng Nueva Ecija
B. lungsod ng Olonggapo
C. lungsod ng Baguio
D. lungsod ng Maynila
Sinasabi na noon ay isang masayang paliguan ito maliban sa transportasyon ng mga taong galling lungsod patungo sa ibang karatig probinsiya. Maraming nahuhuling isda dahil malinis ang tubig. Subalit sa paglipas ng panahon ay naging kulay tsokolate na ang tubig at maraming naglulutangang basura. Subalit, sa kasalukuyang panahon ay pilit itong nililinis at ibinabalik sa dating ganda. Ano ang ilog ang inilalarawan sa talata?
A. Ilog ng Bulacan
B. Ilog ng Angat
C. Ilog ng Hagonoy
D. Ilog ng Pasig
Ano ang ibig sabihin ng nasa banig ng karamdaman?
A. natural na tamad
B. nagdadahilang maysakit
C. may karamdaman o may sakit
D. tinatamad kaya nagsasakit-sakitan
Narinig mong sinabi ng iyong ina na magbibilang ka na naman ng poste. Ang ibig sabihin nito ay ___________.
A. Bilangin mo ang mga poste sa harap ng inyong bahay
B. Ayusin mo ang poste ng kuryente
C. Wala ka pang trabaho.
D. Ikaw ay batugan
Paano mo bibigyan ng eupimistikong pahayag ang isang taong patay na hindi tuwirang binabanggit ang literal na pahayag nito?
A. inutas ang buhay
B. nagpakamatay
C. pantay na ang mga paa
D. namaluktot na
Madalas ang pagsabog ng Bulkang Mayon nitong mga nakaraang buwan. Maraming residente ang nagsilikas sa kani-kanilang tahanan. Ano ang mahihinuha mong maaaring mangyari?
A. Babaha sa kanilang lugar.
B. Mauubos ang kanilang alagang hayop.
C. Magkakaroon ng lindol at sila ay matatabunan.
D. Tatangayin ng malakas na hangin ang mga bubong.
Bakit hindi dapat ipagwalang bahala ang sinabi ng mga siyentipiko hinggil sa pagbabago ng klima?
A. Matindi ang climate change.
B. Maraming mawawalan ng trabaho.
C. Magpapalit ng panahon ang bawat bansa.
D. Tatangayin ng malakas na hangin ang mga bubong.
Ayon sa mga matatanda noon, ang tag-ulan ay maagang nagsisimula pagpasok pa lamang ng buwan ng Mayo. Subalit, sa kasalukuyang panahon ay natatapos na ang buwan ng Mayo ay lubhang napakainit pa rin at bihira ang pag-ulan o minsan ay hindi umuulan. Anong hinuha ang nais ipahiwatig nito?
A. Nagbabago ang ugali ng mga tao dahil sa nagbabago ang panahon.
B. Ito ay sanhi ng pagbabago ng klima o climate change.
C. Ito ay dahilan ng pag-iinit ng mundo.
C. Ito ay dahilan ng pag-iinit ng mundo.
Anong hinuha ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito, ang sobrang init na naiipon sa mundo ay magiging sanhi ng pagkalusaw ng mga bundok ng yelo at niyebe na magpapaapaw sa mga karagatan?
A. Magkakaroon ng bagong isla sa paglitaw ng bagong bundok.
B. Lulubog ang mga lupang nasa baybayin ng dagat.
C. Patuloy na iinit ang mundo
D. Gaganda muli ang daigdig.
Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag?. “ Ang aking inisip na dahilan ay katulad ng sa iyo. Kaya mabuti pang pag-isahin na lamang natin ang ating opinyon na sasabihin.”
A. pagsalungat
B. hindi pagpayag
C. pag-aatubili
D. pagsang-ayon
Sa kuwentong Impeng Negro, anong mahalagang kaisipan ng pangyayari ang maiuugnay sa kaganapan sa sarili, lipunan at daigdig?
A. Ang pagiging agwador ni Impen.
B. Ang pagiging mabuting tao ni Ogor.
C. Ang pagiging huwarang ina ng nanay ni Impen.
D. Ang kulay ni Impen ay palaging tampulan ng tukso at panunudyo.
Ibig kong magsaka na ang aanihin, ikabuhay ko may sa pawis ko galing. -Rogelio Sicat, Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda hinggil sa pahayag?
A. Paghingi ng tulong sa kamag-anak
B. Gawaing dapat tapusin ng mag-isa.
C. Pagsisikap na makahingi ng tulong sa iba.
D. Pansariling pagsisikap sa paggawa na hindi humihingi ng tulong sa iba.
Sa pag-uusap, narinig mo ang salitang keribels at upang malaman mo ang kahulugan nito ay pinagmasdan mo ang kilos at galaw ng nag-uusap. Nalaman mo ang katumbas ng salitang ito ay _______.
A. Nakuha o naunawaan ob a?
B. Itanong ob a?
C. Naibigay ob a?
D. Nakakatuwa naman.
Nagbabasa ka ng tula at may mga pahayag kang hindi lubusang nauunawaan dahil kailangan mo pang kuhanin ang kahulugan niyo ayon sa gamit ng pagpapahayag. Anong uri ng wika ito?
A. Balbal
B. Kolokyal
C. Pambansa
D. Pampanitikan
Madalas naiiwang bukas ang gripo, kaya siguro tumaas ang kuryente. Ito ay isang ______________.
A. katotohanan
B. hinuha
C. balita
D. interpretasyon
Para sa tanong na ito (4 puntos): Ibigay ang wastong pagkakasunud-sunod ng pangyayari gamit ang letra A hanggang D.
A. Sa huli, naging isang halaman si Pina at ang bunga ay puno ng mga mata.
B. Nagkasakit ang ina ni Pina kaya hindi makagawa ng mga gawaing bahay.
C. Nagalit ang ina ni Pina sa kaniya dahil hindi makita ang sandok.
D. Kung kaya’t tinawag niya ang anak na noon ay naglalaro upang utusang hanapin ang sandok.
BDCA
CBDA
ACBD
ABCD
Anong hugot ang dapat maglarawan sa isang Pilipinong nagtataksil sa kaniyang bayan?
A. May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano–ang ating sarili.”
B. “Ikaw ang aking mahal, hindi siya”
C. “Kapag puno na ang salop, dapat ng kalusin”
D. “Eh, di ikaw na nga.”
Ano ang ibig ipagkahulugan ng pahayag na ito sa isang pelikula, “Isang ngiti. Isang sorry. Nakukuha mo na ako. Matalino akong tao. Pero pagdating sa iyo nagiging tanga ako.”
A. Labis na pagmamahal sa taong iniibig.
B. Katangahan sa pag-ibig.
C. Walang pakialam
D. Hindi nag-iisip.
Anong hinuha ang nais ipabatid ng mahalagang aral mula sa pahayag na ito?
Ang laki sa layaw, karaniway hubad.
Sa bait at muni sa hatol ay salat.
Masaklap na bunga ng mailng paglingap,
Habag ng magulang sa irog na anak.
A. Ang maling pagpapalaki at pag-aaruga sa anak ay nagbubunga ng kapahamakan.
B. Ang pagmamahal ng magulang ay lubhang mahalaga.
C. Dapat sinusunod ng magulang ang lahat ng magustuhan ng anak.
D. Nilulunggating pangarap ng mga magulang ang maibigay ang lahat ng pagmamahal sa kanilang anak.
Ang pahayag mula sa madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante ay nangangahulugang _____.
A. walang kalayaan at busabos kalagayan ng mga Pilipino sa kaniyang bansa sa panahong iyon.
B. madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa ng panahong iyon
C. mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng sambayanan
D. ang kasayahang bumabalot sa kagubatan
Kapag ang ekspresyong ito ay iyong nadinig, “ang balang bibig na pinagmumulan ng sabing magaling at katotohanan” ay nangangahulugang ______.
A. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukwento tungkol sa buhay ng may buhay.
B. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa pagmamalabis ng mga mananakop.
C. Ang mga Espanyol na naglalahad ng mabuting plataporma ng kanilang pamumuno sa ating bansa ay isang pagsisinungaling.
D. Ang mga taong nag-aabang upang makagawa ng masama sa kanilang kapwa.
Para sa tanong na ito: Suriin ang pahayag na ito at tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit.
Ang pag-ibig ko sa iyo ay singliwanag ng mga sinag ng araw na dumaraan sa putikan subalit hindi nadurumihan.
A. pagsasatao
B. pagtutulad
C. eksaherasyon
D. pagtatambis
Para sa tanong na ito: Suriin ang pahayag na ito at tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit.
Ngumingiti ang mga bituin sa iyong kagandahan.
A. pagsasatao
B. pagtutulad
C. eksaherasyon
D. pagtatambis
Ano ang pinakapangunahing kaisipan ng Florante at Laura bilang isang klasikong akda para sa mga mamamayang Pilipino.
A. Mahusay makipagkapwa tao ang mga Pilipino kung kayat tinangkilik at pinaubaya sa mga Kastila ang pamamalakad sa bansa.
B. Ang bansang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila upang paunlarin ang bansa.
C. Pagkakasundo’t pagkakaisa ng mga Pilipino sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala at relihiyon.
D. Isang malaking pagkakamali at tanggapin ng mga Pilipino ang Kastila.
Umayon ang pagkakataong masalisihan niya ang bantay na kakaalis pa lamang. Mabilis siyang lumapit ng walang ingay upang kalagan ang nakataling kaibigan. Maingat na sumilip sa pintuan bago tuluya silang lumabas. Ano ang ipinakikitang motibo ng tauhan?
A. Iligtas ang kaibigan mula sa bumihag.
B. Ilayo ang minamahal sa kapahamakan.
C. Ipakita ang pagiging bida ng tagapagligtas.
D. Ipamalas ang katapangan sa pagiging bida.
Pansamantalang hindi siya natinag at nanlalaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang nasaksihan. Napaluha siya hanggang sa umiyak at nangingig ang buong katawan. Ano ang damdaming namamayani sa tauhan?
A. Napaiyak sa kaligayahan.
B. Nagulat dahil sa isang sopresa.
C. Lubhang takot na takot sa nakita.
C. Lubhang takot na takot sa nakita.
Kung ikaw ay magbibigay puna sa kambal mong kapitbahay na magkamukha. Ano ang angkop na pahayag na dapat mong sabihin.
A. Sila ay pinagbiyak na bunga.
B. Sila ay kambal sa una.
C. Sila ay kambal tuko.
D. Sila ay magkapatid.
Sino ang tinutukoy sa pahayag. “Hinuhulma kayo ayon sa inyong kasanayan. Pilit itinuturo ang tama upang kayo ay maging mabuti. Kahit pa sabihing maliit ang sweldo ay hindi patitinag sa pag-agapay at pagtuturo sa mga kabataan.”
A. Pari
B. Manggagamot
C. Guro
D. Pulis
Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng mabuting pahayag?
A. Tutol ako sa iyong mungkahi.
B. Bahala ka sa iyong mungkahi.
C. Walang halaga ang iyong mungkahi.
D. Iginagalang ko ang iyong mungkahi. Subalit, higit na mabuti kung papakinggan muna natin ang lahat na magbigay ng kani-kanilang mungkahi.
Explore all questions with a free account