No student devices needed. Know more
20 questions
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental maliban sa:
a. Nagsisilbi itong libangan at pampalipas ng oras.
b. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
c. Nagpapataas ito sa presyo ng mga bilihin sa palengke.
d. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.
2. Paano makatutulong sa pagsugpo ng mga polusyon sa hangin at kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Nagsisilbing palamuti sa tahanan at pamayanan
b. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
c. Nagpapaunlad ng pamayanan.
d. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
3. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Nakapagpapaganda ito ng ating kapaligiran.
b. Nakapagbibigay ito ng sariwang hangin at sumusugpo sa polusyon.
c. Nakapagpapaunlad ito ng kabuhayan.
d. Lahat ng nabanggit.
4. Nagtanim ng halamang ornamental ang mga batang nasa ikaapat na baitang. Anong kabutihan ang maidudulot nito sa kanila?
a. Magandang ehersisyo para sa kanilang katawan.
b. Mabuting gawain
c. Nalibang sila
d. Lahat ng nabanggit.
5. Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahang nakukuha sa pagtatanim ng halamang ornamental maliban sa isa;
a. Karagdagang kita sa pamilya
b. Dagdag na gawain
c. Mabuting paraan ng pag-aliw
d. Nakapagpapaganda ng paligid.
Ang mga sumusunod ay ang mga kabutihang dulot ng pagpaparami ng halamang ornamental. Isulat ang titik sa mga sumusunod na pangungusap ayon sa akmang kahulugan ng mga ito.
6. Ang mga punong ornamental ay kumakapit sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa.
a. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nakaiiwas sa polusyon
c. Napagkakakitaan
d. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
e. Nakapipigil ng pagguho ng lupa
7. Sa pagamit ng mga halaman/punong ornamental naiiwasan ang mga polusyon sa kapaligiran tulad ng usok sa sasakyan, sinigaang basura, masasamang amoy na kung saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.
a. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nakaiiwas sa polusyon
c. Napagkakakitaan
d. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
e. Nakapipigil ng pagguho ng lupa
8. Ang mga halamang ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree at marami pang iba ay nakatutulong upang masilungan ng tao lalo na kapag sobrang init ng panahon.
a. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nakaiiwas sa polusyon
c. Napagkakakitaan
d. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
e. Nakapipigil ng pagguho ng lupa
9. Maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi naitanim o napunla o ang mga tanim na halaman sa paso, sa mga plastic bag o lata.
a. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nakaiiwas sa polusyon
c. Napagkakakitaan
d. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
e. Nakapipigil ng pagguho ng lupa
10. Ang halamang ornamental ay nakatatawag pansin sa mga dumadaan na tao sa paligid, tahanan, parke, hotel, mall at iba pang lugar.
a. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nakaiiwas sa polusyon
c. Napagkakakitaan
d. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
e. Nakapipigil ng pagguho ng lupa
Sagutin ng tama o mali ang sumusunod na pangungusap.
11.Mahalaga ang pagbabalak ng gawain bago ito simulan.
Tama
Mali
12.Mahirap isakatuparan ang mga gawain kapag nakaplano.
Tama
Mali
13.Ang disenyo o plano ay isang gabay sa pagsasaayos ng pagtatanim ng mga halamang ornamental.
Tama
Mali
14. Kailangan ang pagpaplano ng gawain para maging maganda ang kalalabasan ng disenyong gagawin.
Tama
Mali
15. Ang pagpaplano ay nakaaabala sa paggawa at pagsasaayos ng mga halamang ornamental.
Tama
Mali
16. Ano ang tawag sa paghahanda ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. Vegetable gardening
b. Landscape gardening
c. Floral arrangement
d. Urban gardening
16. Nais mong magtanim ng halamang ornamental sa ayos na welcome, saan mo ito dapat isagawa?
a. Harapan ng bahay
b. Likod ng bahay
c. Kanang gilid ng bahay
d. Kaliwang gilid ng bahay
18. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
a. Upang mapabilis ang paglaki ng mga halaman
b. Upang maisakatuparan ang proyekto nang wasto
c. Upang maibenta kaagad ang mga produkto
d. Upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit.
19. Anu-ano ang mga dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng halamang ornamental?
a. Magkasingkulay na halaman
b. Magkaka-uring halaman
c. Magkasinglaking halaman
d. Lahat ng nabanggit
20. Alin ang mga halamang lumalaki at yumayabong?
a. Kalachuchi
b. Ilang-ilang
c. Balete
d. Lahat ng nabanggit
Explore all questions with a free account