No student devices needed. Know more
20 questions
Tirik ang araw noong araw na iyon subalit malamig sa masukal na kagubatan.
katanghalian
hatinggabi
madaling-araw
dapit-hapon
Magaganap ang isang masayang pag-iisang dibdib sa tribong iyon.
kaarawan
binyag
kasalan
pagtitipon
Nagtutuksuhan ang kababaihan dahil ayon sa kanila, malapitt nang maging ilaw ng tahanan ang isa sa kanila.
tiya
lola
ina
guro
Gayundin naman ang kalalakihan, dahil sa wakas, magkakaroon na ng sariling pugad ng pagmamahalan ang kanilang pag-iibigan.
tahanan
bahay
papeles
katibayan
Ilan kaya ang magiging bunga ng pagmamahalan ng mga ikakasal?
kasagutan
bisita
matalik na kaibigan
anak
Dapat na maging masipag at matatag ang haligi ng tahanan para sa buong pamilya.
lolo
ama
tiyo
kuya
Handa na si Samuel na magaroon ng kapilas ng buhay.
kaaway
kaibigan
asawa
pagsubok
Itinakda na ang araw ng paglagay sa tahimik nina Samuel at Ruth.
pagsumpa
kasal
pagmamahal
pagsasama
Naging matapat si Samuel sa paghingi ng kamay ni Ruth.
tuluyang pamamaalam
pagbibigay ng permiso
paglalahad ng intensiyon
pagpapaalam na magpapakasal
Ipinagmalaki ni Aling Beth na busilak ang puso ng kanyang na si Ruth.
maputi
mabuti
malinis
mapagkumbaba
Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo at iluluwa kapag napaso.
Nagbibilin ang pahayag na ito na:
Mahalagang isipin muna kung may pagkaing pagsasaluhan ang mag-asawa.
Magkakaroon ng hindi magandang bunga ang pag-aasawa nang maaga.
Importanteng maging maingat sa pagpili ng petsa at araw ng pagpapakasal.
Dapat na pag-isipang mabuti ang pag-aasawa dahil malaking responsibilidad ito.
Tandaan kung ano ang lakad ng alimangong matanda, siya ring lakad ng alimangong bata.
Pinaaalalahanan nito ang mga nakakatatanda na:
Pareho lamang sila ng mga ikinikilos ng mga nakababata.
May sariling katangian ang mga nakababata kaya huwag silang pakialaman.
Maging maingat sa pagkilos dahil ginagaya sila ng mga nakababata.
Magpakabait sila sa mga makabagong kabataan sa kasalukuyan.
Habang maiksi ang kumot matutong mamaluktot. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na:
Magpayaman muna bago isipin ang pag-aasawa.
Maikli lamang ang buhay kaya dapat lamang magpakasaya.
Maraming tao ang gumagastos nang higit sa kanilang kinikita.
Matutong magtiis at magtiyaga hanggang wala pang sapat na kakayahan.
Ang pagsasama nang tapat, pagsasama nang maluwat.
Nagpapaalala ang pahayag na ito na:
Makabubuting kalimutan na ang pakikisama nang tapat.
Kung makikisama, dapat tiyaking matagal ang pagkakaibigan.
Mahalaga ang pagiging matapat upang magtagal ang samahan.
Tiyakin munang magtatagal ang samahan bago maging matapat
Kung may hirap, may ginhawa.
Nagbibigay ng pag-asa ang pahayag na ito sa mga taong:
Nagpapahalaga sa masikap na pag-aaral at paggawa
May tapat na pagmamalasakit sa kapuwa at sa bayan
Nagsisikap sa buhay at hindi sumusuko sa mga pagsubok
Nagpapakita nang pagpapahalaga sa panalangin at paggawa
16. …ibig naming idulog sa inyo ang nais ng aming kaisa-isang anak na si Samuel.
Pagpapaalam dahil may pupuntahan
Pangungumusta sa mahahalagang bagay
Paghingi ng opinion tungkol sa isang plano
Paghingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan
Bukas po ang aming tahanan sa inyo.
Kahandaan sa pagtulong
Maligayang pagtanggap sa bisita
Kahusayan sa pag-aayos ng bahay
Napipilitang pagpapatuloy sa bahay
Nabanggit nga po ng dalaga namin sa aming magkabiyak na darating kayo ngayong gabi.
Pagkagulat sa pagdating ng bisita
Kasiyahan sa pagtanggap sa mga tao
Inaasahang pagdating ng mga panauhin
Kalungkutan sa pagpunta ng mga mag-anak
Pakaisipin ninyo ng isandaang beses bago kayo mapasubo sa isang bagay na hindi na mauurungan.
Pagpapaalala sa gagawing desisyon
Pagtutol sa plano ng magkasintahan
Pagwawalang-bahala sa pinag-uusapan
Pagsang-ayon sa pagpapakasal ng dalawa
Kung gayon, pag-usapan na natin ang gagawing paghahanda para sa mahabang dulang.
Pag-uusap sa gagawing handaan
Paghingi ng magarbong pagdiriwang
Pakikipagkasundo sa nakaaway na tao
Pagpili ng magagandang gamit pangkasal
Explore all questions with a free account