No student devices needed. Know more
10 questions
1. Alin sa sumusunod na mga pangyayari sa Florante at Laura ang inilalarawan ng saknong sa itaas?
A. Pakikipaglaban ni Florante kay Heneral Osmalik
B. Pagliligtas ni Flerida kay Laura
C. Pakikipaglaban ni Florante kay Heneral Miramolin
D. Pagliligtas ni Aladin kay Florante
2. Anong kabiguan sa buhay ni Florante ang may malalaking pagkakahawig sa kabiguan ni Balagtas?
A. pagtataksil ng kanyang mga kababayan sa Albanya
B. pagkakamatay ng kanyang ina sa kanyang murang edad
C. pagiging biktima ng kawalang-katarungan sa kamay ni Adolfo
D. pagkakaroon ng naiibang kwento ng pag-ibig
3. Alin sa sumusunod na pangyayari sa Florante at Laura ang maaaring magturo sa atin na kailangan nating magingat sa pagbibigay ng ating tiwala sa ibang tao?
A. pagliligtas ni Aladin kay Florante
B. pagkakapugot kay Duke Briseo
C. pagtatangka ni Adolfo sa buhay ni Florante
D. pagtatangka ni Adolfo sa puri ni Laura
4. Sa iyong palagay, anong klase ng tao ang pinatutungkulan sa huling bahagi ng saknong 285 sa itaas?
A. mga taong labis kung umibig
B. mga taong nagmamagaling
C. mga taong masyadong mayabang
D. mga taong walang pinag-aralan
5. Ang saknong sa itaas ay nabanggit ni Aladin habang kausap si Florante sa loob ng gubat. Kung pagbabatayan ang nilalaman ng saknong, ayon kay Aladin, ano ang pinanggagalingan ng kabalitaang tapang ng isang gerero?
A. minsanang pagkakapanalo sa isang laban
B. ang takot ng mga kalaban
C. ang mga balita ng katapangan
D. ang pagkampi ng kapalaran
6. Alin sa sumusunod na pangyayari ang maaaring nagtulak kay Florante upang sambitin niya ang mga katagang ito sa saknong 176 ng awit
A. Nasaksihan niya ang malabis na katiwalian ng mga namumuno sa bayan ng Albanya kaya’t hinangad niyang sa Krotona na lamang sana siya isinilang.
B. Nasambit niya ito dahil sa rami ng kabiguan sa buhay na kanyang dinanas na ang pinag-ugatan ay ang pagkakaroon nila ng iisang bayan ni Adolfo.
C. Napagtanto niya na mas magiging masaya siya sa Krotona sapagkat higit na mas magaling ang isang ina sa pagpapalaki ng mga anak.
D. Nakita niya ang malaking pagkakaiba ng kapaligiran ng Krotona at Albanya kaya’t napahiling siya na sana’y sa Krotona na lamang siya isinilang.
7. Ano ang iyong mahihinuha na nais ipahiwatig ng saknong sa itaas sa mga mambabasa?
A. Natural na mabangis ang mundo kung kaya’t di tayo makaaasa ng anumang uri ng kasiyahan mula rito.
B.Tayo ay inilagay sa mundong ito upang pagdusahan ang lahat ng karahasan na tayo rin mismo ang nagdulot.
C. Ang kailangan natin upang manatili sa mundong ito ay maging matatag sapagkat lagi tayong makakaharap sa maraming problema..
D.Sanayin natin ang ating mga sarili sa sakit upang maging masaya tayo kahit may pagsubok na dumating.
8. Sa kabuuan, anong mahalagang diwa ang nais ipahiwatig ng mga taludtod sa itaas?
A. Ang bawat isa sa atin ay may natatagong bahagi na maaaring ikumpara sa isang bata – na laging naghahangad ng kaligayahan sa buhay.
B. Ang bawat kasiyahan na nararanasan natin sa mundong ito ay may katapat na kalungkutan kaya’t marapat lamang na maging handa tayo.
C. Kinakailangan muna nating makaranas ng kalungkutan ng makapitong ulit bago natin matamo ang kaligayahan na ating inaasam.
D. Kailanman man ay hindi tayo makararanas ng ganap na katuwaan dahil lahat naman tayo ay hahantong sa kamatayan.
9. Anong pangyayari ang isinasaad ng 2 taludtod?
A. nasakop ng mga moro ang bayan ng mga Kristiyano
B. ibang bandila ang kanilang natatanaw sa sariling bayan
C. tanda nang pagkatalo kapag bandila ay pinalitan
D. bandilang nakawagayway ang simbolo ng tagumpay.
10. Anong mahalagang pangyayari ang nakasaad sa “Sa Babasa Nito”
A. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit.
B. Ang pagsasabing kung may malabong bahagi ay tawanan at dustain.
C. Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng awit.
D. Ang pagnanais na maging mahusay rin sanang manunulat ang lahat ng makakabasa ng akdang ito.
Explore all questions with a free account