No student devices needed. Know more
5 questions
Napalilibutan ng malalawak na katubigan ang buong kapuluan ng Pilipinas. Ito ang Karagatang Pasipiko sa gawing Silangan, Timog Dagat China sa Hilaga at kanluran, at Dagat Celebes at Dagat Sulu sa dakong Timog.
Piksyon
Di-Piksyon
2. Masayang-masayang ang lahat nang biglang lumitaw ang isang malaking manok na tandang. Nagulat ang lahat. Hangang - hanga sila sa magarang tindig ng manok. Lalo pa silang nagulat nang sa isang iglap ang manok ay nagbago ng anyo. Naging isang makisig na prinsipe. Sinabi niyang kukunin na niya ang dalagang kaniyang pinakamamahal. Nilapitan niya si Sari at inakay. Naging anyong tandang muli ang prinsipe at pataas na inilipad papalayo si Sari. Sa laki ng pagkagulat, wala isa man ang nakakilos o nakapagsalita sa harap sa bilis ng mga pangyayari.
Piksyon
Di-Piksyon
3. Isang napakagandang dalaga si Maria. Siya ay isang engkantada na nakatira sa bundok ng Makiling. Siya ang nag-aalaga sa kabundukan at sa mayamang kagubatan. Mabait si Maria sa mga hayop,ibon, at isda. Maamo ang mga ito sa kanya. Mabait rin siya sa mga taong nakatira sa paligid ng bundok. Madalas ay bumababa siya sa kanila upang bigyan sila ng pira-pirasong luya. Nagiging ginto ang piraso ng luya na ibinibigay niya sa mga taganayon. Kaya mahal nila ang engkantadang Diwata.
Piksyon
Di-Piksyon
4. Ang Metro Manila ay pinananahanan ng mga pangkat ng Pilipinong nagmula sa iba’t ibang dako ng bansa. Ayon sa tala ng MMDA, 12% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay narito. Tagalog o Filipino ang wikang karaniwang ginagamit dito. Ito ang sentro ng lahat ng mga gawain sa bansa: Pangangalakal, industriya, edukasyon at pamahalaan.
Piksyon
Di-Piksyon
5. Dumating ang pitong duwende sa kanilang bahay. Nakita nila ang napakagandang dalaga. Siya ay tulog na tulog. Hindi ginising ng mga duwende ang kanilang mahiwagang panauhin. Nang magising si Snow White, nakita niya ang pitong duwende.
Piksyon
Di-Piksyon
Explore all questions with a free account