No student devices needed. Know more
40 questions
1. Ano ang ginagamit sa pagsusukat ng mga bagay na may maikling distansiya, may kalibra, at karaniwan ay nasa sentimetro o pulgada ang panukat?
a. eskuwala
b. electric drill
c. martilyo
d. maso
2. Batay sa sumusunod na kasanayan, alin dito ang ginagamit ng isang eskultor?
a. Pagsusukat
b. Pagpuputol
c. Pagpapakinis
d. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang tinaguriang “Tree of Life” sapagkat lahat ng bahagi nito ay napakikinabangan?
4. Alin ang hindi kasama sa mga gawaing
pang-industriya?
a. Disturnilyador
b. Panukat
c. Pambutas
d. Pamukpok
5. Si Mando ay nagwewelding ng mga bintana at gate. Sa anong gawaing pang-industriya siya nabibilang?
a. Gawaing-elektrisidad
b. Gawaing-kahoy
c. Gawaing-metal
d. Lahat ng nabanggit
6. Bakit kailangang nasa matibay na lalagyan ang mga kasangkapan?
Upang hindi masira
Upang hindi mabasa ng ulan
Upang magandang tingnan
Upang mapanatili ang orihinal na anyo nito
7. Saan karaniwang ginagamit ang kabibe o kapis?
Sa paggawa ng mga plato
Sa paggawa ng mga bahay
Sa paggawa ng mga bag at wallet
Sa paggawa ng mga sapatos, bag at alahas
8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga gamit pambutas?
a. brace
b. C-clamp
c. drill bit
d. electric drill
9. Ang mga sumusunod ay mga kasanayan sa paggawa ng matagumpay na proyekto maliban sa isa.
a. Pagsusulat
b. Pagpaplano
c. Pagbubuo
d. Pagtatapos
10. Bakit kailangang sundin ang mga panuntunan sa paggawa?
a. Upang maging sikat sa klase
b. Upang maging ligtas ang mga manggagawa
c. Upang mataas ang grado na makuha sa guro
d. Upang mabilis na matapos ang gawain
11. Sa paggawa ng isang proyekto, nararapat na sundin ang panuntunan sa paggawa. Alin sa sumusunod ang hindi dapat sundin?
a. Sundin ang mga binigay na panuto.
b. Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na materyales sa bulsa
c. Pumili ng magulo, mainit at madumi na pagawaan
d. Panatilihing malinis ang lugar na gagawan ng proyekto
12. Ang kawayan ay isang uri ng kahoy na maraming pakinabang sa mga mamamayan. Ano sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing katangian nito?
a. Ilang uri nito ay nakakain.
b. Ito ay ginagamit sa paggawa ng ibang materyales sa bahay.
c. Ito ay malapad, mataas, at marupok
d. Ito ay madaling mahanap, matibay, at mataas ang kalidad.
13. Piliin sa sumusunod ang magkatugma.
a. Pang-hasa: cross-cut saw
b. Pang-ipit: pait
c. Pamutol: liyabe
d. Panukat: zigzag rule
14. Bakit kailangang gamitin ang mga kasanayan sa paggawa ng proyekto?
a. Upang maipagmalaki ang proyekto
b. Upang maungusan at matalo ang iba sa proyekto
c. Upang magkaroon ng maganda, malinis, at matibay na proyekto
d. Upang magamit ang mga materyales at komunsumo ng malaking halaga sa proyekto
15. Alin sa mga sumusunod ang nahahanay sa gawaing pangkahoy?
a. Pagkukumpuni ng mga silya, upuan at mesa
b. Pagbuo ng dustpan
c. Pagkukumpuni ng mga sirang wiring system
d. Paggawa ng habonera at gadgaran
16. Ano ang tawag sa kagamitan na ginagamit pang-ipit ng isang bagay upang maputol ito nang maayos?
a. Pamutol
b. Pang-ipit
c. Panghasa
d. Pampakinis
Ano ang kahalagahan ng mga kagamitan sa mga manggagawa at sa paggawa ng produkto?
I – Maayos na paggawa
II – Pulido at maayos na produkto
III – Maganda ang larawn
IV – Ligtas na manggagawa
I, II at III
I, II at IV
II, III at IV
I, III, at IV
18. Alin sa sumusunod ang hindi tamang dahilan kung bakit dapat nasa tamang kondisyon ang isang kasangkapan?
a. Upang magamit nang matagal ito
b. Upang mapanatili ang orihinal na anyo nito
c. Upang maging maganda ang matatapos na produkto
d. Upang matuwa ang iyong kaibigan
19. Paano mo ilalarawan ang mga kahoy tulad ng yakal, narra, at kamagong?
a. Malambot
b. Ginagamit sa paggawa ng posporo
c. Ginagamit sa paggawa ng papel at sombrero
d. Matibay at ginagamit sa paggawa ng bahay
20. Ang himaymay ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga produkto na inaangkat at inilalabas sa Pilipinas. Ang Rami at Pinya ay ilan sa mahahalagang halimbawa nito. Sa anong aspekto pareho ang dalawang materyal na ito?
a. Wikang latin kung saan nagmula ito
b. Gamit sa paggawa ng tela na ginagamit sa industriya
c. Parehong may maraming mga mata
d. Lugar kung saan tumutubo at nagpaparami
21. Sa pagbuo ng proyektong pang-elektrisidad, ano ang unang dapat isaalang-alang?
a. Pamamaraan
b. Pagpaplano
c. Pagguhit
d. Paggawa
22. Anong kagamitang panghigpit ang ginagamit panghigpit o pangluwag ng mga turnilyo na ang dulo ay hugis krus?
a. Philips Screwdriver
b. Stubby Screwdriver
c. Standard Screwdriver
d. Long Nose Pliers
23. Ito ay mga aparato na tumutulong sa isang elektrisiyan upang makabuo at makapagbigay ng serbisyong may kinalaman sa elektrisidad.
a. Kasangkapang Elektrikal
b. Serbisyong Elektrikal
c. Gawaing Elektrikal
d. Kagamitang Elektrikal
24. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng kagamitang pang hawak ?
a
b
c
d
25. Ang portable electric drill ay halimbawa ng anong uri ng kagamitang elektrikal?
a. Pang-kamay
b. Pang hawak
c. De-motor
d. De-bomba
26. Kung gusto mong pumutol ng bakal, tubo at iba pang uri ng metal. Ano ang gagamitin mo?
a. Pipe Cutter
b. Hack Saw
c. Portable Electric Drill
d. Side Cutting Pliers
27. Ang pliers, hammer, puller at hacksaw ay mga kagamitan na ginagamitan ng kamay at hindi na nangangailangan ng _________.
a. Air pressure
b. Elektrisidad
c. Kagamitan
d. Kasangkapan
28. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa pagpaplano sa paggawa ng proyekto?
a. Pagpili
b. Pamamaraan
c. Pag-oorganisa
d. Paggawa at pagsusuri
29. Ang gimlet ay ginagamit para makagawa ng mga malilit na butas, karaniwan sa kahoy ng hindi ito napuputol. Alin sa mga sumusunod ang larawan nito? Isulat ang titik ng tamang sagot
30. Sa materyales na ito pinapadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan.
a. Flat cord
b. Fish wire
c. Connectors
d. Clamps
Ang mga sumusunod ay tamang pangangalaga ng kasangkapang elektrikal maliban sa isa.
Basahin at unawaing mabuti ang manwal ng paggamit ng bawat kasangkapang elektrikal
Linisin ang bawat kasangkapan matapos itong gamitin
Gamitin ang bawat kasangkapang elektrikal nang may lubos na pag-iingat
Maaaring gamitin ang mga kasangkapang may sira o depektibo.
32. Ang kagamitang de-motor o pnueumatic tools ay mga kagamitan o instrumento na gumagana sa tulong ng _______________.
Hangin
Tubig
Air Pressure
Kuryente
33. Alin sa sumusunod na larawan ng materyales na pang-elektrisidad kung saan ipinagkakabit-kabit ang mga wire? Isulat ang letra ng tamang sagot.
34. Piliin ang grupo ng mga kasangkapan at kagamitan na magkakabilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
35. Ito ang tamang paraan ng paggamit ng kagamitang elektrikal na ito kung saan ipipihit pakanan kung nais sikipan ang screw; pakaliwa naman ang pagpihit kung nais luwagan.
a. Screwdriver
b. Martilyo
c. Pliers
d. Hacksaw
36. Ito ay makina na pinapagana ng elektrisidad
a. Kasangkapang Elektrikal
b. Serbisyong Elektrikal
c. Gawaing Elektrikal
d. Kagamitang Elektrikal
Alin sa sumusunod na larawan at gamit ng male plug? Isulat ang letra ng tamang sagot.
38. Ano ang gamit ng conduits/pipes?
a. Dito isinasaksak para dumaloy ang kuryente papunta sa kasangkapang pinapagana ng kuryente
b. Dito pinapadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan
c. Dito pinapadaan ang mga wire para maproteksiyunan ito sa pagkasira
d. Dito ipinagkakabit-kabit ang mga wire
39. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng paggamit ng portable electrical drill?
I Higpitan ito
II Suriing mabuti ang pagkakabit ng baterya
kung ito ay may karga pa
III Hawakan ng maayos ang drill gamit ang dalawang kamay, isa sa hawakang bahagi at isa para sa katawan nito
IV Ikabit ang drill bit sa nguso ng drill gamit ang chuck key
I, II, III, at IV
IV, I, II, at III
IV, III, II, at I
II, IV, III, at I
40. Bakit kailangang tama ang paggamit at pangangalaga ng kagamitan at kasangkapang pang-elektrisidad?
Upang magamit ng maayos
Upang maging maganda ang kagamitan sa lahat ng oras
Upang mapanatili ang gamit at kapakinabangan ng mga ito
Upang hindi na ito ipaayos ng paulit ulit
Explore all questions with a free account