No student devices needed. Know more
15 questions
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng salitang relihiyon?
A.Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
B.Paniniwala sa iisang diyos na siyang may lalang ng lahat nang may buhay sa mundo.
C.Pagkakaloob ng sarili sa may kapangyarihan
D.Pamumuhay ng maraming mga Asyano
2. Paano naitatag ang mga relihiyon?
A. Sa pagkakabuklod at pagbabalik-loob ng mga tao sa pamayanan.
B. Kapag may nagkusang mag-alay sa kanyang masaganang pamumuhay kapalit ng pagtatag ng relihiyon
C. Kapag naging sunod-sunuran ang mga mamamayan
D. Kapag nagkaroon ng masamang pangyayari sa kanilang buhay.
3. Alin sa mga sumusunod na aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano ang naimpluwensiyahan ng kanilang relihiyon?
A. Lipunan
B. Pamahalaan
C. Pagpapahalaga at Moral
D.Lahat ng nabanggit
4. Bakit tinatawag na Sinilangan ng mga relihiyon ang Asya?
A. Dahil sa lawak ng teritoryong sakop nito at sa dami ng taong naniniwala.
B. Dahil nauna ang Asya sa pagtatag ng mga relihiyon.
C. Dahil mga Asyano ang mga naging propeta ng mga karamihan sa mga relihiyon.
D. Dahil sa pagiging maka-Diyos ng mga Asyano.
5. May limang haligi o pundasyon ang paniniwalang Islam, alin sa mga sumusunod ang nagtuturo na kailangan magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan?
A. Iman
B. Salah
C. Zakah
D. Sawm
6. Sino ang isang prinsipe na isinuko ang karangyaan, luho upang matuklasan ang kaliwanagan?
A. Sidharta Gautama
B. Zoroastero
C. Mohammad
D. Guru Nanak
7. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan?
A. Zoroastrianismo
B.Shintoismo
C. Katolisismo
D. Budismo
8. Alin sa mga sumusunod na paniniwala ang HINDI magkakaugnay?
A.Zend –Avesta=Zoroastrianismo
B.Koran =Islam
C.Bibliya =Kristiyanismo
D.Veda =Judaismo
9. Anong relihiyon ang may pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo batay sa dami ng mga tagasunod at kasapi nito?
A. Jainismo
B. Shintoismo
C. Kristiyanismo
D. Islam
10. Isa sa turo ng relihiyong Jainismo ay ang pagbabawal sa pananakit nang anumang may buhay, ano ang tawag nila sa paniniwalang ito?
A. Ahimsa
B. monotheism
C. Enlightened
D. Fasting
11. Ano ang nagtulak sa mga tagapagtatag ng relihiyon na talikuran ang maayos na pamumuhay at magtatag ng isang relihiyon?
A. Upang makamtan ang kaliwanagan
B. Upang maging dakilang manunubos
C. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili
D. Upang mahalin ng mga kababayan
12. Ano ang mahalagang aral ng Kristiyanismo?
A.Si Jesukristo ay Anak ng Diyos na isinugo upang mamuhay at mamatay para sa kaligtasan ng sangkatauhan
B.Si Adan at Eba ang mga unang tao sa sanlibutan.
C.Ang Papa ng Rome ay dapat na kilalanin.
D.Pagsasabuhay ng sampung Utos ng Diyos
13. Paano mo iginagalang ang mga relihiyon ng ibang tao?
A. Kilalanin ang kanilang paniniwala at hahayaan sila na tumalima sa Kanilang relihiyon.
B. Himukin ang kaklase o ibang tao na sumanib sa iyong relihiyon
C. Ipamukha sa kanila na mali ang kanilang mga doktrina sa pamamagitan ng pagdaos ng debate.
D. Ibubully ang kaklase na kakaiba ang niyakap na relihiyon.
14. Bakit mahalaga ang relihiyon?
A. Dahil mas higit na mapaunlad ng pamahalaan ang isang bansa na may iisang relihiyon.
B. Dahil nagkakabuklod- buklod ang mga mamamayan tungo sa paghubog ng kabihasnang Asyano.
C. Dahil mas madali lamang mapasunod ang mga mamamayan kapag may iisang pinaniniwalaan.
D. Dahil halos lahat ng mga relihiyon ay nagbibigay diin sa konsepto ng masama at mabuti.
15. Kung ikaw ay na sa loob ng simbahan, ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Magmasid sa mga taong pumapasok sa loob ng simbahan.
B. Maghahanap ng mga kaibigan o kaklase sa loob ng simbahan.
C. Manalangin ng tahimik sa upuan at makinig sa sinasabi ng pastor o pari.
D. Makipagdaldalan sa katabi.
Explore all questions with a free account