10 questions
Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong na ito? Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,Dawag na matinik ay walang pagitan: Halos naghihirap ang kay Pebong silang, Dumalaw sa loob na lubhang masukal.
pananalig
pag-asa
pag-aalinlangan
lungkot
Ay saan ngayon ako mangangapit? Saan ipupukol ang tinatangis-tangis, Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit, Ang sigaw ng aking malumbay na boses.Nagpapahiwatig ito na ang saloobin ng nagsasalita ay may…
paghihinagpis
pakiusap
pag-asa
pananalig
Kung siya mong ibig na ako’y magdusa, Langit na mataas, aking mababata; Isagi Mo lamang sa puso ni Laura Ako’y minsan-minsang mapag-alala. Ang pahayag ay nagsasaad ng ...
pag-asa
pakiusap
pananalig
paghihinagpis
Malalaking kahoy, ang inihahandog, Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot; Huni ng ibon ay nakalulunos ,Sa lalong matimpi’t masasayang loob. Anong damdamin ang masasalamin sa saknong na ito?
nakatatakot
may pag-asa
pananalig
malungkot
Bakit kalangita’y bingi ka sa akin, Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin? Diyata’t isang alipusta’t iring Sampung tainga mo’y ipinangunguling. Mararamdamang ang naglalahad ay may…
pag-asa
pananalig
pagsusumamo
pagtatampo
Punan ang patlang ng pinakaangkop na salita upang mabuo ang pahayag. “Tama ba Adolfo na patayin mo ang aking ama at ang hari ng Albanya? ______________ mo Adolfo nang dahil sa pag-aasam mo ng yaman at kapangyarihan ay nagawa mo ang karumal-dumal na pagpatay!”
napakabuti
napakasigla
napakagaling
napakalupit
“Nagsimula ang lahat ng _______________ ni Adolfo noong kami ay nasa Atenas. Dahil nahigitan ko siya sa klase kahit ako ay bagong mag-aaral lamang.Anong salitang ang dapat ipuno upang mabuo ang pahayag?
kasamaan
kabutihan
kabaitan
kagalingan
“Ikaw Adolfo ang may gawa ng paghihirap ko. Napakasama mo!” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?
pagkainis
pagkagalit
pagdadalamhati
pagkalungkot
Anong angkop na salita ang ilagay sa patlang upang mabuo ang pahayag? Ako ay ___________ na ang lahat ng pagsubok na ating pinagdadaanan ay ating malalampasan.
tunay na
sigurado
naniniwala
totoo
Batay sa mga nakalap na impormasyon, __________ mas malaki ang posibilidad na mahawaan ng COVID-19 ang mga taong walang suot na facemask. Anong salita ang dapat ipuno upang mabuo ang pangungusap?
sigurado
talaga
siyempre
totoo na