No student devices needed. Know more
15 questions
Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng pamumuhay.
Pagsulong
Pag-unlad
Inobasyon
Kabuhayan
Ang mga sumusunod na palatandaan ay makikita sa mauunlad na bansa maliban sa:
Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura
Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
Patuloy ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa
Malaking porsiyento ng mga mamamayan ay may disenteng pinagkukunan ng pangkabuhayan.
Ang mga mamumuhunan ay nagnanais na makalikha ng maraming produkto at nangangailangan ng mga makabagong teknolohiya upang tumaas ang antas ng produksyon. Ano ang tawag sa resulta ng prosesong ito?
Pagsulong
Teknolohiya
Inobasyon
Pag-unlad
Isa sa napakahalagang salik ng pagsulong ng isang bansa ang yamang-tao, paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
Nakabatay sa laki ng populasyon ang dami ng manggagawa na nagdudulot ng pag-unlad ng bansa.
Ang tao ay itinuturing na pasanin ng gobyerno kung patuloy ang paglaki ng populasyon nito
Ang tao ay walang direktang kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa
Ang kasanayan ng tao ang gumaganap ng mahalagang papel upang makalikha ng mas maraming output
Ang mga sumusunod na salik ay nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa maliban sa:
Teknolohiya at inobasyon
Imprastraktura
Yamang-tao
Likas na yaman
Sino ang nagpasimula ng Human Development Report?
Amartya Sen
Michael Todaro
Mahbub Ul Haq
Dudley Seers
Ang paggamit ng inobasyon ay mahalaga upang makasabay ang bansa sa mga pagbabago at pandaigdigang galaw ng mga produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kaugnay ng kahalagahang nito?
Nababawasan ang mga manggagawa dahil sa makinarya
Napabibilis nito ang proseso ng pamamahagi ng yaman ng bansa
Nakatutulong ito na makalikha ng maraming output bunga ng paggamit ng makabagong ideya at pamamaraan sa paggawa
Hindi nakatutulong ang inobasyon dahil magdudulot lamang ito ng kalituhan sa manggagawa
Ang tao ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ano ang angkop na paliwanag ukol dito?
Dahil sa kanilang pamumuhunan sa ating bansa, nagdudulot ito ng empleyo sa bansa
Dahil ang tao ang nakikinabang sa pag-angat ng ekonomiya
Dahil sa kanilang kasanayan, abilidad at kakayahan sa paglinang ng pinagkukunang-yaman
Dahil ang tao ang namamahagi ng mga pinagkukunang-yaman
Isa ito sa mga ginagamit na panukat ng pambansang kaunlaran na nakabatay sa kalagayan ng pamumuhay ng tao gaya ng edukasyon, kalusugan at antas ng pamumuhay.
Gross National Product
Gross National Income
Human Development Index
Human Development Report
Ang mga sumusunod ay ginagamit na panukat sa antas ng pag- unlad ng isang bansa maliban sa:
Gross National Product
Gross National Income
Human Development Index
Human Development Report
Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa?
Sa pamamagitan ng pagpili ng lider na may purong dugong Pilipino
Sa pamamagitan ng pagbili ng mga murang produkto
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagsunod sa batas at mga programa ng pamahalaan
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng negosyo na magbibigay trabaho sa tao
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
. Epektibong batayan ng kaunlaran ng bansa ang paggamit na tradisyunal na panukat gaya GDP at GNP
May pag-angat sa kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Malaking kita ng pamahalaan mula sa mga remittances ng mga OFWs
Kapag maraming mga proyektong pang-imprastraktura ang pamahalaan
Bakit mahalagang gamitin na panukat ang Inequality-Adjusted HDI ?
Upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan at edukasyon sa mga mamamayan
Upang makita ang antas ng hindi pagkakapantay-pantay
Upang mabawasan ang karahasan sa lipunan
Upang matukoy ang agwat sa pagitan ng lalaki at babae
Ang pagsulong ay nasusukat. Ito ay mula sa konsepto ng pag-unlad ayon kay:
Michael Todaro
Stephen Smith
Amartya Sen
Feliciano Fajardo
Ano ang ginagamit na pananda sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan?
Haba ng buhay at kapanganakan
Tagal ng taon sa paghahanapbuhay
Akses sa mga serbisyong medikal
Walang anumang tala ng pagkakasakit
Explore all questions with a free account