No student devices needed. Know more
50 questions
Sa Boston Tea Party binigyan-diin dito ang makataong pagbubuwis para sa mga negosyante, samantalang sa Declaration of the Rights of Man binigyan diin dito ang___.
A. katungkulan
B. obligasyon
C. panunumpa
D. karapatan ng tao na mamuhay ng malaya
Ang sistemang piyudalismo ay nabuwag sa Pransiya dahil sa pang-aabuso ng___.
A. Pangulo
B. Pari
C. Hari
D. Monghe
Naging matagumpay ang pakikibaka ng mga Amerikano at mga Pranses dahil natutunan nila ang tamang___
. A. pagbabatas at pangangatwiran
B. pakikisama at pagbabatas
C. pangangatwiran at pamamahala
D. pakikibaka at pagkakais
Ang hukbong sandatahan ng Amerika ay tinawag na ____.
A. Continental Army
B. Continental Desert
C. West Point
D.Continental East
Ang malawakang pang-aabuso ng mga hari ay dahil sa kanilang ___.
A. Divine Rights
B. Divine Intervention
C. Divine Power
D. Divine Sacrifice
Ang kaalaman ukol sa prinsipyo at karapatan ng mga Amerikano ay nagresulta sa isang ________
A. Paksyon/Pagkakahati
B.Rebolusyon
C.Migrasyon
D.Kawalan ng Pagkakaisa
Alin sa sumusunod na produkto ang itinapon bilang tanda ng protesta?
A. tsaa
B. cinnamon
C. opyo
D. seda
Ang mataas na buwis sa mga produktong tsaa at iba pa ay salik na __________na naging daan sa isang himagsikan.
A. Relihiyon
B. Pulitikal
C. Ekonomiya
D. Panlipunan
Naninirahan ang mga Briton sa Virginia dahil sa pangangailangang _____________
A. Agrikultural
B. Pulitikal
C. Relihiyon
D. Pangisdaan
Dahil sa ginawa ng mga Amerikano na pakikipaglaban sa mga Ingles para sa kanilang kalayaang pulitikal at ekonomikal,sila’y naging inspirasyon ng bansang _______ na nakipaglaban din para sa kanilang kalayaan.
A. Spain
B. Poland
C. Argentina
D. France
Katawagan sa malawakang pagpatay sa mga mamayan na pinaghihinalaang kalaban ng pamahalaan.
A. Reign of Terror
B. Reign of Kindness
C. Reign of Commons
D. Reign of Rights
Ang guillotine ay pinairal ni_______
A. Danton
B. Robespierre
C. King Louis XV
D. King Louis XVI
Ang slogan na “Kalayaan,Pagkapantay-pantay at Kapatiran” ay isinabuhay ng _____ upang sila’y magkaroon ng kalayaan
A. Pranses
B. Amerikano
C. Italyano
D. Aprikano
Ang Bastille ay simbolo ng _____ng mga haring Bourbon
A.kalupitan
B.dignidad
C. pamamahala
D.pangangalaga
Ang Tennis Court ay isang lugar sa Pransya na kung saan dito binuo ang kanilang
A. konstitusyon
B.kalayaan
C.pangarap
D.pangangalaga sa bansa
Ang simbolo ng kalupitan ng mga haring Bourbon
A. Bastille
B. Tennis Court
C. Versailles
D. Estado-Heneral
Ang makasaysayang panunumpa ng Ikatlong estado ng kinatawan na hindi sila aalis sa lugar na iyon hanggat hindi nakabubuo ng isang konstitusyon ay naganap sa _____
A. Tennis Court
B. Supreme Court
C. Basketball Court
D. Court of Appeal
Ang slogan ng Rebolusyong Pranses
A.”Kalayaan,Pagkapantay-pantay at Pagkakapatiran”
B.”Kalayaan,Pagkapantay-pantay at Humanidad”
C.”Kalayaan,Kagalingan at Katarungan”
D.”Kalayaan,Pakakaisa at Katahimikan”
Ang katawagan sa parusang ipinataw ni Robespierre sa mga taong ayaw sa kanyang pamunuan.
A. Silya-elektrika
B. Lethal injection
C. Guillotine
D.Garote
Ang Reign of Terror ay pinasimulan ni ____
A. Jacobin
B. Danton
C. Robespierre
D. King Louis XVI
Ano ang naganap sa huling bahagi ng 1800?
A. Muling nakipagsapalaran ang mga bansang kanluranin upang makapagtamo ng mga teritoryo
B. Nagpalakas ng pwersang sandatahan
C. Pagsali sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa
D. Pumirma ng kasuduang pangkapayapaan
ng imperyalismo ay dominasyon ng malakas at makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa sa mga aspektong
A. Politika
B. Ekonomiya
C. Kultura
D. lahat ng nabanggit
Ang tulang isinulat ni Rudyard Kipling na White Man’s Burden ay patungkol sa ?
A. Maraming nadamay dahil sa pakikialam ng ibang bansa
B. Pagpasok ng usaping pangkapayapaan
C. Nagpatuloy ang labanan sa kalupaan at karagatan
D. Tungkulin ng mga Europeo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop
Ano ang naging batayan ng mga Racist upang magtangi ng lahi ?
A. Protectorate
B. Social Darwinism
C. Benevolent Assimilation
D. Manifest Destiny
Nakatawag pansin sa mga kapitalista ang Asya at Africa, sa anong dahilan ?
A. Sagana sa likas -yaman na wala o kakaunti sa mga industriyalisadong bansa
B. Pagnanais na makatulong sa usaping pangkapayapaan
C. Mapataas ang antas ng kaalaman
D. Mapalakas ang sandatahang lakas ng bansa
Ang paggamit ng likas na yaman ay nakapaloob sa patakarang____
A. Protectorate
B. White Man’s Burden
C. Concession
D. Sphere of Influence
Ang pag-unlad ng Industrial Revolution sa Europa ay naging sanhi upang magkaroon ng sobrang ____sa pamilihan
A. pera
B. produkto
C. negosyo
D. armas
Ang Asya at Africa ay kilala sa saganang likas na yaman, subalit kulang sa industriya at_______
A. bangko
B. negosyo
C. teknolohiya
D. armas
Ang steam powered na mga sasakyan ay kabilang sa salik na _____
A. militar
B. pampulitika
C. ekonomiya
D. panlipunan
Ang pananakop sa Silangang Asya at Africa ng mga Kanluranin ay naganap noong panahon ng ______
A. Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
B. European Imperialism
C. Unang Yugto ng Imperyalismo
D. Panahon ng Eksplorasyon
Sa panahon ng imperyalismo ng mga Kanluranin, nawala at unti-unting nasira ang ______ng mga Asyano at Aprikano.
A. wika
B. kultura
C. pagkain
D. edukasyon
Itinatag ang Berlin Conference noong 1884 upang maiwasan ang ____
A. slavery o pang-aalipin
B. digmaan
C. tunggalian ng interes
D. kampihan
Ang dalawang kontinente na pinag-agawan ng mga Kanluranin dahil sa masaganang likas na yaman ay ang______
A. Aprika at Asya
B. Amerika at Europa
C. Australia at Aprika
D. Asya at Antarctica
Ang nanguna sa eksplorasyon patungo sa Aprika ay sina ____
A. Marco Polo at Ferdinand Magellan
B. Bartolome Diaz at Pigafetta
C.Hernando Cortez at Prinsipe Henry
D.David Livingstone at Henry Morton
Hinangad ng mga kanluranin na masakop ang Asya at Aprika dahil sa ____
A.Maunlad na ekonomiya
B.Malaking populasyon na magagamit sa digmaan
C.Saganang likas yaman
D.Maunlad na teknolohiya
Bakit itinuturing na isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo?
A. Kailangang may magsakripisyo muna ng buhay.
B. Kailangan itong madama at paghirapan ng tao upang matutuhang mahalin ang kanilang bansa.
C. Kailangang humantong muna sa digmaan bago nito madama ang pagmamahal sa bansa.
D. Kailangang mahalin muna ng iba ang iyong bansa
Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng katangian ng bansang Soviet Union o Russia, maliban sa isa,
A. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos.
B. Ito ay matatagpuan sa kontinente ng North America.
C. Pinakamalaking bansa sa daigdig
D. Sumasakop ito sa dalawang lupalop ng Asia at Europe.
Si Leon Trotsky ay isa sa masugid na tauhan ni Lenin na naniniwala sa alituntuning _______________________.
A. Dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
B. Iwasan ang pakikidigma sa mga bansa upang manatli ang kapayapaan.
C. Dapat ikalat agad ang demokrasya upang mapalaya ang mga mamamyan.
D. Wala sa nabanggit
Mahigit sa 200 taon na nasakop ng mga Tartar o Mongol mula sa Asya ang mga mamamyan ng Russia noong ika-13 na siglo. Sino sa mga sumusunod ang nagsilbing tagapagligtas ng Russia mula dito?
A. Ivan The Great
B. Iosef Stalin
C. Leon Trotsky
D. Vladimir The Saint
Nagbunga ang October Revolution ng mga komunistang Soviet ng mga sumusunod na pangyayari maliban sa isa,
A. Nagapi ang mga czar
B. Naghari si Trotsky sa Russia
C. Nagkaisa ang mga Ruso
D. Nagwakas ang aristokrasya
Kontinente na kinabibilangan ng bansang Brazil, Colombia, Peru at Venezuela.
A. Central America
B. North America
C. Latin America
D. South America
Alin sa mga sumusunod na aspeto ang naging sagabal sa pagkamit ng nasyonalismo ng mga bansa sa Latin America ang HINDI KABILANG?
A. Naging matagal ang pag-usbong ng mga panggitnang uri ng lipunan
B. Umunlad ang piyudalismong sa Latin America na pinamumunuan ng mga peones
C. Maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-aalsa
D. Hindi tinuro ng mga Espapyol sa mga katutubo ang pagsasalita ng kanilang wika
Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol maliban sa __________ nagsasalita ng Portuges.
A. Argentina
B. Brazil
.D. Chile
D. Guyana
Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol kay Simon Bolivar ang HINDI KABILANG?
A. Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator
B. Isang creole na nagnais na palayain ang Timog Amerika laban sa mga mananakop
C. Layunin niya na magtayo ng isang nagkakaisang South America
D. Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa mga Espanyol matapos mamatay ni Antonio Jose de Sucre noong 1816
Bagaman hindi naging matagumpay si Simon Bolivar sa kanyang adhikain na pagkaisahin ang South Amerika bilang isang bansa maitututing pa rin na naging matagumpay pa rin sya dahil ___________.
A. Nakamtan ng mga bansa sa Central America ang kanilang tinatamasa na kasarinlan
B. Kinilala pa rin ang kanyang kontribusyon tungo sa liberalisasyon ng mga bansa sa South America
C. Sa kanyang istilo ng pamumuno sa Great Colombia ay naging halimbawa ng maayos na gobyerno
D. Ginawaran siya ng iba’t ibang parangal dahil sa mga adhikain niya para sa mga simpleng mamamayan ng kanyang bansa
Naging malayang bansa ang Mozambique at Zimbabwe sa kamay ng mga Europeo. Saang kontinente matatagpuan ang mga bansang ito?
A. Africa
B. Asia
C. Europe
D. South America
Anong bansa ang itinatag noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera nito?
A. Algeria
B. Liberia
C. Morocco
D. South Africa
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Afica ang HINDI KABILANG?
A. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi
B. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1945
C. Nakamtan ng bansang Liberia ang kasarinlan nito sa tulong ng Estados Unidos
D. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa AfricaEthiopia, Liberia at Republika ng South Africa
Ilan sa mga isyung kinaharap ng mga bansa sa Africa ang apartheid. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa apharteid?
A. Ito ay isang sistema ng pag-iiba o diskriminasyon ng mga lahi at pananaig ng mga lahing puti sa matataas na lipunan
B. Ito ay isang sistema na kung saan ang pinagpangkat-pangkat ang lipunang Hindu batay sa kanilang uri
C. Ito ay isang sistema na kung saan may kapangyarihang poltikal pa rin ang mga Europeong bansa sa mga dating kolonya nito sa Africa
D. Ito ay isang doktrina o paniniwalang pang-ekonomiya, hindi pinapayagan ng prinsipyong ito ang pakikiaalam ng pamahalaan ng estado, bayan o bansa sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ekonomiya
Alin sa mga sumusunod na analohiya ang MALI?
A. Angola: Italy
B. Algeria: France
C. Egypt: Great Britain
D. Liberia: United States
Explore all questions with a free account