No student devices needed. Know more
5 questions
1. Isang araw sa iyong paglalakad ay nauhaw ka. Bumili
ka ng isang bote ng mineral water sa tindahan. Ano
ang dapat mong gawin sa boteng pinaglagyan ng
tubig?
A. Itatapon ko sa daan.
B. Itatapon ko sa tamang lalagyan.
C. Itatapon ko sa kanal.
2. Nakita mo ang bagong tanim na gulay sa inyong
paaralan na nalalanta dahil nakalimutan itong
diligan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Didiligan ko ito para mabuhay.
B. Pababayaan ko itong lalong matuyo.
C. Bubunutin ko na lang ito para wala nang didiligan.
3. Isang Sabado ng umaga, tulong-tulong na naglinis ng
bakuran ang inyong pamilya. Ano ang dapat mong
gawin sa basura?
A. Sasabihin ko kay tatay na sunugin na lang ang mga basura.
B. Paghihiwalayin ko ang nabubulok at dinabubulok na basura.
C. .Itatapon ko sa tabi ng ilog ang mga basura para ipaanod.
4. Isang hapon nagkaroon ng pagbaha sa harap ng
inyong bahay. Matapos mawala ang tubig nakita mo
ang nakakalat na basura. Ano ang dapat mong gawin?
A. Lilinisin ko ang kanal para maaalis ang mga basurang
nakaharang.
B. Maglalaro ako ng bangkang papel sa kanal.
C. Hintayin ko na lang na linisin ng aming kapitbahay ang
aming harapan.
5. Niyaya ka ng iyong kapatid na mamasyal sa parke.
Habang kayo ay namamasyal napansin mo na
tinatapon ng kapatid mo ang plastic na kanyang
pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan ko na lang ang kapatid ko na itapon ang plastik.
B. Pagsasabihan ko siya na huwag ikalat ang plastik.
C. Itatapon ko na rin kahit saan ang basura ko.
Explore all questions with a free account