No student devices needed. Know more
50 questions
Kailan nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika?
a. Hunyo 4, 2014
b. Hulyo 4, 2014
c. Hunyo 4, 2013
d. Hulyo 4, 2013
Anong uri ng komunikasyon na ginagamit ang wika. Maaaring nasa anyong pasalita o pasulat?
a. Komunikasyong Berbal
b. Paralanguage
c. Vocalics
d. Komunikasyong Di-berbal
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng pagbubuod?
a. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod
b. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ang paksa.
c. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus gumagamit ng sariling pananalita.
d. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.
Sino ang nanguna sa pagsampa ng kaso sa Korte Suprema sa Tanggol Wika noong Abril 15, 2015?
a. Dr. Bienvenido Lumbera
b. Dr. Aurora Batnag
c. Dr. Wilfredo V. Villacorta
d. Dr. San Juan
Kailan nailathala ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila ang posisyong papel na pinamagatang Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano?
a. Agosto 2013
b. Agosto 2016
c. Agosto 2014
d. Agosto 2015
Ano ang tawag sa wikang ginagamit ng sinumang dalawang Filipino na may magkaibang wikang katutubo at nais mag-usap?
a. Lingua franca
b. Paralanguage
c. Chronemics
d. Proxemics
Ano ang tawag sa paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng komunikasyon?
a. Colorics
b. Oculesics
c. Pictics
d. Iconics
Ano ang tawag sa paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng komunikasyon?
a. Colorics
b. Oculesics
c. Pictics
d. Iconics
Alin ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagbubuod ng impormasyon?
a. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan.
b. Pagtukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ang paksa.
c. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang madaling maunawaan ng babasa.
d. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.
Anong samahan ang naglahad nang argumentong maka-Filipino sa konteksto ng globalisasyon sa isang bukod na posisyong papel na inilabas noong 2014?
a. PSLLF
b. CHED
c. ASEAN
d. KWF
Kailan nagkaroon ng udyok sina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas na mga batikan at premyadong manunulat na kapwa faculty ng DLSU na gumawa ng panibagong liham ng petisyon na naka-address sa CHED?
a. Hunyo 2, 2014
b. Hunyo 16, 2014
c. Hulyo 4, 2014
d. Marso 3, 2014
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa madalas na may kopya nang elektroniko?
a. talaarawan
b. kritisismo
c. artikulo sa journal
d. tesis at disertasyon
Ito ay ginagamit sa mga deskriptibo at kuwantitatibong pag-aaral ng malalaking populasyon para sukatin ang kaalaman, persepsiyon, disposisyon, nararamdaman, kilos, gawain at katangian ng mga tao?
a. Interbyu
b. Panayam at Pangkatang Talakayan
c. Surbey
d. Isahang Panayam
Kailan ang eksaktong kumalat ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo?
a. 2011
b. 2012
c. 2013
d. 2014
Ano ang pinanggalingan ng mga katunayan (facts and figures at datos) na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno o panlipunang realidad?
a. Primaryang Batis
b. Batis ng Impormasyon
c. Sekundaryang Batis
d. Hanguang Elektroniko
Alin ang HINDI kabilang sa Sekundaryang Batis?
a. Encyclopedia
b. Abstrak
c. sipi mula sa orihinal na hayag o teksto
d. awtobiyograpiya
Anong Department Order ang nagtakda na ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa social studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts and character education?
a. Department Order No. 25, Series of 1974
b. Department Order Blg.14-26 Serye ng 2014
c. CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013
d. Kautusang Pangkagawaran Bilang 53, serye 1987
Ito ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomenon.
a. Hanguang Elektroniko
b. Primaryang Batis
c. Sekundaryang Batis
d. Impormasyong Batis
Anong paaralan ang naglathala nang iba’t ibang yunit at organisasyon noong 2014?
a. DLSU
b. PUP, Manila
c. UP Diliman
d. Unibersidad ng Santo Tomas
Alin ang HINDI kabilang sa binigay na payo ni Mendoza (2019) sa pagkuha ng impormasyon sa hanguang elektroniko?
a. .edu
b. .org
c. .gov
d. .www
Ilan ang natipon na pirma sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad na dinala sa CHED bilang liham-petisyon?
a. humigit-kumulang 200
b. humigit-kumulang 300
c. humigit-kumulang 400
d. humigit-kumulang 100
Sino ang lumagda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 upang mas lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno?
a. Manuel L. Quezon
b. Fidel V. Ramos
c. Corazon C. Aquino
d. Ramon Magsaysay
Anong uri ng pag-uugnay ng impormasyon ang babanggiting halimbawa: Ang silid-aralan ay bahagi ng pisikal at simbolikong espasyo ng buhay-estudyante (Ang X ay isang lugar sa Y)?
a. Istriktong paglalakip (strict inclusion)
b. Sanhi at Bunga/Kinalabasan
c. Gamit (Function)
d. Espasyal (Spatial)
Anong gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ang nakabubuo ng maliit na grupo at maaaring gamiting bilang metodolohiya ng pananaliksik?
a. Umpukan
b. Tsismisan
c. Komunikasyong Berbal
d. Komunikasyong Di-Berbal
Sino ang nagbigay ng kasabihang “ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan”?
a. San Juan
b. Dr. Wilfredo V. Villacorta
c. Lumbera, 2007
d. Manuel L. Quezon
Kailan pinagtibay ng NCCA-NCLT ang agarang magsagawa ng mga hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas tersiyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino?
a. Mayo 23, 2014
b. Mayo 22, 2013
c. Hunyo 23, 2014
d. Hunyo 20, 2014
Ito ay tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe.
a. Olfactorics
b. Pictics
c. Oculesics
d. Colorics
Anong uri nang Kuwalitatibong Disenyo ang nagkakaroon ng isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon?
a. Survey
b. Interbyu
c. Panayam
d. Pangkatang Talakayan
Anong pag-uugnay ng impormasyon mula sa iba’t ibang batis ang ibibigay na halimbawa: “Ang pakikipagpalagayang-loob ay isa sa mga unang hakbang sa pakikipanuluyan”?
a. Atribusyon (attribution)
b. Pagkakasunod-sunod (sequence)
c. Lugar ng isang kilos
d. Paraan-kinayarian (means-end)
Kailan sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa Kolehiyo ang pagpapalaganap ng petisyon na humihiling sa CHED at DepEd na ipahinto ang implementasyon ang Senior High School/ Junior College at ng Revised General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12?
a. Disyembre 7, 2012
b. Hunyo 28, 2013
c. Hunyo 2, 2014
d. Oktubre 3, 2012
Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kopyutasyon.
a. Kwantitatibong Disenyo
b. Kuwalitatibong Disenyo
c. Pag-uugnay ng impormasyon
d. Pagsusuri ng impormasyon
Anong batas ang nagtangkang alisin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo, para diumano’y mabawasan at mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo?
a. Department Order No. 25, Series of 1974
b. CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
d. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987
Alin ang TAMANG pagkakasunod-sunod ng pagsusuri ng impormasyong ayon sa mungkahi ni Holan (2014)?
a. I-Google, Maghanap sa deep web, Hingan ng ebidensya ang sino mang naghahayag ng claim, Maghanap ng natuklasan ng iba pang fact-checkers na nauna at Maghanap ng mga eksperimentong may ibang pananaw.
b. Hingan ng ebidensya ang sino mang naghahayag ng
claim, I-Google, Maghanap ng natuklasan
ng iba pang fact-checkers na nauna, Maghanap sa deep
web, at Maghanap ng mga eksperimentong may ibang
pananaw.
c. Maghanap ng natuklasan ng iba pang fact-checkers na nauna, Hingan ng ebidensya ang sino mang naghahayag ng claim, I-Google, Maghanap sa deep web, at Maghanap ng mga eksperimentong may ibang pananaw.
d. Hingan ng ebidensya ang sino mang naghahayag ng claim, Maghanap ng natuklasan ng iba pang fact-checkers na nauna, I-Google, Maghanap sa deep web, at Maghanap ng mga eksperimentong may ibang pananaw.
Anong uri ng gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ang ginagamitan ng wika na maaaring nasa anyong pasalita o pasulat?
a. Komunikasyong Berbal
b. Umpukan
c. Komunikasyong Di-Berbal
d. Tsismisan
1. Kailan inilibas ang rappler.com na karaniwang ginagamit sa social media gaya ng: lodi, petmalu, werpa at iba pa?
a. 2017
b. 2016
c. 2015
d. 2014
Sino ang naka-isip ng alyansang “Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools (ACT)”?
a. Dr. Aurora Batnag
b. Prop. Ramilito Correa
c. Dr. Rowell Madula
d. Commissioner Alex Brillantes
Kailan nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera?
a. Abril 15, 2015
b. Hulyo 4, 2014
c. Abril 21, 2015
d. Hunyo 16, 2014
Anong uri nang Kuwalitatibong Disenyo ang kinapapalooban ng pagsisiyasat sa layunin at malalimang pag-unawa?
a. Interbyu
b. Surbey
c. Panayam at Pangkatang Talakyan
d. Isahang Panayam
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa harapang ugnayan sa kapuwa-tao na kabilang sa primarying batis?
a. panayam
b. tsismisan
c. pakikipagkwentuhan
d. pagtatanong-tanong
Kailan inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas”?
a. Disyembre 7, 2012
b. Hunyo 28, 2013
c. Hunyo 2, 2014
d. Abril 15, 2015
Sino ang may akda nang “Isulong ang Ating Wikang
Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino,
Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na
Antas”?
a. Dr. Bienvenido Lumbera
b. Dr. Maria Lucille Roxas
c. Prop. Ramilito Correa
d. Dr. Rowell Madula
Anong uri nang Komunikasyong Di-Berbal ang tinatawag ding body language?
a. Chronemics
b. Kinesics
c. Paralanguage
d. Vocalics
Alin ang HINDI kailangang katangian sa Pag-uugnya ng Impormasyon?
a. malinaw
b. metikuloso
c. sariling opinyon
d. mapanuring isipan
Sino ang nag-iwan ng kasabihang “kung susuriing mabuti, hindi lamang sa dimensiyong kultural mahalaga ang wikang Filipino, kundi maging sa aspektong ekonomiko rin”?
a. San Juan (2014)
b. Dr. Wilfredo V. Villacorta
c. Lumbera (2007)
d. Alamario (2014)
Kailan nailathala ang posisyong papel na “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano”?
a. Hulyo 2013
b. Agosto 2014
c. Hunyo 2014
d. Agosto 2013
Anong uri nang Komunikasyon Di-Berbal ang tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapabatid ng mensahe?
a. Pictics
b. Kinesics
c. Proxemics
d. Haptics
Anong batas ang nagsaad ng paninindigan sa paggamit ng wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa 12 na yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC)?
a. Department Order No. 25,
Series of 1974
b. CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013
c. Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335
d. Kautusang Pangkagawaran Bilang 53, serye 1987
Ano ang maituturing na isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga datos?
a. Bahay aklatan
b. Predatory journal
c. Internet
d. Taong respondyente
Ano mas kilala sa tawag na “wika ng bayan”?
a. Filipino
b. Lingua Franca
c. Tagalog
d. Bilingwal na wika
Anong paaralan ang naglabas ng posisyong papel na pinamagatang “Ang paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013”?
a. Ateneo de Manila
b. PUP, Manila
c. Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
d. DLSU, Manila
Explore all questions with a free account